Chapter 47

18.1K 168 34
                                    

Mika's POV

"Then why did you kiss her again?" tanong niya sakin pagkatapos lumagok sa tasa ng coffee niya.

"What do you mean?" balik tanong ko sa kanya.

"The first time you both kissed, dare yun. Eh yung pangalawa?" Natigilan ako sa tanong ni Riri sakin. Nandito ako ngayon sa apartment niya. Tatlong araw na ang nagdaan simula nung naghalikan kami ni Ara.

Bakit ko nga ba siya hinalikan ulit? I can't blame alcohol because I know, deep down, it was what I really wanted. Not because of the dare, but because I had felt the need to. Gulong gulo na ko. Nalilito na ko kung ano ang dapat kong gawin. After niya sinabing mahal niya ko, hindi ko alam kung ano ang nangyari sakin at bigla na lang akong umiyak at nag walk out. Tatlong araw na rin akong hindi na nagrereply sa bullies. I think nag walk out ako hindi dahil hindi ko matanggap na nangyari yun. I walked out because, it happened! She said it and I know it will change everything. If I stayed, alam kong bibigay na ko sa kanya. At hindi ko pa totally nakalimutan lahat ng sakit. Feeling ko napaka vulnerable ko na. Na pwede niya kong lokohin anytime niya gusto. Ang hirap magtiwala ulit. Okay na kami dapat sa zone na yun eh. Yung magkaibigan lang.

"Well?" naghihintay si Riri ng sagot ko.

"Hindi ko na talaga alam eh. Litong lito na ko."

"You didn't answer my question." seryosong saad niya. Ibang iba talaga pag si Riri ang kausap ko. Walang bias. Siyempre pag ang bullies kasi ang kausap ko, papanig talaga sila kay Ara.

"I kissed her again kasi gusto ko." yun lang ang nasagot ko sa kanya.

"No, Miks. You both kissed because of the dare and you felt like it was the first time. At naramdaman mo ulit yung connection. Kaya hinalikan mo siya ulit, para for the 2nd time around, ma feel mo ulit yung connection and there's nothing you can do but to make sure that it's there. That it's still her."

"Yeah..."

"Kung ganun nga, bakit parang hindi ka pa sigurado ngayon?"

Nag-ayos ako ng upo at nangalumbaba. "I don't know, Ri. Really. Feeling ko pag nagtiwala ako ulit sa kanya, kayang kaya niya ulit akong saktan. Lokohin. Yes, after everything, siya pa rin. Pero siya rin lang kasi ang taong kayang kaya akong lokohin at saktan talaga. Can you blame me if may trust issues na ko?"

"No. I can't blame you. Pero hanggang kailan ka magpapadala sa takot mo? Hanggang kailan mo ikukulong ang sarili mo sa past? Mika, tao lang din si Ara. Nagkakamali din. At alam kong kahit ikaw mismo sa sarili mo ay alam na pinagsisisihan niya na yon. And by the looks of it, hanggang ngayon nagsisisi pa rin siya.."

Arggh! Gulong gulo na ko... Gusto kong makasiguro muna. Gusto kong ma sure sa sarili ko na whatever happens, kung si Ara pa rin talaga, mapapanindigan ko na. Yung tipong, pag makakasama ko siya, susubukan kong wag ng isipin ang mga nangyari dati.

"Ri, do you think it would be best kung pupuntahan ko siya ngayon?" tanong ko sa kanya habang naglalagay ako ng cream cheese sa croissant na binili ko kanina bago ako pumunta dito. Bigla akong ginutom at kinabahan.

"Ilagay mo din ako niyan please." turo niya sa hawak kong pagkain. "Ano ba kasi ang plano mo?"

Kumagat muna ako sa tinapay bago ako sumagot. "Gusto ko siyang puntahan. May gusto lang akong i-prove.."

"Kailan mo planong pumunta?"

"Now."

"Sure ka na diyan?"

"Yeah.."

"Gusto mo ihatid kita?"

"Wag na. Kaya ko ng pumunta dun."

Nothing's Better Than This (Mika Reyes - Ara Galang Fanfic)Where stories live. Discover now