Prologue

11.6K 256 9
                                    

Ang pag-ibig, napaka simpleng salita lamang niyan. Isang simpleng salita na alam ng maraming tao. Isang salita na madaling intindihin ngunit hindi ganun kadaling hanapin at panghawakan. 

Sa pag-ibig, dalawang tao ang kailangan para matawag silang magkasintahan, at kailangan dalawa silang nagmamahalan. Kailangan ay pareho nilang ginusto na pumasok sa isang relasyon para maging maayos ang kanilang samahan. Hindi pwedeng isa lang dahil hindi ito matatawag na relasyon at hindi rin pwedeng may dumagdag o makisali at magiging tatlo.

Sa pag-ibig, alam ng lahat na hindi yan basta basta. Hindi lang yan basta bastang bagay na masasabi mong "Pag-ibig lang yan" dahil marami kang problemang kakaharapin diyan kaya dapat handa ka. Dapat matatag ka at dapat maging malakas ka kasi kung mahina ka at madali kang sumuko, kawawa ka. You should be brave enough to face those challenges for you to be able to save the relationship.

Sa pag-ibig, hindi na mawawala diyan ang sakit at hirap dahil magkakambal na yan eh. Hindi mo maiiwasang masaktan at mahirapan once na pumasok ka sa isang relasyon, kasi sabi nga nila, "Hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan." At ika nga rin nila, "Love is sacrifice", it means you continue to do something for your loved ones to make them happy, even though leaving is one of them. Gagawin mo lahat para sakanya at para sumaya siya kahit na nasasaktan ka na. Alang alang sa mas ikasasaya at mas ikabubuti ng mahal mo, gagawin mo kasi para sayo, basta masaya siya ay masaya ka na rin. Sacrificing it is.

At syempre, minsan darating tayo sa punto na malalaman mo na hindi pala kayo para sa isa't isa, of course masasaktan ka talaga. Yung pakiramdam na para kang pinagbagsakan ng langit at lupa. Yung tipong para kang binugbog ng sobrang tagal dahil sa ganun yung pakiramdam na malaman mong hindi pala kayo gumana. Yung pakiramdam na para bang hinugot mismo sa loob ng katawan mo yung puso mo at dinurog sa mismong harapan mo at maiisip mo, after all the efforts you did for your relationship to work out, dun lang pala kayo mapupunta. Sa wala! Dun lang pala ang ending, dun lang pala ang destinasyon at dun lang din pala kayo matatapos.

But of course, hindi ka dapat nawawalan ng pag-asa, dahil darating at darating naman ang taong para sayo talaga eh. Kahit anong mangyari, the person who's destined for you will come. All you have to do is to wait and be patient. And when the time comes na dumating na siya pero ikaw naman ang hindi ready, syempre hihintayin ka rin niya, because that is love.

Hindi dapat minamadali ang pag-ibig, kasi kapag minadali mo ito, mas malaki ang tiyansa na hindi ito mag-work out. Ika nga nila, "Slowly but surely", mas maganda na yung dahan dahan ang improvement ng relasyon niyo basta sigurado kayo na hindi kayo matatapos kaagad. Sabi nga nila, "True love waits.", it means kahit gaano pa katagal na panahon ang abutin, kakayanin at pagtyatyagaang hintayin para sa taong mahal mo.

_____________________________________________________________________

[A/N: Hi guys, this is my first time writing a story so I hope you understand that I am not a pro.]

Enjoy Reading.

~Kcisme

The Torpe Boys And The Manhater GirlsWhere stories live. Discover now