Chapter 4: Dumbfounded

23 0 0
                                    

"Sometimes .. when you least expect it, something extraordinary happens out of nowhere."

Di ako sure kung nananadya ba tong quote nato o hindi. Of all the things naman na mababasa ko ngayong araw ito pa. Bakit ba kasi sinend pa sakin ni Ison to. Parang sumama na ulit pakiramdam ko kaya di ko na nireplyan yung message nya sakin. Ang hilig pa naman nya magsend ng mga ganitong mga banat at hugot.  

Di pa ako nakakapagmove-on sa mga nalaman ko nung nakaraang araw. Di naman na namin napagusapan pa nila Jake yun, marahil ay kusa nalang siguro kaming umiiwas sa issue para walang away.

Nasa loob na kami ng drawing lab nung dumating sila Emy at Billy "Wala daw si prof ngayon.. ipasa nyu nalang daw yung templates sa office nya kung tapos na." masayang pagannounce nila samin. Dahil tapos na din naman ako sa drawing plates ko, inabot ko nalang din ang mga iyon kela Emy para ipasa.

Sa kabilang side ng classroom, may biglang malakas na tawanan. Yung mga B-girls lang pala. Mukhang kinikilig sila sa mga kinukwento ni Joy na di ko din naman halos madinig. Di rin nagtagal ay nagtanong na din sila Aaron. It seems that we had the same question in mind.

"Hoy Joy! naghaharutan nanaman kayo .. bakit ang iingay nyu?.." patawang nagtanong si Aaron.

"Grabe ka naman .. katext ko kasi si Ryan nagkamustahan ulit kami kaya nagkwento lang ako." sagot naman sa kanya ni Joy.

"Kilig ka naman.. sa text palang yan ah wala pa sa personal yan.. malala ka na .." banat naman ni Aaron upang mangasar.

"Okay ka lang ba?" may biglang nagtanong sakin. Pagtingin ko si Jake pala. 

"Okay naman ako.. bakit mo natanong?"

"Tulala ka kasi .. may problema ba?" tanong nya ulit. Napaisip ako sa tanong nya. I tried to answer pero wala akong maisip na sasabihin. Ang laman sa utak ko ngayon ay blanko lang. To give Jake the assurance, ngumiti nalang ulit ako sabay kiss sa pisngi nya "I'm okay ..".

Today seemed a lot longer than usual. Kahit wala kaming masyadong ginawa ngayong araw, para bang ang bigat nalang parati ng pakiramdam ko. Napapansin ko din na tila malalim din ang iniisip ni Jake. Nagiguilty ako kasi ramdam kong ako ang dahilan sa mga nangyayari samin ni Jake netong ilang araw. Could I really be affected by Ryan? yun nalang ang panay na tanong sa utak ko. 

"Uhm Chezka, alis lang muna ako saglit punta ako sa Paraiso park sama ka?"  I thought that maybe I needed air.

Napatingin si Chezka kay Jake na tila nagtataka sa tanong ko. "Okay lang magdodota kasi kami nila Aaron." sabi ni Jake kay Chezka. Madalas kami tumatambay sa Paraiso. Malapit lang yung park sa RTU kaya di mahirap puntahan. Sumama nalang din si Chezka sakin dahil tinatamad syang tumambay sa computer shop.

On our way to the park, my mind was still racing about the idea na matagal na palang may gusto sakin si Kuya Ryan. Bakit ba kasi ganito pakiramdam ko di ko din maintindihan. Nagmumuni muni ako nang biglang nagsalita si Chezka.

"Alam mo napapansin ko bakit parang lutang ka parati ..lagi ka nalang nagiisip ng malalim.."

"Bakit? nagsusumbong ba si Jake sayo?" iritableng sagot ko sa tanong ni Chezka.

"Di  naman pero naawa lang din kasi ako. Parang ang lungkot na nya parati" sabi ni Chezka.

Tama nga naman si Chezka dun. Napapansin ko nga din na parang may wall sa pagitan namin ni Jake at di kami kasing ayos tulad nung dati. Nangyari lang naman lahat yun after nung huling tambay ko sa computeran nung nadulas si Aaron sa sikreto ni Kuya Ryan. 

"Anu ba kasi meron sayo?" muling tanong ni Chezka habang naglalakad kami. Di ko sya sinagot pero di naman din nyang pinilit alamin. Honestly, di ko din kasi alam anu isasagot ko sa kanya. Pagdating namin sa park, umupo kami sa paborito naming bench. 

"Kate sabihin mo nga yung totoo .. may gusto ka ba kay Ryan?" 

Nagulat ako sa biglang tanong ni Chezka sakin. I struggled for an answer and all that came out was "I don't know .. I don't really know". Biglang nagflashback sa isip ko yung mga instances na nakakausap ko si Kuya Ryan. Wala naman akong maalala na significant time na pwedeng maging sign nun. 

Chezka continuesly talked but I wasn't paying attention. Nagiisip padin kasi ako ng husto kung anung pagkakataon ang pwede kong maging basehan sa sinabi ni Aaron tungkol kay Kuya Ryan. Her voice was low to the point that it seemed like fading. Then slowly a flashback hit me. 

"Lagi ka nalang umiiyak.. bakit mo ba kasi sinagot yung kulot na yun..." sabay abot nya ng panyo sakin. " Anu gusto mo ba upakan na natin?" patawang tanong sakin ni Kuya Ryan. Pinunasan ko yung luha ko sa panyo nya at sabay binalik ko nadin sa kanya. Ngumiti ako sa sinabi ni Ryan.

"Thank you Kuya ahh.. ewan ko nga ba bakit ba kasi ako naawa dun. Di ko naman akalaing magkakagusto ako dun." 

"Madami pa naman dyang iba.. bitawan mo na yun paiiyakin ka lang parati nun..Kulot pa naman yun.. HAHA" sagot ni Ryan. 

"Grabe sya oh .. mabait naman yun.." biglang pagtatanggol ko kay Mel. 

"Maniwala ka sakin.. you deserve to be happy at di nya deserve yang luha mo kaya ngumiti ka na.. papangit ka lang lalo nyan eh." yun na lamang ang sinabi nya sabay yaya kela Aaron para mag Dota.

"Oh my gosh ..!!" a shocking expression came to me. Kita ko din na nagulat si Chezka sa bigla kong pagsigaw.

"What? you like Ryan already??" instantly another spontaneous question from Chezka. Bakit ba ang galing galing nyang maginterogate sakin. Nakakailang strike kana bes.. 

"No.. not that kind of like that you're thinking.. it's more like a friendly thing.."  sagot ko kay Chezka. That's a lie.. I'm sure it's a lie... yun na lamang ang nasabi ng utak ko. After namin sa park, dinaanan na namin sila Jem at nagyayang umuwi.

Days after, mas lumala pa yung away namin ni Jake to the point na minsan iniiwanan nya ako. To save the trouble, di ko nalang  din pinapatulan yung inis nya. Mas madalas na kasi namin pagawayan si Ryan ngayon kumpara dati at nakakapagod nadin yung paulit ulit na away.

*Beep beep* -- 1 message from an unknown number.

Unknown: Hi ...

Sino naman kaya to. I opt not to reply na muna. Sino nanaman kaya namigay ng number ko. TInatapos ko yung mga ilang reports para sa school nang maisipan kong silipin ulit yung text. Without me knowing, napatext na din pala ako agad.

ME: Hi who's this?

Unknown: Kamusta? Si Ryan to .. nakuha ko number mo kay Aaron. Okay lang ba yun?

Oh no .. anu sasabihin ko.. bakit ako kinakabahan.. para akong di makahinga sa kaba.

ME: Ay ikaw pala kuya .. kamusta? ...

Ryan: Okay naman .. grabe kuya talaga.. Ryan nalang masyadong formal hahaha. 

The conversation went on all night. Sa pagkakatanda ko, we just talked about random stuff. Nothing in particular, to really think it was special. Pero nakakapagtaka tong heartbeat ko. Ang lakas masyado. It's as if I was going to have a heart attack. The funny part was that, naghahalong excitement at kaba ang pakiramdam ko now habang nahihirapan akong huminga. Nagkakagusto na nga ba talaga ako sayo Ryan?

*******************



My SerendipityUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum