Chapter 1: WOMAN HATER

1.9K 42 0
                                    




Usui




Aphelandra Guild:
(Crimson City)




Para sa lahat ng Warlords dito sa bansa ang General Assembly Meeting ang pinaka-importante sa lahat ng pag pupulong ng aming ginagawa dito sa Apex Mansion. Kaya nga nararapat lang na dumalo ang lahat ng Warlord Kings sa pag pupulong na ito. Pero dahil hindi naman masyadong mahigpit ang pinuno ng Top Famiglias sa aming lahat ay may ilan pa ding Warlords ang hindi dumalo.

Hindi sila nakadadalo sa aming mga pag pupulong dahil sa ilang kadahilanan. Dahilan na pangkaraniwan na alam ng bawat isa. Pero magka-gayunman ay dapat alam ng bawat isa ang kanilang tungkulin. Lalo na ang mga rules ng samahan. Kung may isang Warlords na halos wala pang nilalabag na rules.

Ito na siguro ay ako.

Usui Adrezzone, iyan ang pangalan ko. Hindi ganun kasikat para sa karamihan. Pero ako naman ang pinaka-maasahan. Dahil ako ang tamang definition ng isang mahusay at matalinong Warlord King.

Bigla akong natigil sa pag iisip ng mapadilat ako nang maramdaman kong may kung sinong kumalabit sa akin. Sumimangot ako nang makita ang nakakaasar na mukha ni Yashiro.

Drace Danyel Yashiro- Ang Warlord King ng Akiyama City sa Chiharu Guild.

"Nakakainggit si Caltigarone, 'no? May love life na." Tila kinikilig na sabi niya.

Ang tinutukoy niya ay si Massimo Caltigarone. Ang Warlord King ng Steel Rings City sa Bhelphegor Guild. Kausap lang namin kasi ito kanina at halos ipag sigawan na nito sa lahat na seryoso na raw siya sa bunsong kapatid ni Bonfiglio.

Enzio Bonfiglio- Ang Warlord King ng Wooden City sa Nottingham Guild.

"Bakit naiinggit ka?" Tanong ko.

Napahalakhak ang Ungas sabay himas ng kaniyang batok.

"Medyo. Sana makakita rin ako ng babaeng mamahalin ko."

Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam bakit naiinggit siya sa love life ni Caltigarone. Wala namang kainggit ingit doon.

Wala talaga.

"Tsk. Problema lang ang dulot ng mga babaeng yan. Mas gugustuhin ko pang pag aralan ng mabuti ang mga negosyo ko para yumaman pa ako ng husto." Komento ko.

Muli akong napatingin sa kanya namg marinig ko ang pag tawa niya.

"Alam mo, Adrezzone. Huwag kang bitter. Ang sarap kaya sa pakiramdam kapag may minamahal ka na." Paliwanag pa nito sabay tapik ng balikat ko bago tumayo sa kinauupuan at naglakad palabas nitong meeting room.

Napailing ako habang sinusundan ko siya ng tingin. Ito ang isa sa mga ugaling ayoko kay Yashiro.Masyado siyang positive thinking sa lahat ng bagay. Lalo na pag dating sa love life. Pangarap niya kasing magkaroon noon. Kaya hindi ako magtataka kung hanggang ngayon ay na a-asiwa ako kapag kausap ko siya. Dahil magkabaliktad kami. Kung para sa kanya masarap ang may iniibig. Ako? Dedma o no comment pag dating sa ganyang bagay.

Dahil ayoko sa mga babae. In short, ready na akong hindi magka love life habang buhay. Hindi ko kailangan ng babaeng mamahalin.

At mas lalong hindi ko kailangan ng makakasama sa buhay. Sapat nasa akin ang aking Famiglia at ang bayan na aking nasasakupan.

Dahil iyon lang masaya na ako.

"Adrezzone!"

Napatingin ako ng diresto sa pintuan nitong silid nang marinig kung may tumawag sa akin. Ang humahangos na si Katashi ang nakita ko.

Warlord Kings: ADREZZONE (REVISING)Where stories live. Discover now