Chapter 31

3.5K 121 19
                                    

tumawag sakin si evon kagabi para sabihing babalik na ako nang Italy sa makalawa. hindi naman na ako nagulat dahil napag usapan na din namin ni tania ang tungkol dito.

nung una akala ko magiging madali lang para sakin ang pag alis ko dahil tanggap ko naman na ang lahat pero nagising na lang ako kaninang umaga na umiiyak dahil na realize ko na hindi ko pala kayang iwan si kief hindi ko kayang wala siya sa buhay ko pero wala na akong magagawa.

hindi ko na nga dapat siya sasamahan sa tagaytay dahil baka maging dahilan pa iyon para mag bago ang desisyon ko kaya lang na konsensya naman ako dahil wala naman ibang pwedeng sumama sa kanya kaya naisip ko na wag na lang siyang kausapin.

wala sana akong balak sabihin sa kanya yung tungkol don dahil wala din namang magbabago kung malalaman niya kaso makulit siya kaya sinabi ko na.

Kiefer: kelan mo balak sabihin sakin? sa mismong flight mo?

Aly: kief wala namang magbabago kung malaman mo oh hindi diba?

nagulat ako ng bigla siyang tumayo at nag iwan ng pera sa lamesa saka lumabas.

hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya at wala din akong balak tanungin dahil hindi ko din naman gustong malaman.

nakarating kami sa bahay ng hindi siya nag sasalita kaya  hindi na din ako kumibo, mabuti na din yung ganito para naman hindi ako masyadong mahirapan sa pag alis ko.

nagulat ako nang sabihin ni carmela na aalis na siya, masakit para sakin pero wala akong magagawa saka tama din naman siya na wala namang magbabago kung malalaman ko kaya hindi na ako kumibo dahil hindi ko din naman alam ang sasabihin ko sa kanya. gusto ko sana siyang pigilan pero wala naman akong karapatan na gawin yun dahil ikakasal na ako.

pagkahatid ko sa kanya ay sa bahay ako dumerecho dahil ayoko mapansin ni mika na wala ako sa sarili.

pag pasok ko sa loob ay walang tao kaya kumuha na lang ako ng alak sa bar at dumerecho sa garden para uminom.

nagulat ako ng may magsalita sa likod ko at ng tignan ko si mommy pala kaya agad akong tumayo para batiin siya.

Mom Mozzy: oh anak anong ginagawa mo dito?

Kiefer: wala ma nagpapahangin lang...

Mom Mozzy: may problema ka ba?

huminga muna ako ng malalim saka ako nagsalita

Kiefer: ma paano ba natin malalaman kung siya na ba talaga?

Mom Mozzy: hindi natin basta basta masasabi yun anak kasi dapat mo yun maramdaman jan sa puso mo.

Kiefer: naguguluhan na ako ma..

Mom Mozzy: anak piliin mo kung sino ang nasa puso mo at kung saan ka magiging masaya dahil mahirap nang magsisi sa bandang huli. tandaan mo na lagi lang kaming nandito para sayo.

bigla namang tumulo ang mga luha ko kaya lumapit naman si mommy para yakapin ako.

hindi ko alam kung may alam ba si mommy sa pinagdadanan ko dahil sa mga payo niya pero naliwanagan na ako kahit papaano kaya nakapag desisyon na ako.

alam kong masasaktan si mika sa gagawin ko pero ayokong magdusa siya habang buhay kung pipilitin pa naming magpakasal. paninindigan ko ang anak namin dahil resposibilidad ko iyon bilang ama.

mahal ko si carmela at hindi ko kayang mawala pa siya sakin kaya susundin ko na ang puso ko bago pa mahuli ang lahat.

nagising ako ng wala si kiefer sa tabi ko kaya lumabas ako ng kwarto dahil baka sa sala lang siya natulog pero nang lumabas ako wala din siya doon. naisip ko na tawagan siya pero hindi siya sumasagot.

naligo ako at kumain dahil hahanapin ko sana siya pero nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko si kiefer na pumasok kaya agad naman akong tumakbo at yumakap sa kanya.

Mika: babe san ka ba galing nag alala ako sayo bakit hindi ka dito natulog.

Kiefer: sa bahay ako nakatulog eh...

bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at agad siyang hinila sa kusina para mag almusal.

Mika: nagluto ako ng breakfast alam ko kasi hindi ka pa kumakain..

Kiefer: miks can we talk?

nagulat ako sa sinabi niya dahil seyoso ang boses niya. pina upo ko muna siya habang busy ako sa pag hahanda ng almusal niya.

Mika: ano ba yung gusto mong pag usapan babe?

Kiefer: i'm sorry miks...

nabitawan ko bigla ang sandok na hawak ko, hindi ko alam kung para saan yung sorry niya pero bigla akong kinabahan.

Mika: babe ano bang sinasabi mo? ok lang naman na hindi ka dito natulog hindi mo na kaylangan mag sorry..

nakita ko namang pinulot niya yung sandok at niligay sa lababo. hinawakan niya ang kamay ko saka tumingin sa mga mata ko.

Kiefer: alam ko mahal mo ko at minahal din naman kita pero miks hindi na sapat yun para mag pakasal pa tayo.

hindi ako maitindihan ang mga sinasabi niya pero bigla na lang tumulo ang mga luha ko

Mika: babe ano bang nangyayari?

hinawakan niya ang pisngi ko saka pinunasan ang mga luha ko.

Kiefer: ayoko magsisi ka sa bandang huli pag pinilit pa natin to, hindi ko maipapangako sayo ang msayang buhay mika handa naman akong panagutan yung magiging anak natin pero hindi ko na kayang magpakasal sayo

nagulat ako sa sinabi ni kiefer kaya bigla ko siyang na sampal.

Mika: dahil kay carmela?

hindi na siya sumagot kaya sinampal ko siya ulit.

Mika: akala mo hindi ko alam na nagkikita kayo? hindi ako kumikibo sayo dahil malaki ang tiwala ko pero ganito lang ang gagawin mo samin ng anak mo? hindi ako makapaniwala na pagkatapos ng pinag samahan natin itatapon mo lang ako basta basta.

hindi ko na siya hinayaan pang sumagot at umalis na ako na hindi nag papaalam sa kanya, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga pagkakataon na to pero isa lang ang sinisigurado ko. hindi ako papayag na mawala sakin si kiefer dahil malaki na ang hirap ko sa kanya at hindi ako papayag na may maka agaw sa kanyang iba.

sisiguraduhin kong matutuloy ang kasal namin dahil kami lang ang para sa isat isa.


hahaha lame noh?... jusko hindi ko alam kung pano ko susundan yung last chapter ko hahahaha naiwan ko yata utak ko sa dagat ... malapit na tayo guys konting tiis na lang .. hahaha

Sunshine After The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon