Kabanata 36- The Plan

Start from the beginning
                                    

"Gusto kong ipasyal ang mga anak ko, they love sea kaya, dinala kami ng kapatid ko rito. And, don't thank me, its nothing, maganda naman talaga ang mga products ninyo."

"Include the models, pang-pa-akit talaga." Nagkibit lang ako ng balikat ako ngumiti. Uminom kami ng kape, when someone, covered my eyes.

"Grabeh, wala akong makita, Finn, sino naman ito?"

"Well, hindi ko alam." Tama nga naman, wala siyang alam sa mga kilala kong tao. Kinuha niya ang mga kamay niya, at tumalikod ako.

"Chaniel? Ano na naman?" Chaniel talaga, ke-aga-aga.

"May surpsie ako sa'yo. TADA!," lumitaw si Phia sa likod niya. DIYOS KO PO! GANDANG BABAE! Magkasing heihgt na sila ni Chaniel, at well, pina-aral ko siya ng tuluyan at ka-ka-graduate niya lang ng Grade 12 last month. Bigla akong natulala sa pinagbago niya, ano naman ang ginawa ng kapatid ko sa kanya, she was pretty and charming.

"Ate?"

"PHIA!," bigla siya nasakal sa yakap ko na kasing higpit ng yakap ko kay Xander kagabi. XANDER NA NAMAN! Tigil mo na ito, Jenelle. "Miss na miss kita. Kamusta na? School? Lovelife? Family?"

Napatawa siya.

"Miss rin kita, okay lang ako. Okay naman ang school ko, naka-with-honors ako this year. Love life, wala talaga, wala pa sumasagi sa isip ko 'yan. Family, gumaling na si Mama, at thanks to you, wala na kaming utang kay Mr. Rivera."

"That's good."

Tumingin ako sa kapatid ko na kanina pa walang salita, nasa harapan na pala siya ni Finn, nakikipag-usap na naman. Gwapo raw kasi, kaya 'yan, ang OA talaga.

"Finn, this is Chaniel, my sister. And this is Sophia, my cousin," pakilala ko sa kanilang dalawa sa twenty-four year old bachelor. Ganito ang mga paningin ni Chaniel, hinuhulaan ang edad sa itsura. At, twnety-four naman talaga si Finn.

"Hi, Chaniel, nice meeting you." Nagkamayan silang dalawa, at sinapak ko ang likuran ng kapatid ko, at tigilan na niya ang pagpapa-cute diyan. At,...tumayo ang prinsipe, saka, inabot ang kamay sa magandang dilag na katabi ko ngayon. "Hi, Sophia, glad to know your name. I'm Finn." Namula ang ale ninyo. Dahan-dahan niyang kinuha ang kamay ng prinsipe, at nagkamayan silang dalawa. Naman.

"Hello, Finn, nice meeting you." Kung hindi umubo si Chaniel, ay hindi mabibitawan ang mga kamay nila. Kinilig na naman ako.

"So, Jenelle, sige, mukhang madami pa kayong pag-uusapan, eh. Una na ako," naglakad siya patigil, pero huminto ulit. "Its glad to meet you, Sophia." Tumango lang ang pinsan ko na nakangiti. At, nawala na si Finn na lumabas ng cafe.

"Haba ng hair mo, Phia. Prinsipe, tiningnan ka ng ganoon." Hinawakan pa ni Chaniel ang mahabang buhok ni Phia, at nilalaro niya ng magkatabi sila.

"Prinsipe pala siya?"

"Oo, taga-Italia siya, at namumuhay na sa Pilipinas for six years, kaya, ganoon na lang ang kabihasa niya sa Tagalog."

"Ah..."

Keiser's POV

Nandito na naman ako guyz, nandito ako ngayon kasama si Zion at Micheal sa restaurant. Nasa kabilang table sina Jenelle at Finn. Kanina pa silang nag-uusap na nagngingitian. Kasama ba 'yan? Parang ang oa na, ha. Wala pa kaming nakain sa seryoso nilang pag-uusap. At, pakiramdam ko, madaming tanong si Finn sa kanya na sinagot naman ng babae. Naman, oh! Sabing e-lunch, hindi mag-interview.

Dumating na sina Slater at Alex na kanina pa nagg-golf. Ito si Alex, golf ang inaatupag, eh, 'yang kaibigan niya, sabing e-lunch, parang ang sweet niya pa. Naman, oh. Pagselosin, hindi ligawan ang babae. Pero, infairness...

"Oh, ano naman ang problema ni Finn, parang binuhusan ng isang sako ng asukal, ang tamis ng ngiti. Nanliligaw siya kay Jenelle?" ang galing talagang artista nitong si Sltaer, palakpakan, sa lahat ng kaibigan ko, siya lang talaga ang supportive.

"Ewan, kaninang umaga pa 'yan." Umupo si Alex sa tabi ko, at kumuha ng isang baso ng tubig ininom ito na ang tahimik na tahimik. Magsalita ka bro. Nagtinginan kaming apat.

"Eh, ikaw, bro. Kung manliligaw si Finn sa asawa mo noon. Papayag ka?" ako talaga ang naglakas loob na nagtanong, mukhang ako lang talaga ang may tapang na harapin ang suntok niya.

"Nanliligaw ba siya? Mukhang hindi naman, pero, kung 'yun ang totoo, sino ba naman akong hindi papayag, di ba?" tigas naman talaga. Kailan ba itong mag-wo-work? Simula noong magkahiwalay sila, bumalik na naman si Alex sa dati, ang cold-hearted guy ng Ilocos, Alexander John Rivera, hindi siya playboy, pero bumalik ang dati niyang ugali. Tahimik na siya, at wala na saya sa mga mata.

"Nang ganoon-ganoon na lang?"

"Why? Wala na kaming koneksyon sa isa't-isa. Mahal ko siya pero sinayang niya lang. At, remember, she signed those unwanted damn papers."

"Bro, payo lang, kung mahal mo kasi, ipaglaban, ipaglaban mo. Everything will be worth it kapag ipaglalaban niyo ang isa't-isa. Kung mahal mo, kahit, anong sakit na dinulot niya sa'yo, dahil mahal mo siya, you will learn how to forget and forgive, hindi mo hahayaan na mawasak kayo dahil lang, hindi niyo napatunayan ang isa't-isa," napatingin ako sa mga salita ni Zion. Nakakagulat na sa kanya pa nanggaling 'yun.

"True love is tested in the percentage of your courage on how you fought for each other. Kahit anong haarang, pader, kahit mga naglalaking bato ang humarang, dahil nagmahal ka, kahit anong sakit, you will fought for the girl, because she is worth fighting for."

Maiiyak na ako nito, ang tino-tino ng mga kaibigan ko ngayon, hindi ko na sila kilala sa mga sinasabi nila talaga. Playboys, ganyan ang mga salita, maniwala ako?

"Tingnan mo, may anak na siya, hindi lang isa, pero dalawa. Hindi ka ba nagtaka, hindi siya nagmahal ng ibang lalaki for two years simula ng pakawalan ka niya. You have to understand the situation, Alex, her father is desparate to marry her with a Santos, gagawin niya ang lahat para mapa-sa-kanila ang anak niya. Hindi ka ba nagtaka, kung bakit ka iniwan o pinakawalan ni Jenelle. Hindi niya sinasabi sa'yo, dahil, natatakot siya. Bigyan mo siya ng lakas na maipaliwanag 'yun. May karapatan siyang magpaliwanag at may karapatan kang malaman kung bakit naging ganito ang lahat. Mahina siya kapag ikaw na ang pag-uusapan," tahimik lang siya na nag-iisip ng malalim. Sana naman tumagos na sa isipan niya ang pinagsasabi namin dito?

"Paano niyo nalaman na mahina siya pagdating sa akin?"

He asked.

The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)Where stories live. Discover now