Chapter 38 (Paalam Tommy Hello Anthony)

2.1K 93 11
                                    

"Aivan!!! Raileyy!!!!!!" Si Tommy!!" -Iska

"Bakit Iska? Ano ngyari kay Tommy?" -Railey

"Doc... Nurse!!!!!!!!! Doc!!!!! Nurse!!!!!!"

Parang nagsslow motion ang lahat sa paligid ko, ang pagtakbo ng mga Nurse at Doctor papasok sa kwarto ni Tommy! Ang pagyakap ni Iska kay Railey!
Ang pagtakip ng mga bibig ng kapatid at Nanay ni Tommy! Ang pagtapik ni Chivas sa likod ni Railey! Lahat ay kitang kita ko.. Lahat ay dahan dahang nagaganap sa paningin ko!
Ang pagtulo ng luha ni Chivas at Iska! Ang pagtingin ng mga malungkot na mata sakin ni Railey!
Parang alam ko na ang ibig sabihin ng mga nangyayari, ngunit ayokong isipin! Dahil sa totoo lang ay di ko kayang tanggapin.

"Bro! Pinakinggan mo ba yung sinabi ko kanina? Nagbibiro lang naman ako diba? Bakit mo naman tinotoo?! Yan ang mga linyang nasa utak ko.

"Aivan!!!!! Aivan!!!! Aivan!!!! Uyyy Aivan!"-Iska

"Pare! Wala na si Tommy!" -Chivas

Ramdam ko ang sakit at kirot sa puso ko...
Ang pagtulo ng mga luha ko ay luha ng pasasalamat sa isang napakabuting kaibigan!
Sa isang kapatid! Tommy will remain in my heart! In our heart..
Tulala at wala ako sa sarili ng mga sandaling yun! Na halos di ko alam kung ano ang sasabihin ko o kung ano ang gagawin ko.

-------------

"Sinisisi mo pa din ba ang sarili mo sa pagkawala ni Tommy? Mukang malalim na naman ang iniisip mo eh!" -Railey

"Parang ganun na nga! Uhmm.. Kape nga pala!"

"Sige, katatapos ko lang! Tara!!"

"Tara saan?!"

"Sa mall!"

"Huh??? Ano naman gagawin natin sa mall!"

"C'mmon Bro! Its almost a week simula ng ilibing si Tommy! Pero ganyan ka pa din! Kaya sa tingin ko ay kailangan mong mag unwind o magrelax man lang! Kaya tara na!"

"Sige pero libre mo!??"

"Alam mo namang wala pa kong trabaho diba? KKB???"

"Ok sige! Eh pano si Iska? Iiwan natin?"

"Hahaha hayaan mo sya! Time nating dalawa toh! Magdadala ka pa ng asungot!"

"Magmumuryot na naman yung pinsan mo na yun! Parang di mo kilala haha!"

"Wala naman syang magagawa eh! Kasi this will be our date! So kailangan ako lang! Akin ka lang today! Okay!"

"Shut up!"

"I love you Jobee ko!"

"Jobee ko????"

"Oo Jobee ko!"

"Bakit Jobee ko?"

"Eh kasi Jobee short for Jollibee! Kasi sa Jollibee laging bida ang saya!"

"Hahaha puta!!!! Ang korny!!! Pero..... Gusto ko!"

"Lahat naman yata gusto mo sakin eh!"

"Ulol!"

"Hahahaha! Ano tara na?!"

"Tara!"

I'm Inlove with the WRONG personTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon