"Your welcome psycho." sabi ko nalang sakanya at nagsimulang kumain.

"Psh, gaya-gaya talaga! nye nye." inis nyang sabi at nagmake face

Inirapan ko nalang sya at nagpatuloy na akong kumain.

"Bakit ayaw mo dun sa cafeteria kumain?" biglang tanong nya sakin, kaya napalingon ako sakanya.

"Paki mo?"

"Walaaa! Wala nga akong paki! Sabi ko nga diba!" sarcastic nyang pagkasabi habang nginunguya nya yung pagkain nya.

"Tsk, hindi ka ba naturuan ng manners sa table? Don't talk when your mouth is full." pagsasaway ko sakanya.

"Ehh wala naman tayo sa table diba? Gamitin mo din yang common sense mo paminsan minsan ahh!" pilosopong sagot naman nya.

"Ewan ko sayong psycho ka!" sabi ko nalang at tinuloy yung pagkain.

"Ang katiii..." bigla nyang sabi kaya naatingin ulit ako sakanya. Sakto namang tapos na akong kumain.

"Oh, napano ka?" tanong ko sakanya. Namumula naa kasi yung balat nya.

"Ehh...may carrots ba to?" balik nyang tanong sakin habang tinuturo yung pagkain nya.

Ayos din tong babaeng to ehh, tinanong ko na nga, sinagot naman ako ng tanong. Tsk.

"Why? What's with the carrots?" tanong ko sakanya.

"Ayy walang katapusang tanungan ang peg natin ngayon? Ganun?" iritang pagkasabi nya habang nangangati.

"Ewan ko sa'yo. tsk." sabi ko nalang.

Paminsan-minsan na uubos talaga ang pasensya ko sa babaeng to ehh..

"May allergy ako sa carrots senyorito! Ikaw naman napakatampuhin mo."

What the...

Frail's POV

"Ba't di mo sinabi agad? May carrots yang afritada." Dalidali nya akong nilapitan.

"What? papatayin mo talaga ako no?" galit na tanong ko sakanya.

Sabi na ehh. May balak talaga to'ng demonyong senyorito na to.

"Hindi ko naman alam eh! Ba't di mo sinabi." Tarantang sagot niya

"Ehh, ba't ko naman sasabihin? Nagtanong ka ba?" pabalang na sagot ko naman

My goshh....ang kati talaga ng mukha at katawan ko...

"Urgh! Psycho!" sabi nya tsaka nya ako hinila pababa.

"Uyy! Wait saan mo ko dadalhin?" tarantang tanong ko sakanya.

Pati ako natataranta sakanya ehh. Kitang may allergy na nga ako, nagawa pa nya akong isama.

"Sa clinic psycho." tipid nyag sagot. Sabi ko nga dadalhin nya ako sa clinic. Wait! CLINIC?

at tadaaaa....ilang hakbang nalang clinic na...

"Ahh..ehhh.. Hindi na kailangan." sabi ki sakanya. Syete may injection sa loob nakuu...

"Just stop talking." iritang sabi nya.

"Hindi na talaga kailangan promise." sabi ko kahit kating-kati na ako dito hindi pa rin ako papasok dyan.

"No! Papasok ka whether you like it or not." matigas nyang pagkasabi at ayun na nga hinila na nya ako sa loob.

"What happen to her?" biglang tanong ni Ms. Nurse .

Gulat naman ako dun. Wosho mamatay talaga ako sa gulat sa mga taong to.

"She's having allergy Ms. Claire." sagot naman ni demonyong senyorito. Magkakilala siguro sila.

"Naku! mukhang malala. Halika ka dito Ms. I'll inject you a medicine para mawala na yang allergy mo." pagkasabi nyang inject, nanigas na ako.

Huhu, kahit na matanda na ako I'll honestly admit na takot ako sa injection. Masakit talaga kasi ehh.

"Hey! afraid of needle?" bulong ni demonyong senyorito sakin.

"Oo, may problema ka?" matapang ko'ng sagot sakanya.

Waaah...ang kati na talaga...😭

"Stop scratching your skin. Mabilis lang naman ang injection. Kagat ng langgam lang." sabi ni demonyong senyorito.

Ano ako bata para utu.in nya?

"Tsk, lier!" sabi ko sakanya.

"Ganito nalang let's divert your attention while tuturukan ka para less ang pain na ma feel mo."

Makati na talaga...

No choice ako, maniniwala nalang ako sa demonyong senyorito na to.

"Pag ito masakit! Makikita mo talaga." pagbabanta ko sakanya.

"Ms. Claire okay na sya." sabi ni demonyong senyorito while kinakalikut nya yung phone nya.

"Sige pahigain mo nalang sya sa hospital bed." sagot naman nung nurse.

Taray may hospital bed? ehh clinic lang naman to?

"Halika na!" utos nya at walang ano-ano pinahiga nya ako dun sa hospital bed.

"Pag ito talaga masakit! Masasaktan ka talaga sakin!" pagbabanta ko ulit sakanya

"Just look at here!" utos nya at iniharap sakin ang phone nya.

Alam nyo kung ano ang movie?

Angry Birds ... may ganito syang movie sa phone nya?

"Don't think so much, just focus on the movie." ma awtoridad nyang pagkasabi kaya nanuod nalang ako.

Nang ma aliw ako, namalayan ko nalang na may tumusok sa may braso ko.

"Ahh." ang sakit...

"Shh..it's ok, mawawala din yan" sabi naman ni demonyong senyorito.

Pero masakit talagaaaa...

"Malapit na'to matapos, sandali nalang." sabi nung nurse sakin.

"Ahh.." masakit....parang kinukuha na yung karayom..

"Shh, tapos na Frail...tapos na wala nang masakit." dinig ko'ng sabi ni demonyong senyorito habang pinapat nya yung ulo ko.

"Pahinga ka muna." yun lang ang huling narinig ko and everything went black.

Hypothesis of LoveWhere stories live. Discover now