Dos

6.1K 174 4
                                    

       "Ma?"

Nagulat na napatingin si Mrs. Lagdameo sa pinto ng bahay.

      "Anak! Bakit ka narito?"

     "Ma, kasi naiwan ko yung handbag ko eh nagkaroon ako ng monthly period, umiiyak ka ba?"

     " hindi anak napuwing kasi ako kanina ng nasa labas pa ako. Iha hindi na kita mahintay mamaya anak ha."

      "Ma, okey po magpahinga ka na. I'll go upstairs na po, Matt is waiting."

Ng bumaba si Fatima ay wala na ang ina sa sala, kaya naman agad syang lumabas at nagtungo sa kotse kung saan naghihintay ang kasintahan.

     "Sorry, mahal ha."

     "No problem mahal ko." Sagot ni Matteo at agad na pinaandar ang kotse nito.

Sa isang kilalang restaurant sila nagpunta ng kasintahan, naging masaya naman ang celebration nila ng kanilang anniversary. Sandaling nagpaalam si Matteo sa dalaga para mag CR. Sa kanyang paglalakad ay nakabunggo nya ang isang babae ba palabas naman ng CR.

      "Ayyyyy!" Ang tili nito na agad dinaluhan ni Matteo.

      "Miss, I'm sorry." Sabi ni Matteo. "Are you okey?"

      "Yeah, I'm fine." Sagot nito at pinagpag ang suot na dress, ng tumunghay ito ay napamulagat si Matteo.

      "What is your name ?" Wala sa loob na naitanong ng binata.

 
      "I'm Freya Riz." Sagot nito."and you?"

      "Matteo Angeles. May kapatid ka ba?"

     "Ha? Ako wala eh, bakit?"

      "Nothing, may kamukha ka kasi."

      "Ganun ba sige Matt thanks."

Nakatalikod ng matagal ang babaeng nag-nga ngalan Freya Riz, she looks like Tita Briselda and Fatima."

       "Who is she?" Wala sa sarili nyang naitanong, at bakit iba ang pakiramdam nya sa babae na yun. Napapaisip man ay hindi nya ipinahalata sa kasintahan ng bumalik sya sa table nila. Matapos silang kumain ay niyaya nya itong maglakad-lakad sa tanong dagat. At gaya ng mga nakaraan kapag magkasama sila ay pinagpapalanuhan nila ang nalalapit nilang kasal.

   
     "Mahal, trip to Paris o Hong Kong sa honeymoon?" Tanong ni Matteo sa dalaga.

      "Kahit saan mahal, basta anduon ka, mahirap mag-honeymoon na mag-isa."

     "Pilya ka talaga haha."sabi ni Matteo at kinabig ang kasintahan ng halik, halik na puno ng pag galang at pagmamahal." I love you so much. "

     
      "And I love you too."tugon ni Fatima ng maghiwalay ang kanilang mga labi. Inihatid ni ni Matteo ang kasintahan ng magyaya na itong umuwi, Matteo is 3 years older than Fatima kaya mas maunawain sya sa kasintahan, they been together for almost 5years kaya extra careful si Matteo mahal na mahal nya ang kasintahan kaya lahat gagawin nya para dito.

      Good night mahal." Sabi ni Fatima na bago bumaba ng kotse ay binigyan nya ng halik ang binata.

      "Good night mahal ko." Tugon ng binata, hindi na sya pinababa ng dalaga dahil masyado ng gabi.

      "Ingat sa pagdrive ha."

Pagpasok ni Fatima sa loob ay nakangiting dumiretso sya sa kanyang kwarto. Dahil sa pagod matapos nyang magpalit ng pantulog ay agad syang nahiga at nakatulog. Kinabukasan ay tanghali na ngunit tulog na tulog pa ang dalaga.

"Completed_"Ikaw Lang At Ako {Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon