Chapter40 (Lihim na Lugar)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ulol! Tara na pumasok na tayo sa loob baka may makakita pa satin dito!"

"Charrraaannnnnnnnn!!!!! Ready na ang dinner!"

"Wow mukang masarap yan ahh!"- Anthony

"Syempre naman parang ako! Gusto mo din ako tikman? Ay este yung ulam pele!"

"Pwede ba?"

"Pwedeng pwede!!! Tara na!"

"Ohh san tayo pupunta?"

"Sabi mo gusto mo tikman eh! Edi papasok sa kwarto ang sagwa naman pag dito tayo sa ibabaw ng lamesa diba?"

"Sabi ko yung ulam? Pwede bang tikman? Haha"

"Ayyyyyyyy!!!! Akala ko naman ako! Umasa pa man din ako! Ang sakit bes! Ang sakit sakit bes! Di ko na ata kaya ang sakit bes! Sobrang hirap! Sobrang sakit! Parang dinudurog ang puso ko! Di ko na yata kaya pa!"

"Huyyyy!!! Anong di mo kaya! Nag iinarte ka na naman!" -Aivan

"Aray ko naman beh!!!! Makasapok ahhh! Kanina ka pa?"

"Hindi, kadarating lang!"

"Oh he're na pala lahat eh! Tara na at kumain tayo!"

"Pagkain??? Pagkain???? Asan???"

"Ayyyyyyy!!! Bat may kasama kayong impakto??? Sino yan!!! Ang panget!!!" -Iska!

"Iska si Chivas yan ano ka ba!!!"

"Wow ahh!!! Maka impakto ka babaeng patpat ahh!!!"

"Ayyy sorry!! Ang panget kasi eh akala ko tuloy impakto! O edi sorry! Chaka mo kasi bes eh!"

"Tama na yan! Kumain na tayo!"

-------------

Jusko po rudddyyyyyy!! Kung ganito ba naman ang mga kasabay mo sa pagkain araw araw! Panong di ka naman gaganahan! May pampatanggal umay naman kaya keri lang! May nasalit na chakabels eh! Panira ng view!
Hong gogogwopo nga bes eh!!! Wet na wet na akis! May Railey! Na parang si Enrique Gil! May Aivan na parang si Richard Gutierrez may Anthony na parang Paulo Avelino may Iska na parang si Angel Locsin pero sabi nila kamuka ko daw si Alex Gonzaga! Keri na din naman! Mas seksi at maganda lang ako ng light! Tapos may Chivas! Oh diba pak na pak! Ang sarap saksakin ng kutsilyo sa muka! Kamuka ni Bentong! Sunog Version nga lang!

Habang nag eeat kami may something sa dalawang kyemerut eh! Kaya nilaglag ko ang kutsara ko...
At ang bongga!!!! Kakain lang magkahokding hands pa sa ilalim ng lamesa! Jusko mga bes! Ang lalandi.... Pero naiinggit ako mga baklaa!!!! Ang unfair ng earth bakit ako? Maganda naman matalino sexy pa! Bat ganern! Pero di bale keribels lang may Papa Anthony na ko! Ramdam ko sya na ang forever ko at syang magdidilig ng bulaklak kong unti unting binabalot ng lungkot.

----------------

"Anong plano mo?"

"Ewan ko! Di ko pa alam sa ngayon! Kailangan kong mag isip!"

"We are not sure to this one? Baka mamaya ay kasabwat yan ng mga kapatid ni Berdugo!"

"May tiwala ako dun sa matanda tungkol sa sinabi nya sakin! At nabanggit ni Anthony yun!"

"Saka teka nga! Ano bang meron sa kayamanan ng matanda na yan! Alam mo ba kung ano yun?"

"Well Aivan, honestly hindi ko alam! Wala akong alam, basta minsan narinig ko si Senyor na may kausap nuon sa telepono tungkol sa yaman na sinasabi nya maaaring isa ito sa mga kamag anak nya!"

"At pumayag ka nalang kaagad na ikaw ang mangalaga dito?"

"Pinagkakatiwalaan nya ako!"

"Alam ko! Pero look! Buhay mo na ang nasa panganib! Hindi lang buhay mo kundi buhay nating lahat! Isang kaibigan na natin ang nawala dahil lang sa kayamanan na yan!"

"Sinisisi mo ba ako?"

"Hindi sa ganun! Pero ang akin lang bakit hindi mo nalang ibigay sa kanila ang gusto nila para matahimik na sila!"

"Nangako ako sa matanda! Saka bat parang nag iba yata ang isip mo bigla, noong kaharap natin si Berdugo ay ayaw mong ibigay ko ang susi!"

"Dahil alam kong kahit ibigay mo man o hindi ay papatayin nya din tayo!"

"So ano ang gusto mong gawin ko? Ano ba ang nasa isip mo!"

"Hanapin mo ang sinasabi niyang kayamanan! At sasamahan kita! Alamin mo ng ikaw lang!"

Bigla ako napa isip sa sinabi ni Aivan, may point sya! Bakit hindi ko inalam nuon pa kung ano ang sinasabi ng matanda.
Maaaring may matuklasan pa ako at maaaring sinusubok lang din ako ni Senyor!
Kaya nabuo ang isang plano sa utak ko.

---------------------

"Anthony! Bukas ay lalabas muna kami ni Aivan, may pupuntahan lang kaming isang kaibigan!"

"Okay sige! Walang problema basta mag iingat lang kayo! Heto kuhanin mo ang number ko para kung sakaling may mangyari ay matawagan nyo ako agad."

"Sige salamat!"

-----------

"Ohh ano ready ka na?"

"Oo tara!"

"Mahaba habang paglalakbay na naman ito Rai!"

"Kaya yan! Basta kasama ka! Palitan nalang tayo mamaya sa pagda drive ng sasakyan!"

"Kaya ko naman! Ako ng bahala! Ako ang Taga pangalaga mo ngayon!"

"Ngayon lang?! E pano sa mga susunod na araw?"

"Habang buhay pa gusto mo?"

"Pwede ba?"

"Tara.... Alis na tayo!"

---------

O gorabels na sundan nyo na yung dalawang papabols haha kyeme!!!! Happy Reading syempre wag kalimutan ang comments at vote!
Comment kayo ng thoughts nyo para naman may idea ako sa mga susunod na isusulat ko.. Wala na ko maisip eh! Nga nga na ko! Patay na lahat ng brain cells ko. Nahawa na yata ako kay Iska char!!

I'm Inlove with the WRONG personTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon