"That's because I can't handle to see you displaying yourself and being boastful, just wear your shirt or else I will tell the office to not let you play this event." hamon ko, ngumisi siya at dinampot ang kanyang shirt sa ugat ng malaking puno at sinuot iyon. Ngumiti ako

"Thank you for your consideration, mukhang natauhan kana noong may event." sabi ko at tinalikuran sya

"That was awesome, Tiara! Buti nga sa lalaking yun!" sabi ni Maxxine, ngumiti ako.

Kahit na sinunod ni Vince ang sinabi ko ay kailangan ko parin siyang ireport sa office, there's a punishment for every action at hindi dahil makapangyarihan ang Ama niya ay excepted siya.

Pagkatapos naming tignan ang mga booths ay dumiretso kami sa office para ireport ang ginawa ni Vince. Umiling ang secretary pagkatapos kong ikwento sakanya ang nangyari.

"Good thing that you were there to stop him, aabot 'to sa dean and hopefully sakanyang Daddy." sabi ng secretary.

"Saan tayo pupunta niyan?" tanong ko nang nakalabas na kami ng Administration Building.

"Uhm..." dama ko ang hesitation sa boses ni Maxxine at alam ko na agad ang iniisip niya

"Gusto mong pumunta sa gym?"

She grinned and then nod at my question, sabi ko na nga ba at iyon ang itatanong niya.

"What happened to the not supposed to be "clingy girlfriend"?" asar ko, pinanliitan niya ako ng mata at inakbayan ako

"Ano, panghihiganti mo ba 'to sa pang-aasar ko sainyo ni Zeeyan?"

"Maybe?" kibitbalikat ko, nagtawanan kami hanggang sa nakapasok kami ng gym.

Walang masyadong tao dahil wala naman silang game, tumingin ako sa court. Nakapila sila at isa isang nag-sh-shoot sa 3 points lane.

Tulad ko, nanatili rin si Maxxine sa hagdanan para tignan si Nathan. Iginala ko ang paningin ko sa mga bleachers para hanapin si Nick pero ang nakita ko ay ang grupo ng mga Grade 11 na babae. Nanliit ang mata ko nang makita si Kelsey sa gitna, she's wearing our P.E. Uniform at basa pa ang kanyang buhok.

"Maxxine, alam mo ba kung may sports ba na sinasalihan si Kelsey Wilson?" tanong ko kay Maxxine

"Ang alam ko ay swimming, bakit?" nawala ang atensyon ni Maxxine dahil sa tanong ko, sinundan niya ang line of vision ko at nang nakita niya si Kelsey sa grupo ng mga babae ay umiling sya

Mukhang dumiretso siya dito pagkatapos ng practice nila, huh?

Hinila ako ni Maxxine paupo para hindi nila kami makita, sinunod ko sya pero nanatili parin ang tingin ko kay Kelsey na ngayon ay kausap ang player ng Team B.

"Oh, baka iyan ang rason kung bakit sya nandito?" kinakabahang tanong ni Maxxine. Umiling ako, something is off and I want to know what it is.

Nanliit ang mata ko nang makitang binigay ni Kelsey sa lalaki ang kanyang phone, natatawang tumango ang lalaki at tinanggap ang kanyang phone pagkatapos ay bumalik sa court.

Rinig ko ang asar sakanya ng mga kaibigan niya habang sya naman ay pulang pula ang mukha at umiiling.

Pumito ang coach, hudyat na break time nila. Nanatili parin ang tingin ko kay Kelsey na ngayon ay tahimik na nakatingin sa harap. Sana nakakapaso 'tong titig ko dahil paniguradong sunog na siya ngayon.

Niyugyog ako ni Maxxine at hinawakan ang magkabilang ulo ko para iharap iyon sa court.

"What the hell?" komento nya.

Iyong lalaking kausap ni Kelsey kanina ay kausap ngayon si Johansson. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Johansson ng nilahad sakanya noong lalaki ang cellphone ni Kelsey.

Miss Always Rank #2Where stories live. Discover now