Chapter 24

20.1K 142 11
                                    

Mika's POV

Lumipas ang ilang araw at  hindi pa rin ma alis alis sa isip ko ang sinabi ng matandang yun. Sabi naman ng mga taga dun sa street na yun, baliw siya. Pero paano kasi pag totoo? Sino naman yung sisira sa mga plans ko for Tomsy? Nung sinabi ko kasi sa kanya wag daw ako maniwala sa mga ganun, knowing pa na kilala yung matandang babae bilang baliw. Tapos mukhang di naman siya bothered kasi alam naman daw niya na hindi na siya ma iin love pa sa iba. Alangan naman ako diba? Imposible din naman kasing ma-inlove pa ko sa iba. Baka naman may babaeng lalandi kay Tomsy? Tsk tsk. Erase erase.

 Ara: "Love? Iniisip mo pa rin ba?"

Nandito kami ngayon sa grill niya para mag lunch. Kasama namin sina Cienne, Cams, at ate Kim.

Mika: "Ha? Hindi ah. Kain ka na ulit diyan.. Tapos na ko eh.."

Cienne: "Talaga Yeye? Tapos ka na? Wag mo na kasi masyadong dibdibin ang sinabi ng matandang baliw na yun."

Camille: "Oo nga.. Pinadala na ni ate Wensh sa rehab yun kasi marami na daw siyang costumers na iniistorbo dun."

Ara: "Oh? Grabe naman pala ang matandang yun eh.. Love.. Kain ka pa. Halos di mo ginalaw pagkain mo oh. Gusto mo subuan na lang kita?"

Mika: "Okay lang ako, guys... Really. Kain na nga lang ako ulit! Hahaha."

Pilit ko na nga lang inalis sa isip ko ang matandang yun. Creepy na nga, tinamaan pa ko sa sinabi niya.

Kim: "Yun! Oo nga pala guys, yung plano natin mamaya ah?"

Mika: "Uy! Happy 123rd monthsary sa inyo ate Kimmy!"

Silang lahat: "Happy 123rd!!"

Cienne: "Grabe lang bully! Ang tagal tagal nyo na! Isang dekada na rin ang love story niyo ni Mela. Aabot din kaya kami ng ganun katagal ni Gayle?"

Kim: "Kung babawasan mo ang pagiging madaldal, magtatagal kayo! Hahaha!"

Ara: "Oo nga Cienne! Ang daldal mo kasi eh! Kita mo naman si Gayle, parang kayang mabuhay ng hindi nagsasalita.."

Cienne: "Psshhh!" sasagot din sana ako pero naunahan niya kong magsalita. "Oy Mika! Wag ka ng magsalita diyan! Mamaya magkatotoo ang sinabi ng matandang yun!"

Natahimik naman ako bigla. Pati rin sila.  Pilit ko na ngang inaalis sa isip ko, bigla pang na segway ni Cienne. Hay

Camille: "Ang daldal mo nga talaga! Be tactful naman minsan kambal.. Yang pagiging tactless mo din ang nagpaaksidente kay Ria dati."

Cienne: "So what? Kung di dahil sakin malalaman niyo bang may nangyari sa kanila?"

Nothing's Better Than This (Mika Reyes - Ara Galang Fanfic)Where stories live. Discover now