Prologue

29.9K 578 958
                                    

ISANG Hello, na sinagot ng Hi.
Nagsimula sa ngiting natapos sa mahinang hikbi,

Pangako mong binaon sa limot,
At puso mong napuno ng poot,

Hindi kita iiwan, mga salitang lumabas sa bibig mo,

Pero bakit... Bakit isang pagsubok lang iniwan mo ako,

Siguro nga matapang talaga ako..

Kasi pati maling taong katulad mo pinaglaban ko,

Pero hindi basta-basta ako aalis.. Hindi ako basta susuko,

Itaboy mo man ako..

Babalik at babalik parin ako sa’yo.

Huminga ako nang malalim at yumukod pagkatapos ng tula na hinanda ko para sa proyekto namin. Nahihiya akong bumaba ng stage at tumakbo papunta sa pinakadulong upuan.

“Galing mo!” Akbay ni Epi sa akin. He's my bestfriend since then.

Ngumiti ako at bumuga ng hangin na tumama sa aking bangs. "Salamat Epi. Kinabahan talaga ako."

"Naku! Ikaw ang pinaka-magaling sa kanilang lahat 'no!"

Natawa ako dahil sa sinabi niya. Ilang minuto lang nang patapos na ang presentation at hinarap ko si Epi.

"Epi," agaw ko sa atensyon ngunit mukhang ukopado siya at may iniisip.

Kumunot ang noo ko nang mapansin na panay ang text niya at nguso at parang hindi mapakali. Kinalabit ko siya dahilan para mapatingin siya sa akin. He's smiling widely like an idiot.

"Bakit?" Natatawang tanong ko sa kaniya.

Hinawakan niya lang ako sa kamay at inalalayan patayo. We hold each others hand while running towards the Gymnasium of our university. Nang marating namin iyon ay pumitik lamang siya at umilaw ang boung paligid.

There are red balloons, romantic lights and someone played the familiar song.

I'm lucky I'm in love with my best friend,

Lucky to have been where I have been,

Lucky to be coming home again,

Nilingon ko si Epi na nakapamulsa at nahihiyang nakangiti. I don't know how to feel. This efforts says it all. He walks towards me, he holds my hands and brought it to his lips.

"K-keith.."

Tumikhim siya at tumitig sa akin. "Dessa Joy, matagal na tayong mag-bestfriend. Halos lahat napagdaanan natin ng sabay. Ngunit lingid sa kaalaman mo, habang tumatagal ang pagkakaibigan natin. Mas lumalalim ang nararamdaman ko para sa'yo. Mahal kita Dessa hindi dahil bestfriend kita. Mahal kita kasi 'yon ang sinisigaw ng puso ko. Susugal ako ngayon. P'wede bang ligawan ka?"

Napalunok ako at uminit ang sulok ng aking mata. Hindi ako maka-imik dahil natatakot ako na baka hindi niya maintindihan. Tears filled my vision and I knew Keith saw it. Nagbago ang ekspresiyon ng mukha nito at unti-unti akong binitawan.

"Keith.." Lumunok ako at yumuko. "S-sorry. You know I love you, right? Pero hindi sa paraang gusto mo. Keith hindi p'wede. We're bestfriend."

Dumaan ang sakit sa mata nito at huminga ng malalim. "Dessa wala ka bang nararamdaman para sa'kin? Kahit kunti lang, kahit katiting. Kasi ako ng bahala magparami. Pangako hindi kita sasaktan."

"Keith, mahal kita—"

"Bilang kaibigan? Tangina, cliché man pero Dessa Joy mahal kita! Mahal kita kasi mahal kita!" Putol niya sa sinasabi ko.

"Hindi kita mahal katulad ng gusto mo. Pasensiya na Keith but you're my bestfriend and you will never be the man I want to give my heart with."

Naging marahas ang pananalita ko because that is the only way I know.

I want him to unlove me..

Ngumiti siya ng mapait at tumalikod. "Mga repapipz! Pakiligpit ng kalat dito sa Gymnasium!" Sigaw niya at nagsilabasan naman ang mga kalalakihan na nagtatago sa ilalim ng bench.

"Keith!"

Tawag ko sa kaniya ngunit agad siyang sumakay sa kaniyang bisikleta at tumungo palabas ng gate. Hinabol ko siya hanggang sa makita ko kung paano siya huminto sa tabi ng isang naglalakad na babae at ibinigay ang payong na niregalo ko sa kaniya.

I sighed when droplets of rain poured. The cold breeze touch my skin and all I can do is to hug myself while looking at my bestfriend.

Nasaktan ko siya...

Nanatili akong nakatayo ng ilang minuto at sandaling umupo sa isang bench na malapit. Tumigil na rin ang ulan at tanging malamig na hangin ang aking nararamdaman. Nang magpasya na akong umalis ay saka naman bumuhos ulit ang malakas na ulan. Mas malakas. Dahil sa sobrang dulas ng daanan ay nadapa ako at humawak sa isang motor na kasama kong natumba.

"Aray!"

Sigaw ko nang maramdaman ang bigat niyon. Naiiyak na ako dahil sa kamalasan at kagagahan na nagawa ko ngayong araw. I hurt my bestfriend. I hurt myself.

"Fuck!"

Mura ng lalaki at itinayo ang motor. Nanatili naman akong nakasalampak sa malamig at basang kalsada. Tinitigan ko ang lalaki na inaayos ang motor na nasira ang side mirror. Magulo ang basang buhok nito at hapit na hapit sa katawan ang itim na t-shirt.

"Tangina!"

Mura niya at binato ang sirang side mirror at inihilamos ang palad. He look frustrated and sad. Tumikhim ako at agad naman dumako sa akin ang kaniyang mga mata. His eyes was red with unshed tears. Tumalim ang tingin niya sa akin.

"S-sorry, nadulas kasi ako," hinging pasensiya ko at nagpumilit na tumayo.

I heard him hissed and helped me to stand up. He even took of his jacket and put it on my shoulder. My heart suddenly beat fast as I felt him touch me.

"Next time, 'wag mong hawakan ang motor ko."

Napakurap ako nang sabihin niya iyon. Para siyang action star nang sumakay at sinuot ang helmet. He was about to leave when I stopped him.

"Ano bang kailangan mo?!"

I gulped. "A-anong pangalan mo?"

"Rim," sagot niya. Mabilis na humarurot siya palayo at natalsikan pa ako ng tubig mula sa gulong niya.

"Rim.." I whispered and smiled. 

Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdam. Inamoy ko ang jacket at muling napangiti ngunit agad ding nawala nang makita ko si Keith na nakatayo malapit sa akin at may hawak-hawak na jacket.

He looked at me sharply and throw the jacket at the ground. Muli siyang tumalikod at naiiling na naglakad palayo.

Yumuko ako at naglakad papunta sa jacket na tinapon niya at pinulot iyon. My heart squeezed in pain as I saw his gloomy face.

Magiging mag-kaibigan pa ba kami?

Makikita ko pa kaya 'yung Rim?

--

Hi Dessa :)

-GatcheYonbe


Save Me, Love Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon