CHAPTER 7>>> PLEASE REI DON'T LEAVE ME!...........I PROMISE AINIE!

4K 122 1
                                    

DAHIL MASAYA SI ATE AUTHOR KAYA  NAMAN MADAMI AKONG UPDATE AT SUPER INSPIRED KASI AKO DAHIL DEAD NA DEAD KAY TAISUKE FUJIGAYA SYA ANG INSPIRATION KO SA PAGSULAT NG STORY NA TO KAYA KUNG INTERESTED KAYO SA KANYA YAN ANG NAME NYA UNG NAKA BOLD LETTERS AS IN NO.1 FAN NYA AKO PERO SYEMPRE LOVE KO PA RIN ANG ISDA KONG SI DONGHAE.

=====================================================

CHAPTER 7>>> PLEASE REI DON'T LEAVE ME!...........I PROMISE I AINIE!

REI POV>>>

Hindi ko alam anong sumaping masamang ispiritu at inaaway ko ang leader namin dahil lang sa nagkakatuwaan sila ni Ainie

Tapos mas parang nag-init pa ung dugo ko nang malaman na si Hiro

Type si Ainie at napansin ko naman yun kasi ung mga type ni Hiro un ung mga tipo ni Ainie, kaso ang weird kasi naiinis ako sa tawanan nila

Lalo na nung nadatnan ko sila sa kusina na ganun kasaya

Mejo nasaktan ako kasi bakit never ko naexperienced I mean never kong narinig na tumawa ng ganun si Ainie sa akin

Siguro ganun nga never kaming magkakasundo ni Ainie

Kinabukasan nagising ako sa doorbell

Pagtingin ko sa door i.d nakita ko face ni Ainie maputla na naman at malungkot

Katabi nya si Cath

Pagpasok nila may mga gamit na dala si Cath

"gamit to ni Ainie pupunta kasi kami ni Teppei sa Osaka hahatid namin parents nya kaya pwede dito muna mag-stay ung friend ko

Pwede ba Rei?

isa pa diba dapat naman talagang dito dapat magstay ang friend ko dahil alam mo na ang result ng test at yun ang requirements mo di ba?" wika ni Cath na base sa boses nya parang naiinis na naman to sa akin

kaya tumango ako wala naman akong choice eh

"may isa lang akong hiling Rei alam ko hindi mo naman talaga tanggap ung baby ni Ainie at si Ainie

pero sana naman wag mo naman masyado iparamdam sa kaibigan ko

kasi lalo syang nasstress sa pinapakita mo at nasasaktan din sya pareho naman kayong hindi inaasahan ang pangyayari hindi ba

kaya kung nahihirapan ka dahil sa sitwasyon mo

eh ano na lang si Ainie?

iniwan nya ang lahat ng meron sya sa pinas dahil sa pagbubuntis nya kaya sana naman kahit konti

iparamdam mo naman na hindi sya pabigat

isa pa hindi naman sya magtatagal ditto di ba ilang buwan lang

kaya sana pakitunguhan mo ng maayos kahit paano ung kaibigan

yun lang naman ang hiling ko Rei" wika ni Cath habang nakatingin kay Ainie na natutulog

after nun umalis na sya at iniwan na si Ainie

habang pinagmamasdan ko sya siguro nga tama si Cath masyadong nasstress si Ainie sa sitwasyon naming

lalo na buntis pa sya

kaya naman nagdecide na ako I will take full responsibility of her pregnancy

NO ONE'S POV>>>

Nang magising si Ainie gulat sya ng isang nakangiting Rei ang bumungad sa kanya

INSTANT MOMMY SI NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon