Kabanata 37- Kiss The Rain

13K 280 8
                                    

JENELLE'S POV

Masaya pala talagang kasama si Finn. Kanina pa kami namamasyal, lakad-lakad, sa buong resort. Tinatanong niya lang naman ang buhay ni Phia. Grabeh, prinsipe siya, at akala ko, seryoso at tahimik siyang klase ng tao, pero, patungkol kay Phia, ang dami niyang tinanong. Basta, madami, ayaw ko ng ibalik pa.


Hinatid na niya ako sa building namin, at nakangiti lang na nagpaalam. Mabait naman talaga ang mga kaibigan ni Xander. Pagtalikod ko, nasalubong ko na naman ang seryosong mukha ni Xander. Bakit ba palagi ko na lang nakikita ang pagmumukha niya rito? Nandoon naman sa kabilang building ang suites nila.


"Nanliligaw ba ang kaibigan ko sa'yo?" mas napatingin ako sa tanong niya.


"Nanliligaw? Anong nanliligaw? Hindi, ah. Business matters lang ang pinag-uusapan namin." Depensa ko. At, kung anu-ano ang sinasabi ng lalaking ito. Pero, iling lang siyang nang iling.


"Well, kung nanliligaw man siya o hindi, huwag mo lang saktan, baka hindi na talaga kita mapapatawad." Gusto ko siyang sampalin, pero, bumagsak lang ang mga luha ko, umiiyak akong nakatanaw sa papalayo niyang presensiya. He was unreasonable, impossible and ridiculous! Hindi niya alam ang nararamdaman ko. Wala siyang alam para sabihin na sasaktan ko ang kaibigan niya kung nanliligaw man ito o wala. Arggh...hindi ko na 'to kaya.


Dumulog ako sa harapan ni Jessica na ngayon ay nakatingin sa isang magazine ng New York's Next Top Model. Sinara niya kaagad ang magazine, pasalamat akong namamasyal lang ang mga anak ko sa playground kasama si Carol, Chaniel at Phia.


"Oh, what's with that tears?"


"Jessica, hindi ko na 'to kaya, I really wanted to tell him the truth kung bakit ko siya iniwan. Ayaw kung isipin niya na masama akong tao. Jessica, hindi ko na kayang magsinungaling, mauuwi lang ang lahat sa gulo. Pero, para wala akong lakas na harapin siya,"


"Jenelle, hayaan mo kasi siya. Ikaw ang maghahabol? Huwag mong habulin ang taong walang ibang inisip kundi ang sarili niyang kaligayahan. Alam ba niya ang pinagdadaanan mo para saktan ka niya ng ganyan, hindi, di ba?"


"Yun nga eh. Hindi niya alam, kaya gusto ko na malaman niya. Gusto ko siyang ipaglaban, dahil hindi ko napatunayan sa kanya kung gaano ko siya kamahal, dahil nagpadala ko sa takot at sabi-sabi ng mga tao," pati na ang banta ni Papa na hindi na makakabalik si Jessica sa States para sa modeling, at ayaw kong mangyari 'yun. Gusto kong ipaglaban ang nararamdaman ko ngayon, I want to prove to myself that I fought the one I love whether he is the one or not.


"Oo nga, noh. May promise pala ako sa napakabait mong mother in-law, muntikan kong makalimutan, isasampal ko sa kanya na ipapakasal kita sa anak niya. Walang hiya talaga."


"Sana nga makaya ko siyang ipaglaban, alam mo naman, na may mahal na siyang iba," hindi ko talaga alam kung ano at kung paano ako magsisimula.


"Oo nga, noh, tsk, tsk. Paano na 'yan, eh, kung mahal talagaa niya ang babae, kung sasabihin mo ang totoo, eh, pipilitin lang nilang makuha ang mga anak mo. Ay, hindi ko naman hahayaan 'yun. Ikaw nagpalaki, at kukunin lang niya. No way."


"Yun din ang kinatatakot ko." Paano ba 'to? Ayaw kong magsinungaling, pero 'yun din naman ang paraaan para makuha niya ang mga anak ko. Sila na lang ang natitira sa akin, at mawawala pa. Tsk, I can't let that to happen.

The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)Where stories live. Discover now