"Let's go?" tumango ako at pinuntahan na namin ang sasakyan nila kung saan kami hihintayin.

Pang ilang beses ko ng ngisi ito at ilang beses na rin sya paulit-ulit ang kwento. She's talking about Nick's empty lovelife. Nasabi na nya lahat ng mga lalaking naging crush na sa huli ay friendzoned lang ang nakuha.

May gusto akong libro kaya sa FullyBooked ang sunod na pinuntahan namin pagkatapos nyang mamili ng mga ingredients sa gagawin nyang cake.

Nang nahanap ko na nag gusto kong libro ay binalikan ko si Maxxine sa aisle ng mga school supplies.

"That's why I'm here with her, to make her happy..." hindi ko na nasundan ang sinabi ni Maxxine dahil mukhang lumipat sya ng kwento.

I'm pretty sure she's talking about me, ako lang naman itong kasama nya ngayon. And why does she have to make me happy? May rason ba para maging malungkot ako?

"Maxxine!" nagkunwari akong hinahanap sya at walang narinig. Napatalon sya ng makita ako, she almost dropped her phone, buti na lang at nasalo nya kaagad.

Mabilis nyang pinatay ang tawag at humarap sa akin, nagtaas ako ng kilay sa reaksyon nya.

"Did you find it?" awkward na ngiti nya at hinila ako papunta sa counter

"Sinong kausap mo sa phone?" I asked her, I don't want to tell her that I eavesdropped.

"Huh? Ah si Austin lang." pinakita ko sakanya ang bakas ng pagdududa sa mukha ko, ngumiwi sya ng nakita nya iyon. Tinulak nya ako ng bahagyan at tumawa

"Totoo! We're in a fight, remember?" I pressed my lips into a line, I'm pretty sure may tinatago sya sa akin and I want to know what it is!

Nag-order kami ni Maxxine ng kape at binilhan na rin namin ang mga kaibigan namin na naiwan sa SCSU.

Dumiretso kami sa gym nang nasa SCSU kami para ibigay sa mga kaibigan namin ang mga binili namin para sakanila. Volleyball teams ang nag-prapractice sa labas kaya ang mga babae at lalaki na players ay nasa iisang gym para mag-practice.

Mukhang katatapos lang nilang mag practice at nakaupo na lang sila sa gitna ng court. Nakapabilog ang apat naming kaibigan at seryoso ang usapan, na never na nangyayari kapag nandyan si Nick.

Nagpaalam kami sa coach na nakaupo sa bleachers at gumagawa ng layout, pinahintulutan nya kaming puntahan sina Nick dahil tapos na rin naman ang practice nila. It's almost six in the afternoon at papalubog na ang araw nang nakarating kami dito.

Nang nakita ako ni Karlie na papalapit ay mabilis nyang kinurot ang katabi na si Nick, nagmura si Nick pero natahimik rin nang makita kami. Kumunot ang noo ko sa nakita, nilingon ko si Maxxine na nakasalubong na ang kilay.

"Para sa amin ba 'yan?" masayang tanong ni Karlie at tumayo, napatingin sa amin yung ibang players na nagpapahinga

Tumayo na rin sina Nick at pinagkaguluhan ang dala namin

"Jeez, libre ba 'to? Kung hindi ibabalik namin sa inyo." biro ni Nick, tumawa kami. Umiling ako at sinabing libre namin 'yan dahil hindi sila nakasama sa amin

Binully ni Nick si Karlie tungkol sa katakawan nya, she keeps on saying na hindi na sya kakain ng kung anong magpapataba sakanya pero kapag break time namin at sya ang nangnguna sa linya sa aming lahat.

"Kumakain rin ako ng bakla kaya tumahimik ka dyan at gutom ako dahil sa practice." tumawa kami sa sinabi ni Karlie

Nagkwentuhan kami ng ilang minuto sa cottage pagkatapos ay nagkayayaan ng umuwi dahil sa pagod sa practice. We exchanged our goodbyes at naghiwahiwalay na. Kasama ko si Maxxine papuntang Gate 4 dahil nandoon ang sasakyan niya.

Miss Always Rank #2Where stories live. Discover now