JF 2

3.2K 140 84
                                    

Nakasimangot ako habang kumakatok sa isang private room ng Joseph Palma na ito. Parang ayoko pa ngang bumangon kanina. Ang aga-aga pa naman ng shift ko tapos maalala ko na ako nga pala ang in-assign ng private nurse ng dancer na ito.

Hay naku...

Ang boring kaya nun! E, anong magagawa ko, utos ng superior.

Nang makarinig ako sa loob ng pasok, marahan kong pinihit ang seradura. Bakit kaya hindi na lang siya lumipat ng private hospital? Kaunti na nga lang ang private room dito tapos sumisiksik pa siya e mukhang keri naman niyang magbayad ng mahal.

Sumilip muna ako sa loob bago tuluyang pumasok. Isinara ko ang pinto bago alanganing ngumiti sa lalaking nakahiga sa hospital bed.

Hmmm... In fairness, ang guwapo niya talaga. Maputi, singkit, at parang... Yummy pa.

Haist...

Kaya pala halos patayin ako sa tingin ng mga ibang nurse na nakakaalam, lalo na si black leech. Siniraan pa nga ako na mainitin daw ang ulo ko kaya hindi raw ako puwede na maging nurse ng isang ito na kung makangiti e akala mo matagal na kaming magkakilala.

"Magandang umaga, sir. Ako nga pala po si..."

"Yanna. Nice name."

O, kilala na kaagad niya ako?

"Paanong..."

Inginuso nito ang nametag ko sa kaliwang dibdib. Napayuko ako. Oo nga pala, mayroon kami noon. Napangiwi ako sa kaniya bago tipid na ngumiti.

Pahiya slight lang naman.

"Ang ganda mo naman. Hi, I'm Joseph. Drop the sir, Joseph na lang. You're my private nurse? Napakasuwerte ko naman pala. Buti na lang, dito ako dinala ni tita."

Napakunot-noo ako habang tsinetsek ang record niya. Mayamaya kasi darating na ang doktor na naka-assign sa kaniya kaya kailangang makuha ko na ang BP niya.

"Tita?"

"Oo. 'Yung superior n'yo. 'Yung matandang puro wrinkles at malaki ang salamin?" pinalaki pa nito ang mga matang singkit kasabay nang pagtawa. "Shhh... Huwag mo akong isusumbong. Matandang dalaga na kasi iyon kaya ganoon. Kaya masungit at pumapangit." Kininditan niya pa ako bago ngumisi.

Napapangiting napapailing ako. May sapak din pala ito.

Aw, mukhang magkakasundo kami, a?

***
Makalipas ang limang araw...

Nakataas ang kilay ng babaing may edad nang malingunan ko sa pinto nang bumukas iyon.

"Ma!" Natutuwang saad ni Joseph. Pasimpleng umalis ako sa gilid ng hospital bed at bahagyang lumayo. Yumukod rin ako kay mother na mukhang kontrabida sa pelikulang uso pa ang black and white. Banat na banat kasi ang buhok niyang nakapusod sa likuran at may salaming kasing kapal ata ng elevator ng hospital.

Tipid akong ngumiti pero ismid lang ang iginanti niya sa akin. Hinagod pa niya ako nang tingin mula ulo hanggang paa at pabalik. Pagkatapos ay nakangiting bumaling sa anak na nakasandal sa headboard.

"How are you, honey? Hindi ka kasi nag-iingat. Pasensiya kung ngayon lang ako nakadalaw. Nanganak ang ate mo at hindi ko maiwan." Hinalikan niya sa noo ang anak at hinaplos ang buhok.

"Okay lang, ma. Nariyan naman si tita."

Naka-cast ang kanang braso nito na siyang tumama sa sahig nang tumambling ito. May tama rin ang tuhod nito pero pahinga lang naman ang kailangan at ayos na rin naman iyon. Ito pala ang kapatid ni superior, medyo hawig nga sila. Parehong mukhang masungit at... Nevermind.

Siyempre, naikuwento na niya sa akin iyon. Pati kaya ang ilang importanteng talambuhay niya.

O ha? Alam na this.

"Ma, nakakahiya naman kay Yanna. Bine-baby mo naman ako e." tanong kasi nang tanong ang ginang kung anong masakit at kung kumain na ba ito.

Sinilip pa ako ni Joseph mula sa likuran ng kaniyang ina, alanganing nakangiti ito. Malawak sana akong ngingiti kaso lang napigilan. Biglang lumingon kasi ang ginang na may kapareho ng matang isdang mayamaya. Matalim pa iyong tumingin sa akin bago nagsalita.

"Mukhang okay lang naman sa kaniya. 'Di ba nurse?"

Pinakadiinan pa nito ang salitang 'nurse'. Anong masama sa pagiging nurse? Ang hirap-hirap kayang mag-aral ng ganitong course tapos may mga ganitong klase pa ng tao ang makakasalamuha mo? Parang ang sarap tuloy palaklakan ng isang drum ng alcohol para kahit ang kaloob-looban niya ay malinis at walang germs na pakalat-kalat sa kabuuan ng pagkatao niya.

Baka makahawa mahirap na. Tsk!

Pagkatapos umirap sa akin ay masayang humarap muli sa anak.

Aw, ibenta ko na lang pala. Kaso mura lang ang bilihan ng plastik.

"Okay lang Joseph." Nakangiting saad ko, bago mabilis siyang nilapitan nang marinig na tumunog na ang thermometer na nasa kaniyang kaliwang kilikili. May lagnat kasi siya kanina kaya inalam ko kung mataas ba para mai-record na rin.

Muntik ko pa itong mahulog dahil biglang napasigaw ang babaeng mukhang principal ng lumang eskuwelahan. Napabaling tuloy ako sa kaniya habang nagtataka.

"Joseph?! Bakit Joseph lang ang tawag mo sa anak ko?!" nakasapo pa ang kaliwang kamay nito sa dibdib at mukhang mabubuwal pa ata.

Grabe, ang OA naman nito!

Anong masama kung by name ko lang tinawag ang guwapo, makinis at yummy niyang anak? Dapat ba may endearment na kaagad kami? Mag-iisip pa nga ako kung anong puwede sa amin, duh? Siyempre, 'yung unique at bagay sa amin.

Ops! Oo na, kahit limang araw pa lang mula nang maging private nurse niya ako e, crush ko na siya. Agad.

"Ma, okay ka lang ba?" napabalikwas nang bangon si Joseph at inaalalayan ang anak gamit ang kaliwang kamay habang masama ang tingin ng ginang sa akin.

Ano bang ginawa ko?

Binalingan ko na lang muli ang thermometer at tiningnan kung may lagnat ba si Joseph. Aw, buti naman at wala. Natural lang siguro ang pagiging hot niya.

"Kakausapin ko si Matilda na pagsabihan ka! Ganiyan ba kayo na binabayaran ng hospital na ito at mga hindi marunong gumalang?" bakas ang panggigigil nito habang nakasapo pa rin sa dibdib ang kaliwang kamay.

Hano raw?

"Ma, huwag mo nang kausapin si tita. Ako ang nagsabi kay Yanna na by name na lang kami kasi nga hindi naman nagkakalayo ang edad namin. At... Gusto ko siyang makilala ng husto."

Aw, nagniningning ang mga mata ni Joseph habang nakatingin sa akin.

Nakakatunaw naman.

Nahihiyang ngumiti ako kasabay nang pag-ismid ng kaniyang ina.

Panira talaga ng moment kahit kailan.

Okay, magiging mother-in-law ko siya kaya siguro kaunting pasensiya pa.

"Ayoko. Si Greta ang gusto kong maging nobya mo at hindi ang..." tiningnan pa ako nang mapanglait na tingin, "...babaing nurse lang. No!" umiiling-iling pa ito at parang masusuka.

Ay, grabehan na talaga!

Ang ganda-ganda ko at sexy aayawan ng isang gaya niya lang? Siguro, hindi siya ligawin noong dalaga pa siya kaya naiiritang makakita ng gaya ko.

Naiinggit, sigurado ako roon.

"Ma, 'di ba napag-usapan na natin iyon." mahinang bulong nito sa ina at malungkot na tinitigan pa ang ina.

Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan daw nila. Bigla kasing lumambot ang ekspresiyon ng mukha ng ginang at bumuntong-hininga, bago tumango nang marahan sa anak.

Nagpakawala ako nang mahinang paghinga bago nag-excuse sa dalawa. Break time ko na kasi at may kasama na naman si Joseph. Sasabayan ko na lang ang doktor niya mamaya dahil baka kainin ako ng buhay ng mangkukulam na ito.

Kawawa naman ako kung mamamatay akong virgin.

Tsk!

Yanna 3:
Joseph's Feet
2016

YannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon