Chapter 2: Programmer

3.7K 163 3
                                        

Ilang saglit pa naming paglalakad ay narating na namin ni David yung bahay namin.

"Tara na sa loob"Sabi ko at itinulak ang gate para bumukas ito. Hindi kami mayaman, pero hindi rin kami mahirap. Simple lang ang buhay namin.

Si papa nga pala ay nagtratrabaho sa isang kompanya, sa United One Company. Si papa ay magaling na programmer. Mahilig siya sa mga games kaya't marami akong alam na laro, masasabing magaling din ako. Habang si mama naman ay isang chef sa isang restaurant.

Si mama ang nagpapasya ng oras at araw ng kaniyang pagpasok dahil siya ang head chef. Ngayong araw ay wala siyang pasok pero kadalasan, kapag meron ay gabi na siya umuuwi. Si papa naman, wala talagang schedule. Bigla bigla nalang nawawala at dumadating. Busy nga siya ngayon, hindi ko alam kong bakit. Lalo na noong mga nakaraang araw. Halos hindi na siya umuuwi.

Pumasok na kami sa loob ng bahay. Maliit lang ang bahay namin, sakto lang. Isang palapag lang ito at may anim na kwarto, isang banyo, kusina, at sala.
"Andito na po ako"Sambit ko ng maka pasok na kami. "Hello po tita"Sabi naman ni David.

"Oh? David. Kamusta ka na? Tagal na rin noong huli kitang nakita ah"Sabi ni mama. Close sila. Dumeretsiyo kami sa sala at umupo ako sa sofa. "Anong meron at napadalaw ka? Ah, teka, ikukuha ko kayo ng meryenda"Sambit ni mama.

"Wala naman po. Medyo namis ko lang to si Franciss"Nakangiting sabi ni David. "Miss mo mukha mo!"Inis na sabi ko naman.

Tumawa lang siya. Pati si mama ay tumatawang umalis, papunta sa kusina.

"So? Ano? Wala pa talaga?"Sunod sunod na tanong ni David. Yano, heto nanaman kami.

"Tsk. Wag na nating pag-usapan 'yan. Darating rin yan sa tamang panahon!"Litanya ko. Inunahan ko na siya dahil alam ko nanaman ang kakahantungan noon.

"Haha, high blood ka naman masyado! Oo na ya!"Nakangiting sabi niya. Lagi talaga akong inaasar neto. "Oo nga pala, anong level mo na sa «project destiny»?"Tanong niya.

Project destiny?

"Anong project destiny? Level? Laro ba yun?"Nagtatakang tanong ko. Teka, parang narinig ko na yun, ah!? Yun siguro 'yung palaging pinag uusapan sa room.

Tinignan ako ni David ng kakaiba. Yung parang hindi siya makapaniwala. "Dude wag mo nga akong lukohin! Anong hindi alam!?"Inis na sabi niya.

"Hindi kita niloloko! Hindi ko talaga alam... well, sabihin na nating alam ko, pero hindi ako naglalaro, tsaka naririnig ko lang yun sa mga sabi-sabi sa school"Mahabang paliwanag ko. Bakit nga ba nagpapaliwanag ako sa mokong na 'to? "Tsaka, what's the big deal?"Inis na sabi ko.

Tulala naman siya, hindi makapaniwala. "Talaga? Eh, isa ang papa mo sa nagprogram ng larong yun. panong hindi mo alam?"Tanong niya. Ayaw pa talagang maniwala.

"Hindi ko nga alam"Sambit ko. "Hindi ko nga rin alam na isa si dad sa nagprogram noon, hindi niya sinabi sa akin!"Dagdag ko. Medyo napalakas na ang boses ko...

"Kasi, hindi ka nagtanong" sambit ni papa habang papalapit sa amin. Kadarating lang niya.

"Magandang araw po tito!"Agad na bati ni David.

"Andito ka na?"Nabiglang tanong ko.

Ngumiti naman si papa at umupo sa tabi ko. "Hindi, program lang ito. Isang artificial intelligence. Yung totoo mong dad ay nasa kompanya pa"Sarkastikong sabi niya. "Parang ayaw mo atang andito ako? May pasalubong pa naman ako sayo"

"Hindi naman po sa ganon. Teka? Anong pasalubong?"Tanong ko. Medyo nacurious lang ako.

"This."Sabi ni papa at inabot sa akin ang isang kahon. Maliit lang ito mga isang dangkal lang ang laki.

Project DestinyWhere stories live. Discover now