Bato Bato Pick!

6K 195 3
                                    

"Naku naman cheska, cheska, Francheska Nuestro!!!!!!!" Sa isip isip ko na tila inis na inis at binuksan kong muli ang pinto. Sumalubong naman sakin ang muka ni Iska na tila mangiyak ngiyak at halatang halatang nagpapaawa. Sisigawan ko sana siya pero bigla naman ako nakaramdam ng kaunting awa.

"Ohh ano na naman??"

"Ayaw mo kong katabi diba? Kahit malaki naman yung kama mo?"

"Oh ano ngayon?"

"May naisip ako!"

"Tigilan mo ko Iska sa mga balak mo,"

"Kapag nanalo ka, hindi ako tatabi sayo at titiisin ko nalang ang hilik ng pinsan ko, pero kapag nanalo ko, since ayaw mo naman me to make tabi sayo, e si Railey nalang ang palilipatin ko dyan sa kwarto mo?? Deal or Deal??"

"Anooooooo!!!??? Nahihibang kanaba? Lahat ng options favor sayo eh!, saka ayoko iska!! Ayoko! Ayoko!"

"Ayaw mo???????, sige bahala ka, ako'y may alam at di ko sasabihin la la la pero pag ako'y pinilit sasabhin ko din la la la"

Pakanta kanta pa ang siraulo na mukang may laman ang ibig iparating.

"Alam mo ikaw, puro ka kalokohan!"

Pinalapit ako sa kanya at may ibubulong daw siya sakin. Sumunod naman ako sa kagustuhan ng kaibigan kong di ko alam kung normal pa ang pag iisip.

"May nakita kasi ko nung isang araw Aivan, habang naglilinis ako ng Bahay mo, may napansin lang naman ako sa may Kusina nung isang araw, naiwan yata yun eh" at sabay ngisi pa sakin, bigla ko naalala ano bang meron nung isang araw!! At pilit kong iniisip..

"Shit!!!!!!! Pinakealaman mo yun?????"

"Excuse me!! Di po ako pakialamera, naglilinis lang po ako, at di ko kasalanan kung bakit nandun yun, at may mata po ako para makita ko!" Nginitian na naman ako ng parang nang aasar ang sira.

"So makikipaglaro ka sakin or no?" Bato bato pick lang naman unahang maka tatlong panalo? At kapag nanalo ka? Fine! di ko na pipilitin na matulog sa tabi mo., pero.... kapag ako ang nanalo sosolohin ko ang kwarto! Ok!"

Wala na ko nagawa kundi pumayag sa laro ng kaibigan ko, dahil kilala ko si Iska, at hindi pa panahon para malaman ng kahit sino kung ano man yung nakita ni Cheska na yun, kaya parang bata naman akong sumunod sa gustong mangyari ni Iska.

"Oo na! Oo na!! Sige na. Kapag nanalo ako di matutulog sa tabi ko yang asungot na pinsan mo ahh!!"

"Ok master, game!" Mukang mataas ang kumpyansa ng loko na mananalo siya sakin, kaya para maisahan ko siya ay nilito ko nalang.

"Ok wait lang, gang 3 lang tama? Ok sige payag ako." At inumpisahan na nga namin ang laro..

"Bato bato pick" sabay naming pagbigkas.
Bato ang ginamit ko at gunting naman sakanya kaya 1point na para sakin. Muli ay sinimulan namin ang ikalawa.

"Bato bato pick" papel ang ginamit ko at gunting naman ang sakanya, kaya parehas na kaming may tig isang puntos. Ang naisip kong plano ay gagamitin ko ngayon.

"Teka lang Cheska, tig isa na tayo ng puntos bibigyan kita ng chance para manalo ka sakin."

"Di mo ko mapapaniwala diyan sa pandaraya mo Aivan hahahaha alam ko na yang style mo."

" ok ikaw bahala, basta binibigya  kita ng Chance." Balak ko siyang lituhin sa susunod na game.

"Pssstt Iska, papel gagamitin ko!"

"Ayyyy di mo ko mauutakan Van, gagamit ka ng papel tapos isipin mo gunting gagamitin ko, para matalo ka! Nek nek mo tae mo bulok!"

" ok ikaw din?" So game na?"

I'm Inlove with the WRONG personTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon