DOS

7.8K 182 8
                                    


Napahinto sa paglalakad si Angelo. Kumunot ang kanyang noo at nagsalubong ang makapal na kilay.

Nagtataka si Angelo kung bakit sa gitna ng malalim na gabi, nakakita pa siya ngayon ng isang babaeng nag-iisa sa gilid ng kalsada habang may kinakalikot sa harapan ng dala nitong kotse.

"Ay Kainis naman! Mabuo ka naman!" Narinig ni Angelo na reklamo nang naiinis na babae.

Hindi pa lumapit si Angelo. Sa tulong ng liwanag ng buwan at ilang ilaw na rin sa paligid na nagbibigay liwanag, pinagmasdan nito ang babae kahit bawal iyon.

Maganda ang babae. Mahaba ng buhok na magulong nakapusod. Hindi ito nakaharap sa kanya kaya hindi pa rin niya makita ang itsura ng mukha nito pero masasabi naman niyang maganda ito. Makinis ang balat na kulay porselana. Maganda at sexy ang hubog ng katawan na hubog na hubog sa suot nitong t-shirt at skinny jeans. Mukha ring sa tingin niya ay mayaman ito dahil maganda at mukhang mamahalin ang kotse at sa itsura na din ng babae.

"Um... Miss," pagtawag ni Angelo sa babae.

Mukhang narinig naman siya nito kaya napatingin ito sa kanya. Doon niya napagmasdan ang mukha nito. Maganda nga kahit na may kaunting dungis ng grasa at humaharang pa ang bangs nito sa mukha. May pagkabilugan ang mga mata pero bumagay sa ganda ng hugis ng mukha nitong maliit at maamo. Matangos ang ilong at may kanipisan ang labing natural na mapula. Medyo namumula rin ang mga pisngi nito. Sa tingin niya rin, mukhang kasing edad niya ang babaeng ito.

"Naku! Salamat naman at mukhang may tutulong na sa akin," narinig niyang sabi ng babae na tumingala pa sa kalangitan at pinagsalikop pa ang magkabilang palad. Pagkatapos ay lumapit na ito kay Angelo.

"Salamat naman ho at dumating kayo," aniya ng babae na napatingin kay Angelo mula ulo hanggang paa. "Father," dugtong na sabi nito saka bahagyang yumuko.

Tipid na napangiti si Angelo. "Ahhh... papunta pa lang," wika nito na ang tinutukoy ay ang pagiging pari niya. "Oo nga pala, ano pa bang ginagawa mo rito? Gabing-gabi na," tanong at sabi pa ni Angelo.

"'Yun na nga ho Father. Gabing-gabi na at gusto ko nang pumunta sa pupuntahan ko pero itong kotse ko, nagkatopak. Ayaw umandar," paglalahad ng babae sa kanyang problema. "Natatakot na nga ho ako rito kasi ang dilim na at nag-iisa pa ako pero mabuti na lang ho at dumating kayo... Father," aniya pa ng babae.

Parang naiilang ito na tawaging Father si Angelo kasi sa totoo lang, nagwapuhan siya rito at ito iyong tipo ng lalaki na pang-boyfriend material kasi mukhang mabait pero nung nakita niya ang suot nito, aminado siyang nanghinayang.

"Ganun ba?" ang nasabi na lamang ni Angelo.

"Marunong ho ba kayong umayos ng kotse?" tanong ng babae.

Tipid na napangiti si Angelo na ikinatulala ng babae. Paano naman kasi, ang ganda ng ngiti nito. Pantay-pantay pa ang mga ngipin puting-puti na kulang na lang ay gawing commercial model ng isang toothpaste commercial. Dagdagan pa na may dimples ito sa magkabilang pisngi.

Hindi namalayan ng babae na nakalapit na si Angelo sa kanyang kotse kaya naman ng bumalik ito sa katinuan ay nakita niyang wala na sa harapan niya si Angelo. Nakita niyang nasa harapan na ito ng kotse niya at kinakalikot na ang kung ano roon kaya kaagad siyang lumapit.

"Naku Father! Ingat ho kayo at baka madumihan iyong damit ninyo. Puting-puti pa naman," wika ng babae.

"Okay lang," sabi nito nang hindi tumitingin sa babae kasi patuloy lamang ito sa pag-aayos ng sira sa kotse.

Angelo's Revenge (M2M Romance Drama)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora