Chapter 36 (Brother)

Start from the beginning
                                    

"Uhmmmmm.. Uhmmmmm.."

"Tommy tara na!"

"Iiwan mo talaga ko besty sa panget na mukang butanding nato? Baka pagsamantalahan nya ang pagkamagandang babae ko!"

"Hoy babaeng patpat! Kahit ikaw nalang ang babaeng natitira sa mundo! Hinding hindi kita papatulan!"

"Ayyyyy huwoowww! Hiyang hiya naman ako sayo bes! Ang gwapo mo bes eh! Putukin ko yang mga tigyawat mo eh! Choosy kapa ng lagay na yan! E ang chararat mo naman!"

"Hmmmmm..... Kung di ka lang babae sinapak na kita eh!"

"E ikaw lalaki nga, straight ka nga! Ang panget mo naman! 😂😂"

"Iska, Chivas! Tama na yan!"

-------

Pagsandal sa pader ni Chivas ay bumukas ito!
Pero biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Railey kay Berdugo na may lagusan sa sahig ng kwarto ng matanda, hindi ... Hindi kaya! Iniligaw lang ni Railey sila Berdugo! Kung tama ang kutob ko! Nasa panganib lalo si Railey!

"Iska Chivas! Pumasok kayo sa loob nato! Isara nyo hintayin nyo kami dito! Wag kayong aalis hanggat wala kami dito! Tommy tara na! Nasa panganib si Railey! May kutob ako na iniligaw lang ni Railey sila Berdugo!"

Mukang maraming palaisipan ang Mansyon ng matanda! Maraming mga bagay ang wala sa ayos at sa tingin ko ay hindi literal na kayamanan ang nandito sa Mansyon na to! Pero maaaring meron nga pero  may kakaiba! Habang nilalakad namin ni Tommy ang pinasukang lagusan nila Railey ay marami ang mga larawan na mukang iginuhit ng isang magaling at mahusay na pintor!
Sa di kalayuan ay natatanaw ko na ang kinaroroonan nila Berdugo! Pero hindi kami maaring magpahalata ni Tommy, pero alam kong nasa panganib si Railey! Kaya gumawa ako ng ingay gamit ang aking Cellphone at inilagay ko yun sa kanang daan ng lagusan!

"Sino yun???"
Thats what I heard sa sinabi ni Berdugo!

"Tingnan nyo dali!!!"

Pagkakataon namin ni Railey para bumanat sa mga kumag nato! Pag kalapit nila ay saka kami kikilos! Pero di pa nakakalapit ang tatlong kasama ni Berdugo ay pinaputukan na ng baril ni Tommy!

"Pare!!!!"

"Pre!! Bakit?"

"Nakita nila tayo pare!!"

"Sino ang nandyan????? Lumabas kayo?!!!! Kung hindi kayo lalabas papatayin ko tong taong to!"

And Berdugo holds Railey in his neck tutok ang baril!

"Pare! Wag kang lalabas!" -Tommy

"Pero pare si Railey!"

"Akong bahala pare! Dyan ka lang!"

"Tommy No!!!!"

"sama sama tayo nagpunta dito! Kaya sama sama tayong babalik!"

"Pare! Magtiwala ka lang! Lalapitan ko si Berdugo! Tumakas kayo agad ni Railey!"

"Tang ina Tommy! Walang ganyan!!!! No.. Di ako papayag!"

"Pare listen to me! Walang ibang paraan! Kung hindi ako kikilos pare parehas tayong mamamatay dito!"

"Stay here!!!! Tapos!"

"Sorry Pareng Aivan! Alam mong kapatid ang turing ko sayo pero Pare! Marami ng dugo ang nawala sayo! Isa pa! Kailangan ka ni Railey!"

And he gave me a sarcastic smile! I dont know kung ano ang nasa utak ni Tommy pero may tiwala ako sakanya! Tommy tap my shoulder and he wants me to do what he wants!

"Lumabas ka dyan!!!!! Sino ka???"

"Ako... Berdugo!! Bitawan mong kaibigan ko!"

"Isa kang hangal!!! Pakealam ka!!!!"

"Hangal na kung hangal Berdugo... Bitawan mo yang kaibigan ko! Kung ayaw mong dumanak ang dugo!"

"Hayop kaaaa!!!!!!!!"

Di ko alam kung ano ang gagawin ko at that moment! Nakatitig lang ako sa mga pangyayari! Nanlalamig at nanginginig ang buo kong katawan sa ginawa ni Tommy!
Parang slow motion ang lahat ng mga pangyayari sa akin! Maging ang pakikipag suntukan ni Railey kay Berdugo! At pakiramdam ko ay sobrang bigat at sama ng loob ko...
Hindi ko alam pero sarili ko ang sinisi ko sa mga naganap!
Kitang kita ng dalawang mata ko kung pano bumagsak si Tommy sa pagkakabaril ni Berdugo! At kung paano ito tumilapon sa sahig...

"Tommmmyyyyyyyyyyyyyy!!!!!!!!"

"Hayop kaaaa Berdugo!!!" - Railey

Wala.. Wala na ko ibang naririnig pa! Kundi ang lakas ng tibok ng puso ko na pinaghalong takot at galit..

"Tomyyyyyyyyyyyyyy!! Pareng tommy!"

At sa kabilang banda naman ay isang putok ng baril ang nadinig ko at ang huling nakita ko ay ang pagbagsak ni Railey!

"Raileyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!!!!!!!!!"

------------

Hello mga bes! Charot haha.. O ayan ahh update ako lit haha..
Pero pavote naman saka pacomments naman ako..
Salamat mga bes.. Happy Reading! 😊

I'm Inlove with the WRONG personWhere stories live. Discover now