"Is she asking for his number? Ang cheap naman."

Kahit na kumukulo ang dugo ko at gusto kong sugurin si Kelsey ay hindi ko ginawa, I stay calm and watch Johansson's next step. I'm pretty sure he'll refuse, I'm sure...

"Fuck." sabi ni Maxxine at hinawakan ang braso ko, napanganga ako sa nakita ko.

Kinuha niya iyon! Parang tinutusok ang dibdib ko kada tipa nya sa iPhone ni Kelsey, he accepted it! Willing syang itext sya ni Kelsey!

Johansson, bakit hindi mo ginamit ang pagiging suplada mo ngayon? Sanay na ang mga tao na baliwalain mo ang hinihingi nila sa'yo! Ano bang meron sa Kelsey na 'yan at nagawa mong tanggapin ang kanyang munting hiling?

Nagbara ang aking lalamunan at parang may malaking bukol doon, ang hirap lumunok. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kung hindi lang ako tumingin sa taas ay maluluha ako. Panay ang himas ni Maxxine sa aking likod

"Maybe, it's for emergency?" sabi ni Maxxine habang hinahagod ang aking likod.

Umiling ako, anong klaseng emergency naman? She's not even our batch kaya walang magaganap.

Nanatili ang tingin ko sa aking tuhod, ayokong tumingin sa harap lalo na sa gilid namin kung saan nagtitilian na sila dahil sa ginawa ni Johansson.

Kinakagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili na maluha. Don't cry, Tiara. It's just his number, walang nakakaiyak doon! Matuwa ka pa nga dapat dahil hindi na masungit si Johansson.

"Maxxine!" rinig kong boses ng isang bakla. Pumikit ako ng mariin at tumayo na. I'm sure that shout got everyone's attention, bago pa makalapit si Nick sa amin ay mabilis na akong lumabas ng gym.

"Shit... Tiara!" sinubukan akong habulin nina Nick kaya lalo kong binilisan ang takbo ko. I don't know why I'm running, I just want to go outside and be alone.

Sumakay ako sa taxi kahit na hindi ko alam kung saan ako pupunta. I don't want to go home dahil paniguradong maiisip ko lang ang nangyari at malaki ang posibilidad na puntahan ako doon nila Maxxine.

"Sa Coffee Bean po, sa may Ayala lang po." sabi ko sa Manong pagkatapos ng tatlong beses niyang tanong sa akin kung saan ako pupunta.

Lumapit ako sa bintana at niyakap ang aking bag. What's Kelsey's agenda on getting Johansson's number? Ilang beses ko rin syang nakitang chinicheer si Johansson at tumatahimik sya kapag nakikita nya akong nakatingin sakanya.

Wala ni isa sakanila ang may alam na nandoon ako, that's why Kelsey have the guts to get his number and he willingly gave it! Dahil ba wala ako doon? May mga ibang bagay ba na nangyari kapag wala ako?

Umiling-iling ako, Johansson may be a snob but he still have a heart at si Kelsey naman ay ginagawa lang nya ang kadalasang ginagawa ng fan; cheer for him and get his number. Tumango ako, tama... Wala namang kailangang problemahin, Johansson just being nice to a fan. It's just the first time that he did it kaya hindi ko agad natanggap.

Nang nasa Coffee Bean na ay umupo ako sa tabing bintana, tinignan ko ang phone ko na may maraming mensahe galing sa mga kaibigan ko. Pinatay ko iyon at tumayo na para mag-order.

Nilapag ko sa mesa ang inorder kong kape at cake pagkatapos ay binuksan ang aking laptop. Tinapos ko ang mga gagawin para bukas, sumasakit ang ulo ko dahil sa paparating na Sports Festival. Kailangang isipin ang iaasign na magbabantay sa bawat building lalo na't open gates. May mga problema na kailangang ipa-approve kay Johansson bago iyon ayusin. Napahawak ako sa aking noo, maybe I'll ask Nick to ask him about this for me...

Napatingin ako sa lalaking bigla biglang umupo sa harap ko, napangiti ako at umiling.

"Anong ginagawa mo dito?" natatawang sabi ko at ininom ang aking Macchiato, lumipat ang tingin ko sa babaeng nasa tabi niya na nakatayo.

Miss Always Rank #2Where stories live. Discover now