Sais

4.3K 144 3
                                    

     "Nothing Matt, napagkamalan kong snatcher si Lester, bigla na lang kasing sumulpot sa harap ko."

       "Ah ganun ba, pare hinahanap ka na ni mare, tara na."

Ng araw na malaman ni Fatima ang tungkol kay Lester na minahal niya ng labis ay halos ikaguho ng mundo nya, hindi niya alam ang gagawin, wala syang mapagsabihan ng lahat lahat.

Samantala masayang natapos ang birthday party na walang nakakapansin sa pagkakatigalgal ni Lester ng mga oras iyon.

       "Hubby, napansin mo ba si ate?"

       "Nasa kwarto nyo Wife. Sabi niya kanina magpahinga lang daw sya, uwi na tayo wife, after an hour okey."

      "Okey, sa room muna ikaw na magsabi kila Lester."

Marahan kumatok si Fatima sa kwartong tinutuluyan nila ni Freya.
  

       "Ate?"

       "O bakit andito ka?"

       "Ay naku! Nakakasakit lang ng ulo ang topic nila. Puro about sa kaso business, etc." Sagot ni Fatima at humilata sa kama."syangapala ate in an hour balik na tayo sa Manila.

     "Mauna na kayo, I like the place, I'll stay until tomorrow." Sagot ni Freya.

       "Are you sure?"

       "Yah."

Naunang umalis sila Fatima at gaya ng napagkasunduan nilang magkapatid ag naiwan si Freya, sa naturang Beach Resort. Samantala napansin ni Lester na hindi kasamang umalis ng magkasintahan ang dalaga kaya naman mabilis siyang umalis ng hindi napapansin ni Sally, hinanap nya ang dalaga at nagbakasakali siyang nanduon pa ito sa kwartong nakalaan sa magkapatid, mabilis na katok ang kanyang ginawa.

      "Sandali, I'm coming!" Sigaw ni Freya,kaya nabuhayan ng loob si Lester.

      "What do you want?" Tanong ni Freya, na agad itinulak ang pinto pasara ngunit mabilis na naiharang ni Lester ang katawan.

      "Please I need to talk to you, let me explain, Riz." Sumamo ni Lester.

   
       "After all these? Ano pa ang hindi ko alam Lester?"

      "Marami Riz, first patawarin mo ako naglihim ako ng katotohanan, yah anak ko ang batang iyon, but Riz believe ikaw ang mahal ko."

       "Pak! " ako ang mahal mo? Iyan din ba ang sinasabi mo kay Sally every time na magkasama kayo every time na nagkakasala ka?"

       "No! Mahal kita alam mo yan, handa akong iwan si Sally para sayo, humahanap lang ako ng tyempo para sabihin sa kanya ang totoo."

      "You know what!? This is all none sense, nagsinungaling ka pa rin sa'kin at ang masakit pinaasa mo ako Lester, sinira mo ang buhay ko!"

      "That's not true! Ako din Riz sira na ang buhay ko, at lalo pang masisira kung mawawala ka sa piling ko, I love you from the start, na kailanman hindi ko nararamdaman kay Sally, pinikot niya ako hanggang sa nagkaanak kami, lalaki it's my needs, at hindi ko alamn lahat ay planado niya."

      "Tama na!! Wala ng magbabago pa! Kahit ilang ulit ka pa na magpaliwanag, may asawa ka na Lester, at ayaw kong maging kabit lang!! Out! Get outttt!" Sigaw ni Freya at itinulak palabas si Lester.

Laglag ang balikat na umalis  si Lester, at humakbang patungo sa kanyang kotse, sa daan ay nasalubong niya si Sally.

     "Hon saan ka galing kanina pa kita hinahanap." Tanong nito.

"Completed_"Ikaw Lang At Ako {Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon