Epilogue

252 6 0
                                    

EPILOGUE (written in third person's POV)

KASALUKUYANG nakaupo si Bea sa table sa opisina niya at nakatingin sa glass wall ng building. Mula doon ay tanaw niya ang kalawakan ng syudad dahil nga nasa pinakadulong palapag siya. For now, she can't imagine how she successfully passed all those struggles which came in her life. From getting over her old boyfriend, from her difficulties in her studies, and also from all the things which once trapped her to reach what she have and who she was today.

She smiled as she saw the longest fly-over in the city.

Hindi ko lubos maisip kung paano ko naging ganito ngayon. Nakakapagod rin palang isipin lahat ng naranasan ko this past few years...

Mula sa pagmu-move on kay Carriev, sa mga naging problema sa school, sa studies ko, at sa lahat lahat ng sakripisyo ko. Yung fly-over na yan, kaya ko kayang lakarin at takbuhin ang simula niyan hanggang dulo ng mag-isa lang?? Iisipan pa lang parang nakakapagod na...

"Ma'am pinapatawag po kayo ni Mr.President sa opisina nya," sabi ni Akazhia—ang secretary niya.

Nagtaka si Bea. Bakit kaya pinapatawag na naman siya nito, samantalang nakausap lang niya kanina si Mr. Dickinson.

"Bakit daw?"

"Hindi ko po alam. Urgent daw po," sabi nitong nakangiti ng malapad.

Nagtatrabaho siya ngayon sa Dickinson Conglomerates. Sa Westridge University na din siya nag-aral ng kolehiyo. She took up Bachelor of Science in Accountancy. Pagka-graduate ay kumuha agad siya ng board examination. Fortunately, she passed the exam. She got to be the top among the others. Her family was very proud of her.

Kabi-kabilang trabaho ang umaalok sa kanya. But she chose to work at Dickinson Conglomerate where her father was working. She accept the company's offer because Mr. Dickinson, the CEO, talked to her personally to give the Vice Presidential position. She grabbed it right away. Hindi na siya nakatanggi pa. Besides, dito rin naman nagtatrabaho ang kanyang ama.

She's glad that Mr. Dickinson treated her very well. Despite the fact that he knows that she and Carriev had a past. Had a sad ending.

Nagulat rin siya nang malaman niyang dito rin nagtatrabaho si Marx. Samantalang mayaman ang pamilya nito. Nang tanungin niya ito ay dahil gusto lang daw nito. Kaya hindi na nya inusisa pa.

Malaki ang pasasalamat niya dito dahil noong mga panahong kailangan niya ng masasandalan at makakausap ay lagi itong nasa tabi niya. Laging nakabantay sa kanya. Tinulungan siya ni Marx na makalimot sa mga pangyayari.

She snapped back to present. "O sige, pakisabi susunod na ko."

Lumabas na ang secretary niya. Maya maya'y may kumatok sa pinto ng opisina niya.

May nakalimutan siguro si Akazhia, she said in her mind.

When she opened the door, her friend, Marx greeted and flashed her a smiled.

"Hi!" bati nito.

"Marx! Tuloy ka. May maipaglilingkod ba ko sa iyo?" nakangiting tanong niya.

"Wala naman. Gusto ko lang kamustahin ang VP."

"Ikaw talaga..."

"Sige aalis na din ako. May gagawin pa kasi ko eh. Bye.."

"Agad agad?"

"Yeah, I have to go." saka ito tumalikod.

"Oo nga pala," sabi pa nito bago tuluyang lumabas. " he's finally here. Sana matapos na 'tong drama niyo." saka ito tuluyang lumabas.

I Swear This Time I Mean It (COMPLETED)Where stories live. Discover now