Chapter 1: Tami

3.1K 39 0
                                    

Emmy's P.O.V

Naglalakad ako sa park ngayon sa subdivision namin kasama ang poodle kong si Tami. Kulay puti siya at light brown ang kulay ng buntot at tenga niya.

Sa paglalakad ko ay natapilok ako at nabitawan ko si Tami. Tumakbo ito palayo na parang may hinahabol.

"Tami! Dito ka lang, wag kang aalis! Tami..."

Pasigaw kong tawag sa kanya at pilit akong tumayo at parang eng eng lang maglakad.

Bat ngayon pa ko nadapa?

Kung kelan nakita ako ng mga players sa school namin...

putek !! pinagtatawanan nila ako!

:\

di bale na lang...

wala silang nakita diba? diba wala?

Hinabol ko si Tami kahit paika-ika ng lakad.

Tch...

Tumigil siya sa pagtahol, pano ko siya mahahanap?

Tami....

Tami ko.....

:'(

naiiyak na ko.

Napagpasiyahan kong tumigil muna at magpahinga sa bakanteng bench.

nangangalay pa ang paa ko. mukhang namamaga yata eh, ang sakit iapak.

si Tami, first pet ko siya kaya napakahalaga niya sakin.

*sniff*

*sniff*

"Miss, excuse me. Sayo ba tong poodle na to?"

Nilongon ko sa kanan ang pinanggalingan ng boses at ang una kong nakita ay ang lalaking, halos  kaedad ko lang yata o mas matanda sakin ng ilang taon na nakangiti sakin habang hawak si Tami.

Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ngayon lang ako nakakita ng ganito.

Bakit parang wala akong naririnig kundi boses niya lang?

Bakit wala na kong ibang nakikita kundi siya lang?

Abnormal yata ang beating ng puso ko.

Ambilis eh!

Mala Adonis ang mukha nito at Machete ang tikas at porma.

Ang tangos ng ilong at mapupula ang labi, mas kissable pa sakin to eh.

Medyo makapal ang kilay pero umayon naman sa mapuputing balat nito. Hanggang balikat lang yata ako eh.

Magkano kaya to? Bibilhin ko na!

Di joke lang.

"Miss okay ka lang?"

o_O

"Miss, may problema ba?"

Oo. inistorbo mo puso ko!

"W-wala...Ayos lang ako."

Tinignan niya ako at ngumiti. Potek. Nangangatog tuhod ko.

Bumaba ang tingin niya sa paa ko at parang lumuhod, yung pwestong nangyayaya ng kasal. Ganun eh.

Binigay niya sa kin si Tami. Pinaupo niya ako at hinawakan ang natisod kong paa. Hinilot-hilot niya ito.

Kahit medyo masakit ay walang lumalabas sa lalamunan ko. Pinagmamasdan ko lang siya.

Maya maya ay isinuot niya sakin ang doll shoes ko at tumayo.

"Sa susunod, mag-iingat ka." he smiled. "By the way, I'm Vincent."

"Salamat. I'm Emmy."

Ngumiti siya sa kin at ako rin.

Peep!

Peep!

Sabay naming nilingon ang kotse, at nakita ko si Tito Dominic sakay ng kotse. Tumalikod si Vincent mula sa sasakyan at hinarap ako. He smiled again showing his dimples.

"Nice to meet you. But I need to go." he said and then he ran away without looking back.

Hindi man lang ako nakapag thank you.

Tsk!

Sumakay ako sa kotse, Pupunta raw kaming mall ni Tito, nagpapasama. Daldal siya ng daldal pero di ko naiintindihan lahat.

"Sino yun, dyowa mo?"

In my dreams...

"Naku! Di po! Si Vincent yun, kakakilala pa lang namin."

pero bakit ako namumula?

"Dyowa mo yun eh, Promise di kita isusumbong sa mommy mo! Honesto!"

At nag promise nga.

"Di po talaga Tito. Promise. Pagnagkaroon ako ng bf, ikaw unang makakaalam.Honesto Tito!"

at nagtawanan na lang kami.

Bakit parang gusto ko ulit siyang makita?

Ito ba yung landian mode?

Pffft!

Nawala ang imagination ko ng biglang may nagvibrate sa bulsa ko.

1 message receive

From: 09123456789

Masakit pa ba paa mo? Pagaling ka ha. :)

-Vincent

Accept Me, Emmy (COMPLETED)Where stories live. Discover now