Trese

4.6K 151 8
                                    

          "Freya! Wala kang karapatan pamiliin ang asawa ko! Dahil kahit saan tayo magdating ako ang asawa at kabit ka lang!"sigaw ni Sally.

        "Ayaw kong makipag-argumento sayo, ayaw  kong ibaba ang level ko bilang isang babaeng may pinag-aralan sa isang kagaya mo, kung meron ka man dapat batuhin ng mga tanong ay yun ang asawa mo. At kung ang piliin niya ako sasama na sya sa'kin pag-alis ko ng bansang ito at kung ikaw naman pakamahalin mo sya ng higit pa sa pagmamahal ko, at wag mo hahayaan magkaroon pa ng dahilan n iwan ka nya." Ang matatag na sabi ni Freya, at inakay nito ang anak.

Parehong naiwan na walang imik sila Lester at Sally, masama ang tingin ipinukol ni Lester kay Sally.

        "Lester tara na hinihintay na tayo ng anak mo." Sabi ni Sally sa asawa na parang walang nangyari.

       "Uuwi  ako kung kailan ko gusto! At wag mong gamitin si Leslie dyan sa kahibangan mo lahat ng inumpisahan mo may nakahandang katapusan!" Mariing sabi ni Lester at iniwanan ang asawa ng walang paalam na kahit pa anong sigaw nito ay hindi niya pinansin.

Hindi naman makapaniwala si Matteo na nasampal siya ng dalagang kaharap. Mabilis niya itong hinaklit sa bewang at hinalikan ng mariin. Nagpupumiglas si Fatima ngunit hindi sya makawala dito kaya ng unti-unting lumuwag ang hawak nito sa bewang niya ay bigla niya itong itinulak ng malakas.

          "Pinglalaruan mo ba ako Matteo?" Tanong niya dito habang pinapahid ang luhang bigla na lang kumawala sa kanyang mga mata.

         "No!"

          "So anong ibig mong palabasin sa mga sinabi  mo a while ago?"

        "Masyado na yata akong nadala ng damdamin Ko, you keep repeating on me na, mali ito! Mali ang ginagawa natin. It's been three months wala akong ginawa para ipakita sayo kung ano ako sayo at kung ano ka sa'kin, but you're refusing me."

       "Dahil wala kang sinasabi sa'kin, all I thought you and ate are married, c'mon Matteo, kung ikaw ang nasa kalagayan ko, anong iisipin mo?"

      "Kung ako Fatima, ang nasa kalagayan mo? I will try to see what the heart can't see. I won't judge you, instead I will listen to you and no matter what the problem is I will listen and understand! And never leave!"

       "I admit kasalanan ko, natakot ako Matteo, natakot akong maging mali ang maging desisyon ko."

        "Bakit sa loob ng 5years na magkasintahan tayo, did you ever see that it's wrong? I can't believe you Fatima, I've been honest with you, ni minsan hindi ko sinubukan tumingin sa iba, ni minsan di ko inisip na palitan ka, anong pumasok sa isip mo para maniwala na nabuntis ko si Freya. Isn't called selfishness or you didn't trust me ,my loyalty to you?"

Hindi makapagsalita si Fatima dahil lahat ng sinabi ni Matteo ay totoo, umiiyak siyang napaupo sa sofa.

      "I'm sorry Matt, kung hinusgahan kita, hindi naman naging madali sa'kin yun, ng umalis ako dito hindi rin naman ako naging masaya, you occupied my mind, walang oras na dumaan hindi kita naisip, at ng buong akala ko that you and ate are married, sabi ko sa sarili ko what I did was the stupid things that I made in my life."humihikbing sabi ni Fatima.

        "It's happened, dahil hindi buo ang tiwala mo sa'kin. Do you think after all this, ano pa ang dapat nating gawin?"

         "Matt, gusto kong ituwid ang pagkakamaling nagawa ko, punuan ang pagkukulang ko." Matatag na sagot ni Fatima.

          "Pag-iisipan ko." Tipid na sagot ni Matteo, na ikinatulis ng nguso ni Fatima.

        "Ngaun ka pa mag-iisip, sana bago mo ako pinakialaman nag-isip ka muna!" Masungit niyang sabi dito.

"Completed_"Ikaw Lang At Ako {Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon