"But you already told her you quit..."

"I did because I have to."

He has to???

"Why don't you just tell her that the reason why you want to stay away from her is because-" 

Hindi natapos ni Alexa sasabihin niya kasi nag salita agad si Justin.

Because whaaaat? Oh God!

"Alexa... Don't change the topic. Hindi ako naniniwalang ikaw nag cut ng video."

"Ako nga. Ako lang..." I smell something. Hmmm.

"Will you please stop lying?" Mukhang frustrated na si Justin.

"Fine... Don't tell Rylie, okay?" She sighed, "It was Jessa who cut the video," Jessa as in alalay niya? Yung epal ng epal habang naguusap kaming dalawa? Why would she do that?

"What?"

"She did that because she wanted revenge. She was the one who took the video and also the one who edited it. I told her to throw it away but right after she saw how broken I was, she gave it to someone... pero edited version na yung binigay niya. She did that for me so please, ayoko siyang madamay dito."

Si Jessa...

I need to find her, but how?! 

I left them and went back to school. Pinuntahan ko na si Kent...

"Kent!" Pagod na pagod ako kakahanap sa kanya. Hindi na nga ako pumasok sa next class ko eh. Buti na lang alam ng DSG yung sched ng mga members.

"What?" He asked, naistorbo ko kasi.

"Do you know Jessa? If so, alam mo ba number niya o kaya kung saan siya nakatira? Or kung nasaan siya ngayon?"

Tiningnan lang niya ako...

"Kent, please? Alam kong may alam ka sa mga nangyayari."

He shook his head, "Wala akong alam. Just go..."

"Kent, sige na please. Kahit sabihin mo na lang sa akin kung anong alam mo. Kahit yun na lang... Please?"

"Wala nga akong alam, diba?! Umalis ka na!" Tinulak niya ko. Mahuhulog na sana ako sa floor if not for the guy na nasa likod ko. Napasandal ako sa kanya tapos hawak hawak niya braso ko.

Pag tingin ko, "Dylan?"

Inayos ni Dylan yung tayo ko. Ang sama ng tingin niya kay Kent. Nakita ko naman si Katy na papunta sa akin...

"Uy, Ry. Okay ka lang?" She asked.

I nodded. Okay lang ako basta ibigay niya sa akin yung number ni Jessa or ikwento lang niya yung alam niya. Mababaliw na ko, damn!

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Where stories live. Discover now