Chapter 36

4.3K 133 44
                                    

Tania: gusto mo na bang kumain?

Aly: wala akong gana.

Tania: alyssa naman. tulungan mo naman yang sarili mo.

Aly: bakit napapagod ka na sakin? nag sasawa ka na? pwede ka nang umalis.

ayoko sanang sungitan si tania pero nakukulitan na ako sa kanya. sinabi ko na kasing ayokong kumain mapilit pa din siya.

Tania: hindi ko na alam kung anong gagawin ko sayo. nung una naiintindihan kita dahil may pinag dadaanan ka pero buwan na ang lumipas alyssa. lahat sila naka move on samantalang ikaw ganyan ka pa din.

naginit ang ulo ko sa narinig ko kay tania. hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nasigawan ko na siya.

Aly: oh eh anong pakealam ko kung naka move on na sila? dapat ba maging masaya ako? magpa party ako? ganon?

bigla naman dumating si franco at agad akong inawat.

Franco: alyssa ano ba. hindi mo dapat sinisigawan si tania.

Tania: ok lang franco kung dun siya magiging masaya.

Aly: ano mag kakampihan kayo? mabuti pa sigurong umalis na lang kayo dahil pagod na pagod na ang tenga ko sa mga bunganga niyo.

Franco: ganyan ka na ba ka miserable alyssa? pati kaming nagmamalasakit sayo itinataboy mo? napaka makasarili mo naman. hindi lang ikaw ang nahihirapan dito, kami din kaya sana matuto kang tumanaw ng utang na loob lalo na kay tania dahil kahit ganyan ka hindi ka niya iniwan. kelan ka ba matatauhan ha pag wala na sayo ang lahat?

imbis na sagutin ko si franco ay pumasok na lang ako sa kwarto ko dahil wala ako sa mood makipag sigawan sa kanya. isipin na nila ang gusto nilang isipin wala na akong pakealam.


nabigla ako ng sigawan ako ni alyssa pero inintindi ko na lang dahil alam ko namang hindi talaga siya ganon at nadala lang siya ng galit at sakit na nararamdaman niya. nakakapagod na din minsan dahil araw araw na lang kaming ganito pero hindi ko siya kayang iwan dahil alam kong kaylangan niya ako.

pumasok siya sa kwarto niya at nag kulong nanaman kaya na upo na lang kami ni franco sa sala dahil wala na din kaming magawa.

Tania: bakit mo naman sinigawan.

Franco: baka sakaling matauhan

Tania: natauhan ba? nag walkout pa nga diba.

Franco: hindi ka ba napapagod?

Tania: bakit napapagod ka na ba sa kanya?

Franco: kahit sigawan o murahin pa niya ako araw araw hindi ako aalis sa tabi niya dahil mahal ko siya at alam mo yan.

Tania: ganon din ako kaya magtiis nalang muna tayo. babalik din yan sa dati..


nagising ako na wala si mika sa tabi ko kaya agad ako bumangon para hanapin siya dahil baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

tinignan ko siya sa cr pero wala siya doon kaya dumerecho ako sa biranda dahil baka nagpapahangin lang siya. nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko siyang nakatayo at may kausap sa phone. agad naman niyang ibinaba yung phone niya nung makita niyang papalapit ako sa kanya.

Kiefer: sinong kausap mo babe?

Mika: ha? ano.. wrong number.

Kiefer: bakit namumutla ka? may masakit ba sayo?

Mika: wala.. excited lang ako para sa wedding natin bukas.

yumakap ako sa kanya habang hinihimas ko ang tiyan niya

Sunshine After The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon