Chapter 1: That girl and I

Start from the beginning
                                    

"Chief nasa labas po ang mommy niyo." napatigil ako sa pag baklas ng baril ko ng mag salita ang pumasok.

"What? Sinabi mo bang nandito ko?" tanong ko. 

"Eh sir kas-----

"Chace Julian Ramirez! " napatayo ako ng biglang pumasok si Mommy at nag crossed arms sa harap ko.

"Sige Villanueva, you may go now." utos ko. 

"O-okay po chief" sagot ng tauhan ko.

Tinago ko sa cabinet ang mga baril ko at hinarap si Mommy na tinitignan lang ang bawat kilos ko. 

"So how are you son? Still remember your Mom?" nakataas ang kilay na tanong niya. Okay, here we go again. 

"Mom, I'm so busy right now, please. May operation kami mamaya. " sabi ko at lumapit sa kanya at niyakap siya. 

"What's new? Nung huling punta ko dito yan din ang sinabi mo. I really hate your job!" singhal niya sakin pero niyakap din naman ako. 

"Don't say that mom. Kung nandito si Daddy, I'm sure, proud siya at sinunod ko ang gusto niya." nakangiting sabi ko. 

Hindi siya nag salita, maya-maya pa narinig ko na lang ang pag iyak niya. Hinarap ko siya at pinunasan ang luha niya. 

"M-mom don't cry. I'm sorry." sabi ko. 

"I miss your dad. Kinuha na nga siya ng trabahong to sakin, pati ba naman ikaw anak? Please son, I need you now. Umuwi ka muna sa bahay." Sabi niya at niyakap ulit ako. 

Oh damn! I don't like her idea pero ayoko na umuwi siyang disappointed. 

"O-okay mom. I'll go home tomorrow afternoon, wag lang ngayon dahil importante ang lakad ko. Please mom, wag ka na umiyak." sabi ko. 

"You'll go home talaga anak? Sige aalis na ko para magawa mo na ang gagawin mo. Mag lunch tayo tomorrow. Don't be late. Love you." masayang sabi niya at hinalikan ako sa pisngi bago lumabas. 

Na uto na naman ata ako ng mommy ko. 

**

"Target located chief. " sabi ng katabi ko habang naka silip sa telescope ng sniper XS1.

"Make sure walang madadamay na sibilyan Salazar." sagot ko at inayos ang google glass na suot ko.

"Copy sir." sagot niya. 

Sinensyasan ko ang back up na sumugod na sa loob. Madali namin nahanap kung nasan ang kwarto ng mayor dahil na din sa google glass na suot ng mga tao ko. 

"What's the meaning of this? Hey don't touch me! Hindi niyo ba ko kilala!?" sigaw ng mayor ng posasan siya ng tauhan ko. 

"Hey old man. Nice to finally meet you. I'm Chief Inspector Ramirez, and yes kilala ka namin dahil nasa wanted list ka na ng team ko. You must be so proud of yourself, bihira lang ang mga walang kwentang tao na nakakausap ako ng personal." nakangising sabi ko. 

Muntik na kong matawa nang makita kong nalaglag ang panga niya sa sinabi ko.

"Okay team, dalin na siya sa mobile. Kayo ng bahala dito." sabi ko at lumabas na. 

Inalis ko ang suot kong coat at pumasok sa McLaren F1 GT ko. I'm fvcking tired at gusto ko nalang humiga sa kama ko. 

 2 hours din ang byahe ko pauwi sa condo at talagang na hihilo na ko. 

Pag liko ko sa intersection, napansin ko ang babaing tumatakbo sa gilid ng daan. May tatlong lalaki siyang hinahabol.

Hininto ko agad ang kotse at kinuha ang baril ko sa compartment.

Hinarang ko ang mga lalaki at nilabas ng badge ko. 

"Anong nangyayari dito?" tanong ko sa kanila. 

"S-sir wala po. Ano po kasi." sagot ng isa. 

Napatingin ako sa babaeng naka hawak sa dibdib niya at hingal na hingal. Ninakawan kaya siya ng mga to? Nilapitan ko siya at bibigyan sana ng panyo ng bigla siyang sumigaw. 

"Come back here boys!!!" sigaw niya sa mukha ko. 

What the? Bakit kailangan sa mukha ko pa sumigaw? 

Tatakbo sana siya ng pigilan ko ang braso niya. 

"Argh! Let me go! You idiot! Naka alis na sila!" sigaw na naman niya. 

"May nakuha ba sila sayo miss? Nanakawan ka ba?" mahinahon na tanong ko.

Natigilan na siya at humarap sakin. 

Chinita.  Straight black hair. Hazel eyes. 

"What? They are my students at tumakas sila sa school kanina kaya ko sila hinahabol, but you! you.. argh! I hate you!" sigaw na naman niya at hinampas ako sa braso. 

Oh? Kasalanan ko ba talaga? 

----------------------------------------------------------------------------------

Ellen Grace Wang -------------------->>

Be my escapeWhere stories live. Discover now