Kinukuskos na niya ngayon ang ulo buhok niya, nginitian niya ako bago siya umupo sa tabi ko dito sa kama. "Sweetheart, tatlong araw akong mawawala." Paalam niya, hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan niya ang mata ko. "May importante lang akong aasikasuhin sa Pampanga, problema sa opisina." Malungkot na sabi niya.


"Kailan ang alis mo?" Usisa ko, "Bukas." Biglaan naman yata ang pag alis niya, pero at least malapit lang saka tatlong araw lang.

"Pasalubong." Natatawang sabi ko, "Haha, sige sweetheart. Pero gusto ko palagi tayong magkausap kahit sa tawag lang." Suhestiyon niya, tumango ako bilang sagot. 


"Hmm, Drake? Nag usap na ba kayo?" Pagbabago ko ng usapan, parang bigla namang umitim ang aura niya dahil sa tanong ko sakanya, galit talaga siya sa Papa niya. "Kei Marie, let's not talk about it." Suway niya saakin saka tumayo siya at hinila yung towel para isampay sa cr, lumabas ulit siya at humiga sa tabi ko. Nakapatong ang kanang braso niya sa mata niya, sinimulan ko namang masahihen ang kaliwang braso niya.

"Matagal nanaman yung nangyari Drake." Bulong ko, "Pero nananatili sa isip ko kung paano ka niya hinusgahan at sinampal. I don't get it sweetheart, ikaw na itong sinaktan ikaw pa itong nagpapakababa." Nakatono nanaman sa pagkairita ang boses niya, "Pero magulang mo pa rin siya, hindi naman kasi tama na magmataas ka sakanila. Tandaan mo kahit anong sakit ang ibinigay sayo ng magulang mo matuto kang rumespeto." Maging ako naiirita na ako dahil ayaw niyang makinig saakin, inalis niya ang braso niya sa pagkakatakip sa mata niya at tinitigan niya akong mabuti.


"Pero hindi ka niya nirespeto." Pagdidiin niya, "I don't care. Saka isa pa tama naman ang sinabi ng Papa mo, laman ako ng scand--"

"Kei Marie!!" Napapitlag ako sa pag sigaw niya, ang laki kasi ng boses niya kaya once na sumigaw siya talaga namang kinakabahan ako. Umupo siya, "Hindi mo naiintindihan Kei Marie, ayokong sinasaktan ka ng kahit sino dahil ako talaga ang makakalaban nila. Saka pwede ba itigil mo na yang lintik na scandal na yan. Ano ngayon kung may scandal ka? Ang importante alam ko kung sino at ano ka!" Punong puno ng iritasyon ang boses niya na para bang naiinis na talaga siya saakin tuwing mabubuksan ang topic na yon. Pinili kong manahimik nalang, kinuha ko yung iTouch na pinahiram niya saakin noon at lumabas ako ng kwarto, pinagtalpakan ko rin siya ng pinto.

Umupo ako sa sofa at ipinasak ko sa tainga ko yung earphone at pinakinggan ko yung nag iisang kanta don.

Syempre kahit palaging sweet yang si Drake nag aaway pa rin kaming dalawa, nagtatalo sa maliit na bagay hanggang sa makaramdam na ako ng pagkainis sakanya.

Maya maya lang biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko, nilakasan ko yung volume ng iTouch at iniwasan ko ang malalim niyang titig. Ganyan naman yan eh, sa tuwing magtatampo ako susuyuin niya ako at kung ano anong kagaguhan ang gagawin sa harapan ko, kung hindi siya maghuhubad at ang huhubaran niya. Tsk, ano bang pinagsasasabi ko?!

Pero ngayon, umupo siya sa tabi ko. Kinuha niya yung isang earphone sa tainga ko at ipinasak iyon sa tainga niya, kinuha niya rin yung iTouch saakin, hinintay niyang matapos yung kanta bago niya tuluyang kuhanin saakin ang isa pang earphone. "Alam mo ba kung kanino 'to?" Biglang bulong niya, tinignan ko siya at napansin kong sinusuri niyang mabuti yung bulok na iTouch.

Just Fall In Love Again (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon