Chapter 10: Were Through

Start from the beginning
                                    

oh...

Muling nanaig ang katahimikan sa pagitan namin.

Malawak ang lugar, masyadong malapad. Medyo madilim dito at kulay orange ang ilaw. Patay sindi pa. Nakakatakot din at may mga sako na patung-patong. May mga malalaking kahon at malalaking bakal.

Natatakot ako....

Napakapit ako sa laylayan ng damit ko at parang may kung ano na bigla akong kinabahan.

Vincent....

ang unang taong naaalala ko.

Nagbalik ako sa kamalayan ng biglang naramdaman kong may humawak sa kamay ko.

"T-troy? Wag, I don't want Vincent to think that I'm cheating on him. Please..."

I pleaded him. His face saddened. He let go of my hand.

Sa di kalayuan ay may boses kaming naririnig. Alam kong narinig din to ni Troy dahil pareho kaming huminto.

"Makinig muna tayo sa pinag-uusapan nila. Dito tayo." he ordered at nagtago kami sa isang malaking pader.

Anong pinag-uusapan nila at kailangan pa ko dito?

Kahit wala ako sa sarili ay pinilit kong makinig ng mabuti.

"Luis! Sigurado ka bang natanggap nila ang text? Pati si Troy, wala pa oh!" tawag ng Clay yata.

"Oo naman! Hintayin muna natin sila para kumpleto ang palabas diba Vincent?"

Vincent...

ano na naman to?

Bumuntung-hininga lang siya at umupo sa karton.

( Igottheeyeofthetiger, thefighter, dancingthroughthefire, causeIamachampionandYourgonnahearme ROAR!!!) <---ringtone playing

Ayy shet shet shet!

Halos mamatay na ko sa pagkagulat, huli na ng mapatay ko. Narinig na nila kami at patungo na samin.

Syet! Bwisit yung tumawag ah! Sino kaya yun?

Pareho kami ni Troy na tumayo at kumamot sa ulo. I bowed my head.

"Kanina pa ba kayo diyan?" tanong nung Jace.

"No. We just arrived." Troy answered.

Tumingala ako lahat sa kanila.

"Bakit niyo ko isinama dito?" I almost screamed.

Parang rapist na nagngisihan silang lahat except kay Vincent.

Mas lalo akong natakot. Hinawakan ni Troy ang kamay ko and this time di na ko pumalag dahil takot na ko. Nakita kong kumunot ang noo ni Vincent, he even smirked at our holding hands.

Gusto kong bumitiw pero wala akong ibang makapitan.

"Emmy diba? Gusto mo ba ng trivia?" parang baliw na ngumisi sakin si Luis.

sumunod ang halakhakan nila. Maging si Troy ay walang imik.

"Make it fast. I'm bored." matabang na wika ni Vincent na tila nagmamadali.

Kumuha ng wallet si Clay at harapang iniunat ang halagang singkwenta pesos sa pagmumukha ko. Pumagitna si Troy samin.

"Easy Troy. Emmy's little hero!" Clay snapped na parang nananadya.

Tumalikod si Clay samin at open arms na pumunta kay Vincent.

"Here's your award. Fifty pesos Vince, you sure win as hell!" He screamed at tumawa silang lahat.

Nagtatanong ang mga mata kong tumingin kay Troy pero umiwas siya. Tiningnan ko si Vincent na nakatingin rin sakin.

"ANONG IBIG SABIHIN NITO??!!!"

I yelled and I lost my temper. They all shut up.

"Okay. Haha. Para klaro....3 months ago, nagpustahan kaming lahat. We challenged Vincent to court you para patunayan na tunay siyang chickboy at heartbreaker, and if tumagal kayo ng 100 days...he will win and claim his 50 pesos and his pride! Isn't it great?" Jace explained it very well.

"At ngayon, ang ika-100 days niyo diba?"

Oo....ngayon nga.

Hanggang ngayon ay di ko matanggap o maunawaan lahat.

marami akong tanong.

pero di ako umiiyak. Bumitaw ako sa pagkakahawak kay Troy.

Nilapitan ko si Vincent....niyuyugyog ang balikat niya.

"T-totoo ba yun? Kasinungalingan lahat?"

Umaasa akong hindi...

Tiningnan niya ko sa mga mata,

"Lahat doon...Walang katotohanan. Lahat ng yun, walang halaga sakin. Ginamit lang kita! So, why don't we  just forget this and pretend nothing happened, how bout that?? hahaha! edi quits tayo diba?!"

He laughed at me just like everybody else.

Umiyak ako sa harap niya...naaawa ako sa sarili ko....SOBRA..

I smiled at him. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang kamay.

Kumunot ang noo niya at naguguluhan tulad ko rin.

Pinahid ko ang mga luha ko at nangako sa sariling di na iiyak pang muli.

Niyakap ko siya ng mahigpid. He did not response.

"Thank you. Thank you for letting me experience how it felt to be loved, THOUGH ALL OF THEM WERE JUST LIES. I'm not mad at you. Everything happens for a reason. Paalam Vincent....Mahal kita. Mahal kita."

Bumitiw ako sa pagkakayakap at pinahid ang mga luha.

I smiled at them

Nagtaka sila.

"Sana makahanap kayo ng tunay na magmamahal sa inyo dahil paniguradong mahihirapan kayo."

I said.

They were shocked including Vincent....

Hinawakan ako ni Troy sa balikat.

"I'm sorry Emmy...."

I smiled at him.

"Don't be...mag-ingat ka."

After saying that, I ran away....away from them, from everything.

Takbo lang ako ng takbo. Runner ako diba?

Sa panahong yun ay di na ko umiyak. Nakakapagod umiyak sa parehong rason lamang. I'll just call it experience lahat, panaginip lahat at bukas paggising ko, okay na ko!

Huminto ako sa pagtakbo at nakapagdesisyon.

Sasama na ako kay mama...sa America.

Accept Me, Emmy (COMPLETED)Where stories live. Discover now