"Sinamahan ko din yang kaibigan mula sa Maynila."      Narinig kong wika ni Nanay.

Hindi naman ako nakaimik. Tulala akong nakatayo roon at nakatingin kina Thea.

Paano.... Bakit..... Anong..... Ginagawa niya rito?

Nag angat siya ng tingin at nagkonek muli ang mga tingin namin.

Henry?

Kakaiba yung tingin niya sa akin. Parang kahit walang salita alam na alam ko na ang ipinararating niya.

I'm doomed.

"Anong ginagawa mo dito?"       Sa wakas ay nakahanap ako ng oras at pagkakataon upang kausapin si Henry.  Simula kasi ng dumating siya ay magkasama lang sila ni Thea at naglalaro. Ang dami nilang pinakukwentuhan na parang antagal nilang nagkawalay. Ayaw nang humiwalay ng anak ko sa kanya. 

Kinakabahan ako at  natatakot. Hindi normal na ganto ang pakitungo ni Thea sa mga tao sa paligid niya. Yung tipong ayaw nang lumayo. Sa akin lang siya naging ganyan pero noong maliit pa siya. Ngayon na medyo nakakaintindi na siya at naiintindihan na niya na kailnagn kong mag work kaya naiiwan ko na siya kina Cedes. Pero ngayon......

What's with Henry??

Dahil ba magkadugo sila? Dahil ba.... Ito ang ama niya kaya ganto?

Huminga ako ng malalim. Mataman kong tinitigan si Henry. Nasa bakuran na kami. Ako na ang nagprisinta na ihatid siya sa labas dahil pauwi na siya. Hindi ko alam kung saan siya tutuloy pero.... Kailangan ko bang malaman?

Tumayo siya sa harap ko. Tinitigan ako. Nakadama ako ng kaba sa dibdib dahil sa kanyang titig. Sibrang seryoso niya at hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

I feel nervous, scared and guilty. Kainis.

"Nabalitaan ko na na-ospital si Thea. What happened?"  

Napakunot noo ako.     "Panu mo nalaman?" 

"I have my source Milca."      Ang serious niya talaga. Ibang iba siya sa dating nakakasama at nakakausap ko na Henry.

"Okay na siya. Wag kang mag-alala."     Humalukipkip ako. Medyo nilalamig na rin kasi ako.    "Hindi mo kailangang mag-alala." 

"Bakit hindi?"       Aniya.      "I have every right to be concern about her 'cause she's my daugther."  

Mariin akong napapikit dahil sa narinig. May bumangong galit sa loob loob ko.       "She is not your daugther."      Mahina pero madiin kong wika.  Galit ko siyang tinignan.  

"Hanggang kelan mo ba ide-deny ang totoo?"      Sarcastic siyang ngumiti.

Bumuntung hininga ako ng malalim at napakagat ng ibabang labi.

"Wala ng dahilan para itago mo sa akin ang totoo."      Mahinang aniya.

Hindi kaagad ako nakapagsalita. Nagtitigan lang kami ng ilang sandali at parang nagsusukatan ng titig.

"Four years...."        Sapat at mariin kong wika. Unti unting nag-init ang mga mata ko.      "Four years na wala ka sa tabi ni Thea. Four years na kami lang ang magkasama. Four years na namuhay kami na kami lang. Walang ikaw. Four years, Henry...... Tapos sasabihin mo sa akin na may karapatan ka na maging concern sa anak ko? Tatawagin mong anak ang anak ko samantalang kahit kelan ay hindi ka naman naging Ama sa kanya? Ang kapal naman ng mukha mo!"  

One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon