"Ano po to?"Takang tanong ko.
"Kahon yan anak!"Nakangiting sabi ni dad. Tsk. Tumawa naman si David. Naiinis na ako. "Buksan mo, maganda ang laman niyan"
Agad ko namang binuksan, sinira ko na yung kahon dahil nabadtrip ako. Isang goggles ang nasa loob. Iba lang ito dahil medyo mabigat at basta may iba. Pero over all, googles lang to.
"Goggles? Magswiswiming ba tayo?"Takang tanong ko.
"Hindi yan goggles lang!"Sabi ni David.
"Alam mo kung ano to?"Tanong ko sa kanya. Nakangiti lang si papa at nakikinig.
"Siyempre! Isa yang Virtual Transmitter. Yan ang ginagamit para makapaglaro ng Project Destiny"Sagot niya.
"Ito?"Tanong ko. Hindi ako makapaniwala. Parang hindi naman.
"Bakit anak? Minamaliit mo ba ang design ko? Hindi lang yan basta goggles. Kapag isinuot mo yan, mag auto scan yan. Iiscan niyan ang buong katawan mo, malalaman niyan ang gender, age, physique at pati blood type."Paliwanag ni dad. Hindi ko mapigilang mamangha.
"Pero bakit?"Tanong ko. Bakit nga? Kasi, gender at age tsaka physique ay acceptable para sa character, pero bakit pati blood type? Kasama rin yun?
"Alam ko ang iniisip mo. Alam mo, hindi lang naman para sa character building ang pag scan niyan. Dahil may three main purpose yan. Una ay para sa identity. Dahil sa scan, hindi mo na kailangan pang maglagay ng email, password or anything. Ikawala ay para sa security. Siyempre dahil sa scan at tsaka wala nang email at password, ikaw lang pwedeng maka gamit ng account mo. Hindi mo na kailangan pang problemahin ang mga hackers, oh, speaking of hackers, walang makakaligtas sa kanila, oras na hackin nila ang game, makikilala namin sila dahil narin sa scan na kumuha ng mga personal importation. At tsaka palang ang para sa character creation. Para may base ang character. Pero no need to worry, kung ayaw mo ng itsura mo, pwedeng pwede mo naman itong baguhin"Mahabang paliwanag ni dad. Astig! Ang galing pala nito.
"Namangha ka na agad? Haha, isa pa lang yan sa nagagawa ng VT. Ang pinaka kahanga hangang nagagawa ng VT ay ang pagtransmit nito ng impulse ng brain derekta sa loob ng game, wala ng server server, kayat walang log or glitch. Hindi lang impulse ang ipinapadala ng VT sa loob ng game na nagcocontrol sa character, pati narin ang 5 senses ng user kayat almost real like na ang lahat ng nangyayari sa loob ng game. Hindi ka lang basta makaka kita, makakarinig, mamakalasa karin at makakaramdam! Almost real like right?"Mahabang litanya ni Papa.
"Then, hindi ba't delikado yun? Ang game na to ay labanan, Pano kapag nasugatan, or at worst napatay ka sa game?"Tanong ko.
"Siyempre, matagal na yang napag pasyahan. Hindi lahat ng player ay mataas ang tolerance sa pain. May mga player na may sakit, kaya't talagang delikado. Pero, hindi ka dapat mag alala. Dahil ang VT ay nagscan na sa katawan ng user, alam na nito kung hangang saan lang ang kayang sakit ng player, kung hangang saan ang danger zone. Hindi lalagpas sa danger zone ang sakit na maiincounter ng player. Pero out of 10 may 4 failures parin kaya't sa huli, napagpasyahan naming out of 100% na sakit na sanay dadanasin ng player, 50% lang ang mararamdaman niya"Sabi ni papa.
"Astig!"Sabi ni David. "Kaya pala noong nasuag ako ng horned pig ay hindi masyadong maskit!"Litanya niya.
"Haha, konte palang yan sa mga nagagawa ng VT pero kung ipapaliwanag ko sa inyo lahat, aabutin tayo ng siyam siyam"Sabi naman no dad.
"Dad, naglalaro ka ba nito?"Tanong ko.
"Ako pa? Siyempre. Pero hindi ako kagaya ng iba. GM Ako, hindi ako kasama sa rankings at hindi rin ako pwedeng makipaglaban hanga't maaari"Sagot ni papa. "Ang totoo, 50 kaming GM, noong beta test, 69% lang ng mundo ng Destiny ang naexplore namin"
"Wow! Ang galing niyo naman po. 50 lang kayo pero nagawa niyo yun!"Manghang puri ni David.
"Haha, madali lang yun para sa amin, lalo na sa akin na isang programmer pero dissapointed pa nga ako sa result. Kasi, kami yung gumawa pero hindi namin natapos"
Nagkwentuhan lang kami at nagdala si mama ng meryenda. Marami akong nalaman mula kay papa, lalo tuloy akong na-excite mag laro.
Nang gabi na ay pumunta na ako sa kwarto ko. Sabi ni Papa, ang oras sa game ay paiba iba. Isang lingong kasabay ng sa tunay na mundo at isang lingong kabaliktaran ng sa tunay na mundo. Papalit palit lang.
Naka upo ako ngayon sa kama ko. Alam ko na ang lahat ng mga kailangan kong malaman mula kay papa. Maglalaro na ako. Sabi ni papa, ngayong lingo ay kabaliktaran ng oras sa tunay na mundo ang oras sa loob ng game. "8:06 PM na, kung ganon, umaga palang sa game"
Isinuot ko na yung Virtual Transmitter. Oras na para maglaro!
Humiga na ako sa kama ko. "On!"Sambit ko at umilaw ang salamin ng VT. May lumabas ditong,
[Scanning...]
Ilang saglit ding nagtagal ang scanning at tsaka natapos.
[Game Starts in 3...]
[2. . .]
[1. . .]
[Game Start!]
Hindi ko alam kong anong nangyari pero nandito na ako sa isang silid. Ayon kay papa, ito ang Creation Room may isang GM ang nagbabantay dito para mag assist sa mga new players.
"Welcome new player!"Isang babaeng boses ang bumati sa akin. Tinignan ko ang pinagmulan ng boses at nakita ko ang isang magandang babae. Siguro nga kasing edad ko lang siya. "Ako si GM Chain. Ako ang maga-assist sayo sa pagkagawa mo ng iyong character"
Nakangiti siya, pero may napansin akong kakaiba, mahaba ang kaniyang mga tenga! Elf!
----------END
Yo! nonentity here! Sorry sa pagbitin, just stay tuned for the next chapter! Sigurado nang may action doon!
PS: Votes and comments are highly appreciated! Thanks!
YOU ARE READING
Project Destiny
Science Fiction«Project Destiny» Isang vrmmorpg na nauuso sa kasalukuyang panahon. Maraming tao na ang naenganyong maglaro dahil sa ganda at exciting nito. Mapa; bata, matanda, lahat ay naglalaro. PS: First story to. Sana naman ay magustuhan niyo. Try it.
Chapter 2: Programmer
Start from the beginning
