Chapter 3: I didn't see that coming

28 0 0
                                    

*Beep beep* (beeping text) -- 1 message from Jake.

Jake R: *Bhabie ko .. pasok ka maaga ah :) See you later ..*

ME: Okay po .. I'm almost ready. See you mamaya :)

Same routine as always. The first thing I read every morning is a text from Jake. Sa sobrang sipag nya magtext sakin nasanay nako tumingin parati sa cellphone at magabang ng text nya. Di mapagkakailang may sense of sweetness din pala talaga sya and not just another bully.

Pagdating namin ni Chezka sa school, nadatnan namin nagaantay sa gate sila Jake. Sinalubong nya kami kasama sila Aaron na tila buntot na nya parati kahit san sya pumunta. "Gusto mo?" alok sakin ni Jem sa hawak nyang Frech fries

"Ang aga naman nyan?." sagot ko.

"Inalok na nga dami pang reklamo HAHAHA" pangaasar na sagot ni Jem na panay padin ang pagkain sa kanyang Fries.

Pagkatapos ng first subject, agad na kaming pumunta sa tambayan naming Kubo. Maya maya pa'y dumating na din ang iba pa naming kaklase. Buti nalang nauna kami kung hindi makikipagagawan nanaman sila sa pwestong to. Madalas kasi kaming magagawan sa Kubo dahil presko talaga sa pwestong iyon. Buntot buntot nila Emy ang mga B-girls (baby girls) pagdating. Sa klase kasi namin, nabuo ang ilang grupo depende sa hilig o kaya'y pagkakatulad sa mga ibang bagay. Grupo ni Emy, yung mga Dota boys and yung B-girls. Madalas naman kaming sumama sa kahit anung grupo pero mas madalas lang na kasama ko ang Dota boys dahil kela Jake at Aaron.

"Aaron! Kamusta na si Ryan?" tanong ni Joy. Isa sya sa mga tropang B-girls. Makulit at masayahing tao si Joy na madalas nakikipagkulitan kay Kuya Ryan. Sa pagkakatanda ko, mas close sya rito kaya di namang imposibleng magtanong sya kay Aaron. Magbarkada din kasi noon si Aaron at Kuya Ryan kaya't madalas si Aaron ang tanungan. 

"Ayun okay naman daw.. dadalaw ata sya dito kung hindi this week baka next week." sagot ni Aaron.

"Ahh talaga ba? .. nakakatuwa naman" sabi ni Joy na nasiyahan sa balita.

"Bakit ba panay ang tanong mo tungkol kay Ryan? nakakahalata na ako ahh.." muling sagot ni Aaron na para bang gustong tumawa sa naging reaksyon ni Joy.

"Wala lang .. masama bang matuwa?" depensa ni Joy.

"May gusto ka lang kasi kay Ryan kaya ka ganyan. Ayaw mo pa kasi umamin nung tinanong ka dati ngayong wala na hinahanap mo naman" Pangaasar ni Aaron kay Joy na panay ang pagtatakip ng mukhang namutla ng dahil sa narinig at di na nagawang sumagot pa.

Nakakatuwa silang panuorin. Alam naman kasi namin na may gusto talaga si Joy kay Kuya Ryan dati pa. Nagpatuly ang kullitan namin. Di man talaga ako nakikisali sa usapan nila pero nakakatuwa parin pakinggan ang mga usapan at asaran. Maya pa'y napansin kong medyo naging iritable si Jake at di mapakali. Nakakapagtaka naman na sa tuwing mapaguusapan namin si Kuya Ryan eh tumatahimik nalang sya parati. 

"Jake? okay ka lang ba?" 

"Okay lang ako" nakangiting sagot ni Jake. All of a sudden bigla nalang din nagyaya si Jake na umalis na dun at mag-Dota. Dahil dun, pinili ko nalang na di na magtanong. Matapos ang maghapon, naglakad na kami ni Chezka at Jake pauwi. 

"Kate, nagtext nga pala sakin si Aaron kanina.. hinihingi number mo binigay ko nalang din". Biglang sabi ni Chezka habang tahimik kaming naglalakad. Di na kasi kami halos nagkibuan ni Jake matapos ng usapan kanina. Pakiramdam ko tuloy may nasabi akong di maganda pero ayaw naman nyang sabihin din sakin. Nung nakarating na kami sa bahay, nagpaalam na din si Jake at Chezka.

My SerendipityWhere stories live. Discover now