CHAPTER 10>>>

3.9K 114 1
                                    

HOORAY NAKAPAGUPDATE DIN HINDI AKO MASYADONG BUSY NGAYON MGA CHINGU SALAMAT SA PAGIINTAY MADAMI NAMAN AKO UPDATE KAYA ENJOY READING


UNG TITLE PAGIISIPAN KO PA ILALAGAY KO RIN SYA NEXT UPDATE

CHAPTER 10>>>

AINIE POV>>>

Hindi ko akalain na mangyayari ito gulat ako ng yakapin ako ni Rei yakap na puno ng feelings na hindi ko naman maidescribe o baka naman nahihibang lang ako

Etong paglabas lang naming isang napakalaking himala pero ang unti unting nararamdaman ko para sa kanya ay patuloy na namumuo at natatakot ako

Dahil ito ang pakiramdam na sana kaya kong pigilan pero paano, kung unti unti na akong nahuhulog kay Rei

Sobrang nasurprised ako ng sya mismo ang nagvolunteer na samahan ako, kahit na hindi pa sya magaling

Nang sabihin nyang how can I make it up to you dun pa lang parang sasabog na ang nararamdaman ko

Feeling ko kasi importante na ako sa kanya, pero gaya ng sabi ni Cath wag akong padala sa nararamdaman ko

Dahil baka bandang huli ako ang kawawa at magdusa

Pero paano ko pipigilan ang damdamin ko kung sya mismo, nilalapit nya ang sarili nya sa akin

Nang hawakan ko ung kamay nya papunta sa ferris wheel that was I confirmed that I start to fall for Rei deeply,

Kahit na naiilang ako dahil sa mga titig nyang nakakatunaw ng kaluluwa

Paano kasi tagos tagusan ang tingin nya, ang hirap dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko, kahit anong gawin kong pagiwas wala talagang epekto

Kaya un hindi ko napigilan na ipagdasal sya, pero hindi ko inasahan ang yakap na makukuha ko sa kanya

Sa loob ng 5 minuto hindi ako nakakilos at hindi ayos ang tibok ng puso ko maging ang paghinga ko ay hirap din

Dahil sa yakap nyang tagos hanggang buto ko, ang init sa pakiramdam

Pero ang sarap sa pakiramdam, nang magbitiw kami ng yakap, hindi nakalagpas sa mata ko ang bakas ng luhang nasa pisngi ni Rei

Gustuhin ko man tanungin sya kung okay lang ba sya hindi ko magawa, dahil mas lalong kami magkakailangan nun

Kaya naman hindi ko na lang pinansin ang yakap na yun after ng araw na yun mas naging okay ang samahan namin ni Rei

Mabilis na lumipas ang mga araw at halos 3 months na pala

Mejo nasasanay na ako sa bahay nya at sya ganun din, nagpapaalam sya pag aalis na sya papunta sa work nya

At bumabati pag nasa bahay na sya, minsan sabay kaming kumain pero sa twing sabay kami lagi akong hindi matunawan

Buti may alliby ako si baby, pero ang totoo kasi hindi ako makakain ng ayos, naiilang pa rin ako pag nasa harap ko sya

Tapos kapag ngumingiti sya sa akin parang masisiraan ako ng bait paano naman kasi, nakakamatay ung killer smile nya

Kaya alam ko na bakit madaming fans tong taong to!

Mejo pahirap ng pahirap ung pagbubuntis ko, lalo na sa umaga, kaya yun wala akong choice kungdi ang magstay lang sa kama or sa bahay

Kasi bawal daw ako mapagod sabi ni gelay, ay nasabi ko bang nurse sya, kaya naman hindi ako pwede sumaway,

Hindi naman ako naiinip sa bahay minsan tumatawag si Cath pero ang nakakagulat si Hiro ang madalas tumawag at ang sarap nyang kausap

Lagi syang nagpapatawa at nageenjoy akong kausap sya I like the way he treats me feeling ko ang especial ko at sumasaya ako kahit paano

INSTANT MOMMY SI NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon