Chapter 17

4K 123 6
                                    

Aly: anong sabi mo?!

Kiefer: hindi mo ba narinig at pinapaulit mo pa!!

(inis na sagot ko)

Aly: sa tingin mo papaulit ko sayo kung narinig ko?

(sabagay may point siya)

Kiefer: bakit ba ang bingi mo!

Aly: sumabay kasi sa busina nung bus yung sinabi mo kaya hindi ko narinig noh.

(ANNOOO???? hindi ba talaga niya narinig? nakaka inis naman bakit ba kasi may bus na dumadaan dito)

Kiefer: oh pwes sorry ka. hindi ko na uulitin.

(ayoko ngang ulitin noh. pasalamat nga siya sinabi ko pa sa kanya)

Aly: edi wag feeling mo naman!. iuwi mo na nga ako.

(pataray na sagot niya)

Kiefer: hindi mo ba talaga narinig?

Aly: bakit ba ang kulit mo sinabi na ngang hindi!

(sigaw niya)

Kiefer: nagtatanong lang eh. sungit mo!

sagot ko at nag drive na ako palabas ng parking area. nakakainis naman kabadong kabado pa ako kanina tapos hindi naman pala niya maririnig.

totoong gusto ko siya, hindi ko alam kung kelan paano at saan pero isa lang ang sigurado ako ''i like her'' kaya nga ganon na lang ang pag aalala ko sa kanya. hindi ako umaasa na magustuhan din niya ako tama na sakin yung magkaibigan kami atleast nasabi ko sa kanya kaya lang hindi naman niya narinig, malas niya.

papalapit na kami sa bahay niya ng mapansin ko ang mga tao na nasa labas ng gate kaya agad kong hininto yung kotche sa hindi kalayuan, may kutob ako na mga press yung naghihintay dahil may bitbit silang camera. pagtingin ko kay carmela tulog pala kaya ginising ko na lang.

Kiefer: carmela...

Aly: hmmm?

Kiefer: andito na tayo

(agad naman siyang gumising at akmang lalabas na ng sasakyan kaya hinawakan ko yung kamay niya para hindi siya makalabas dahil baka may makakita pa sakanya.)

Aly: what?

Kiefer: saan ka pupunta?

ALy: uuwi na! diba sabi mo andito na tayo kaya lalabas na ako!

Kiefer: hindi ka pwedeng lumabas.

Aly: at bakit? may sasabihin ka pa ba? sabihin mo na ngayon!

(natatawa ako sa itsura niya dahil mukang naiinis na siya sakin. akala niya may sasabihin ako kaya ko siya pinipigilan hindi niya alam malayo pa yung bahay niya)

Aly: anong tinatawa mo?

Kiefer: hindi ka pwedeng lumabas kasi malayo pa yung bahay mo. tignan mo oh ayun pa yung bahay mo.

(sagot ko at tinuro ang bahay niya)

Aly: bakit ba kasi hindi mo ko sa bahay dinerecho? may balak ka bang pag lakarin ako?

Kiefer: kasi po may mga press sa labas pero kung mapilit ka pwede naman kitang ibaba don.

(biro ko. syempre hindi ko naman siya ibababa don noh)

Aly: eh bakit hindi mo sinabi sakin!

(sigaw niya)

Kiefer: pano ko sasabihin sayo eh nag tataray ka na agad.

Aly: ewan ko sayo! bitawan mo nga ako chansing ka na ha !

Kiefer: hinawakan ka lang sa kamay chansing na agad? feeling ka din eh.

Sunshine After The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon