"Mag ingat ka sweetheart..mahal din kita." Sagot ko sakanya na naging dahilan ng pagkinang ng mata niya, ngumiti siya saka tumango.


Pumasok na ako sa kwarto para mag ayos, may pasok din kasi ako sa opisina. Tatlong araw lang siyang mawawala pero sobrang mamimiss ko yung kabaliwan niya saakin. Oo! Baliw siya saakin h'wag na kayong umangal kundi magsusungit nalan ulit ako habang buhay! Forever bitter! Biro lang, basta mahal ko siya!


Maliligo na sana ako pero natigilan ako nang marinig kong may nagdoor bell, lakad takbo ang ginawa ko para buksan yung pinto, at kinabahan ako nang makita ko kung sino siya..


Nanginginig ang kamay ko nang ipatong ko ang kape sa center table. "Co-coffee po." Nauutal na sabi ko, "Thank you hija.." Nakangiting sabi niya.


Umupo ako sa kaharap niya single couch. "Ah..siya nga pala, para sa iyo yang bulaklak. Peace offering kumbaga." Natatawang sabi nito saakin, tinignan ko yung bulaklak na nakapatong sa mesa, isang dosenang puting rosas iyon. "S-salamat po Sir.."

"Tito nalang hija." Pagtatama nito saakin, tumango tango ako. Natahimik kaming dalawa, magsasalita na sana ako pero inunahan na niya ako. "About what happened last time, pasensya ka na hija sa nagawa ko." May halong lungkot ang boses niya, tinignan ko ang mukha niya at nakita ko ang paghingi ng paumanhin doon.


"Pasensya ka na sa nasabi ko, maging sa pananakit ko." Mariin niyang ipinikit ang mata niya, "Bigla akong natauhan nang marinig ko kung paano mo ipaglaban ang anak ko.." Paliwanag niya, kung iniisip niyo kung sino ang kausap ko. Si Tito Nathan siya, ang Papa ni Drake.


"Matapang ka, at masasabi kong tama ang asawa ko. Hindi ka bastang babae na susuko kapag hinila pababa, that's why I'm here para humingi ng paumanhin." Ramdam ko sa boses niya ang sensiridad, huminga ako ng malalim at ngumiti. "W-wala po yun Tito, napatawad ko na po kayo..ngayon po ang gusto ko lang sanang mangyari, magkaayos na po kayo ni Drake." Nakita ko ang pagkamangha sa mukha niya dahil sa sinabi ko, pero kaagad siyang ngumiti at tumango saakin.


"Sinubukan kong kausapin siya hija, pero mukhang malaki ang tampo saakin ng anak ko dahil sa nagawa ko sayo. Nakikita ko nga ang sarili ko sakanya noon, yung pagkamuhi ko sa Tatay ko dati, nararamdaman kong ibinibigay saakin ngayon ng anak ko. Tama nga ang sinasabi saakin noon ng Lola ko, kung anong ginawa mo sa magulang mo, gagawin din sayo ng anak mo..at ganun kami ni Drake ngayon." Tumatawang kwento niya, pero kahit ganun nandoon pa rin yung pait ng pananalita niya na para bang nagsisisi siya. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot dahil sa nangyayari sakanilang dalawa ni Drake. "Sir..ah eh, Tito.. Kinausap ko na po si Drake tungkol sa inyo, handa po siyang makipag ayos sa inyo.." Paliwanag ko, ngumiti siya saakin.

"Salamat hija.. Paano? Mauna na ako, may meeting pa kami sa Pampanga, sinadiya ko talagang wala si Drake dito dahil alam kong hindi niya ako papayagan na lumapit sayo. Sigurado ako iisipin non sasaktan lamang kita." Nakangiting sabi niya, tumayo siya. Doon ko lang napansin na pareho sila ng tindig ni Drake, maging ang mukha nila iisa maliban sa mata, siguro namana ni Drake ang singkit na mata kay Tita Aira.


"Sige ho Tito, sigurado po ako kakausapin na kayo ni Drake pagdating niyonm sa Pampanga. Mag iingat po kayo, salamat po." Nakangiting sabi ko saka nauna akong maglakad para pagbuksan siya ng pintuan. Ngumiti siya saakin at nagulat ako nang yakapin niya ako. "I'm sorry hija.." Paumanhin niyang ulit, "O-okay lang po Tito.."


Masaya ako dahil alam kong nagiging okay na lahat, isa nalang ang iisipin ko ngayon. Si Misha, gusto ko siyang makausap para maibalik ko na yung iTouch niya. Saka isa pa hihingi na rin ako ng pasensya sakanya, masyado yata akong naging kampante na magkikilos sa harap niya.


Naligo na ako at nag ayos para pumasok na sa trabaho, nakakatuwa dahil sinalubong ako nila Mateo ng magandang balita. Mataas daw ang sales namin ngayon sa bagong products namin, unti unti na ring nababayaran ni Mr.Go ang mga utang niya.



"I'm so proud of you son." Masayang sabi ni Mr.Go kay Tom Andres, lahat kami nakaabang sa isasagot niya, nakapalibot kasi kami dito sa lobby dahil binigyan namin ng welcome party si Tom Andres, kasama pala siya ni Drake nitong nakaraang tatlong araw sa Pampanga.

"S-salamat D-Dad." Nauutal na bulong niya, napasigaw naman si Mateo dahil ito ang unang pagkakataon na tinawag ni Tom Andres si Mr.Go bilang ama, nakita ko ang pagliwanag ng mukha ni Mr.Go dahil doon, yumakap siya sa anak at tinapik tapik ang likod nito.


"Grabe girl, akala ko katapusan na ng company natin." Natatawang sabi ni Mateo, magkasama na ulit kami sa opisina, nirequest ko kasi kay Tom Andres na bumalik na ako sa dati kong office, pumayag naman siya. "Oo nga." Matipid na sagot ko, nakatuon kasi ang mga mata ko sa cellphone ko, katext ko si Drake.

From: Sweetheart

Okay na kami ni Papa. Thanks to you my sweetheart. I love you.


Bigla akong kinilig, para akong teen ager kahit hindi. Naloloka na ako, kasi kahit sa text lang parang naririnig ko ang boses ng boyfriend ko. Nagtype ako para magreply.


To: Sweetheart

Mabuti naman kung ganun. I love you too Drake.


"Uhm! Nako, hindi maistorbo purket parating na ang jowa." Pang aasar saakin ni Mateo, nginitian ko lang siya. "Mauna na ako bakla!" Paalam ko saka nagbeso ako sakanya, pero ang totoo niyan hindi pa kami magkikita ni Drake, mamaya pa sa condo. Kasi tinext ko kaninang umaga si Misha na gusto ko siyang mameet.


Pagkadating ko sa isang restaurant nandun na kaagad siya, ang ganda ganda niya. Mukha siyang modelo sa pag aayos niya at maging ang tindig niya pang model talaga. Lumapit siya saakin at hinalikan ang pisngi ko. "Ate Marie, biglaan yata ang pakikipag meet mo?" Nakangiting sabi niya, umupo kami malapit sa bintana.


"Hmm, actually tinawagan kita para ibalik 'to." Nakangiting sabi ko saka inilapag ko sa mesa ang iTouch niya. Halatang nagulat siya dahil napako ang tingin niya doon.. "A..ano, sorry Misha, hindi ko naman alam ikaw yung first love niya, panay pa naman ang kwento ko sayo noon." Paumanhin ko, nagtaas siya ng tingin saakin at binigyan niya ako ng marahan na ngiti. "Ano ka ba Ate Marie, okay lang yun. Masaya ako dahil alam kong sa mabuti napunta si Drake, ingatan mo siya Ate mahal na mahal ka niya." Sabi niya saka kinuha niya ang iTouch niya sa mesa at isinilid iyon sa gilid ng bag niya.


"N-nakatulong saakin yang iTouch mo, alam mo bang ginagamit ko yan kapag ayokong marinig ang mga sasabihin ng tao sa paligid ko." Pagbibida ko sakanya, lalong lumapad ang ngiti niya. "Talaga?" Manghang tanong niya, tumango ako bilang sagot.

Nagkwentuhan pa kaming dalawa, pero syempre hindi na tungkol kay Drake, ang awkward kaya non kapag pinag usapan namin siya. Ibinibida niya saakin yung pamangkin namin na kambal, si Marcus at Ethan, ang cute kasi nila.


"Paano Ate mauna na ako, thank you ulit.." Masayang sabi niya saka humalik saakin, "Thank you rin Misha and sorry ulit."

"Ano ka ba Ate, okay lang yon. Wala ka namang kasalanan eh, at least ngayon mapapanatag na yung loob ko dahil alam kong wala na akong tinatago sayo. Salamat ulit Ate Marie." Nakangiting sabi niya bago pa siya sumakay sa kotse niya, ang gaan gaan lang sa pakiramdam.


Hindi mo naman pala kailangan mang agaw ng iba para lang maramdaman mo yung tunay na kaligayahan. Biglang nag vibrate ang cellphone ko.


From: Sweetheart

I'll make love to you, like you want me too. And I hold you tight, baby all through the night.. Hahaha, napapakanta ako sweetheart. I can't wait to see you, I badly missed you my everything.

***

A/N: Sana po makabasa ulit ako ng comments niyo! Hihihi. Thank you po! <3 By the way sa December 10 na po ang pa-games namin sa Ate Abo Wattpad Stories, Quiz Bee po iyon tungkol sa mga stories ko. May prize po ang mga mananalo, 1st prize po - 500 pesos load, 2nd prize- 200 load pesos, 3rd prize- 100 pesos.. Kung gusto niyo po sumali ayon po sa external link ang group. :) Thank you and good luck! 

ATE ABO.

Just Fall In Love Again (Published under Pop Fiction/Summit Media)Where stories live. Discover now