"hayaan mo muna siya." Promise ang seryoso ng mukha ni Hyeong. Nakakapanibago.

Natapos yung boung araw ko na para sakin walang kwenta, Nagpaalam ako kay Hyeong na uuwi ako agad ngayon. Sobrang pagod ko. 2nd day palang!

Andito ako ngayon sa kwarto ko nagpapa-antok. Di ako makatulog di parin mawala sa isip ko yung sinabi ni Hyeong sakin kanina.

"Please Lisa! Umiwas ka kay Hanbin."

Tinanong ko siya ano ibig niyang sabihin, pero di niya ako sinagot.

"basta umiwas ka."

Jusko. Ano ba 'tong napasukan ko na school. Parang di private school.

FAST FORWARD [2 weeks after]

"mom! pwede mo ba ako ilipat ng school? Ayoko na school ko."

"Ano na naman problema? Sabi mo nung 1st day okay kana sa school mo, Pang 2ndweek mo na oh. at sabi mo may friends kana nga diba?"

"eh! mom. ayoko na!"

"Bakit may nambubully ba sa 'yo sa school? Sabihin mo sakin kung sino pupuntahan ko yan."

"Maaaaa! Wala!"

"Nag-iinarte ka lang gusto mo lang bumalik sa Seoul eh. Pumasok kana malelate kana oh."

Wala akong nagawa kundi pumasok sa school of kaguluhan.

"LISA!~" Alam niyo na kung sino.

"Oh Hyeong. Kamusta?"

"Anong kamusta? Kung makakamusta naman para di tayo nagkita kahapon ah."

"Hahahah! Sorry poeszx!" sabi sabay peace sign.

"Lutang ka na naman." nalutang pa ako.

"Ano ba. Wag mo guluhin buhok ko!"

"Hanbin! Sama ka samin lunch tayo!" Di ko namalayan nasa likod na pala siya.

"Kayo nalang may gagawin pa ako." Sagot niya.

"Sige. Kung gusto mo humabol alam mo na kung saan." tas umalis na kami. Punta sa tambayan nila.

Yes may tambayan sila sa school. Ginawa para sa kanila. Di ko pa pala nasasabi may Nalaman ko pala tungkol kay Hanbin.

CEO pala lolo niya ng school kung saan ako ngayon. Ayos diba? Kaya pala famous maliban sa pagiging cassanova.

Speaking of cassanova araw araw meron parin akong nalalaman tungkol sa kanya. Sex Doon sex dito. Hindi pa ba siya nagkakasakit ng aids or whatsoeveristhat.

"Andiyan po ba si Miss. Lisa Jung?" sino yun? naririnig ko pangalan mula sa may pintuan.

"Lisa may naghahanap sayo." Tawag ni Jinan sakin. Haha di ko pa pala napapakilala si Jinhwan. Isang tropa nila nasa ibang course siya kaya di siya masyadong nakakasama kila Hyeong at Hanbin.

"ha? Sino yan at bakit? May nagpapabigay daw sa'yo." sabi niya sabay abot sakin nga 5dozen of roses.

"Kanino daw galing?"

"aba malay ko, may card oh basahin mo." haha ang sungit daig pag may regla.

"For Lisa. For Lisa lang nakalagay eh. Kanino kaya galing to."

"Ikaw ah. May admirer kana! Lagot ka kay."

"Kanino?" Feeling ko bakla to si Jinan. Ang showbiz potek.

"Wala."

"Aba. Lisa dalaga kana! Kanino galing yung bulaklak?" si Hyeong biglang sumulpot dala yung lunch namin.

"Malay. Wala nakasulat!"

"Yayamanin yan." Haha mukha nga mahal kaya to no.

"Kung sino man siya. Salamat! I love pink roses. Ang galing niya bat niya nalaman yun."

"Tara kumain na tayo." Aya ko kay Jinhwan at Hyeong. Kami palang dito! Actually 7 silang mag t-tropa. Nasa Ibang bansa lang yung apa, Yung dalawa nasa seoul daw tas yung dalawa nasa US.

"Guys uwi na ako." Paalam ko kila Hyeong at Jinhwan.

"Guys. Inom tayo!" Isang familiar na boses ang dumating.

"Gusto ko yan. Gusto ko yan." Sabi ni Jinan. Palainum din pala 'to.

"Mag iinom kayo?" bulong ko kay Hyeong?

"Samahan lang namin 'to."

"Dito sa school mismo?"

"Oo. Sanay na sila sa amin. Sige umuwi kana. Kaya mo ba umuwi mag-isa?" sabi ni Hyeong.

"Oo. Ako pa. Alis na ako" paalam ko kay Hyeong.

"Bye guys. Hinay-hinay lang sa inum ah. "

At tuloyan na akong umalis.

***

Vote and Comment! Juseyo~










[iKON] His name is HanbinWhere stories live. Discover now