Chapter 11

7.2K 20 5
                                    


"Nandito na tayo." Umunat-unat pa si Jason pagkababa sa tricycle. Matapos ang labing-apat na oras ay nakarating na rin sila sa tahanan ng kanilang Lolo't Lola.

"Hay, nakarating din," ani Monic na humihikab pa.

"Ang presko talaga ng hangin sa probinsya."

"Parang ikaw, presko." Tugon ni Monic sa sinabi ni Joan.

Napapakamot na lamang sa batok niya si Jason sa mga pinagsasabi ng kapatid. "Huwag mo na lang pansinin si Monic. Gan'yan talaga 'yan." Sabi niya sa kasintahan bago buhatin ang mga bagahe nila. Hinawakan niya ang kamay nito bago yayain, "Tara na at naghihintay sila Lola sa 'tin."

"Lola!" Masiglang tawag ni Monic sa matandang nagwawalis sa harap ng bahay.

"Aba, Monic, ikaw na ba iyan? Aba'y dalagang-dalaga ka na," masayang salubong nito sa dalaga.

"Opo, Lola. Ikaw po ay parang hindi tumatanda."

"Gano'n ba? Masarap kasi mag-alaga ang Lolo mo," pakikipagbiruan din niya sa apo.

Masayahing tao ang Lola nila. Sumasakay sa mga trip ng kaniyang mga apo.

"Mano po, 'La," singit ni Jason sa kulitan ng dalawa.

Nag-mano rin si Joan sa matanda. "Ka-gandang bata." Puri niya rito.

"Si Joan po pala, nobya ko, 'La." Pagpapakilala niya sa dalaga.

"Kamusta ka, Hija? Isumbong mo sa akin kung pinapaiyak ka nitong apo ko, ha? Kukurutin ko sa singit iyan."

"Lola!" Saway ni Jason na natatawa lang sa mga pinagsasabi ng kaniyang Lola.

"Binibiro ko lamang ang kasintahan mo, apo." Nakangising turan ng matanda.

"Mabuti naman po ako. At hindi po ako pinapaiyak nitong apo ninyo." Ani Joan.

"Mabuti kung ganoon." Nakangiting sabi ni Lola Nita. "Pumasok na tayo sa loob at naghihintay na ang Lolo Berto ninyo."

Nauna nang pumasok si Monic kasama ang kanilang Lola sa loob ng bahay. May kalakihan ang bahay ng Lolo't Lola niya. Sinaunang bahay ang istilo nito.

"Mababait sila Lolo't Lola. Huwag kang kabahan." ani Jason sa kasintahan. Nahalata niya siguro ang pag-aalinlangan at pagka-ilang sa mukha ng nobya.

"Lolo, ito po pala si Joan, nobya ko po." Pakilala ni Jason sa kanyang lolo.

"Aba'y akala ko, eh, wala kang balak na magka-nobya?" Biro nito.

"Lolo naman." Napakamot sa batok si Jason. Si Joan lang kasi ang naging kasintahan niya na bukod tanging ipinakilala niya sa kanyang lolo at lola.

"Binibiro lamang kita, apo." Natatawang sabi nito. "Tara't magmiryenda tayo,"

Pumunta sila sa likod-bahay kung saan mayroong maliit na bahay kubo, ito ang nagsisilbing pahingahan ng mag-asawa sa hapon. 

"Ano'ng plano ninyong dalawa, apo? " tanong  ni Nita kay Jason. 

"Oo nga!  May balak na ba kayong magpakasal? " singit ng asawa. 

"Wala pa po sa isip namin 'yan.  Mag-iipon muna kami." sagot ni Joan sabay hawak sa kamay ni Jason. 

"Ang bilis din naman Lola kung magpapakasal kaagad sila. " Mataray na sambit ni Monic sabay irap sa kapatid. Napabuntong hininga na lamang si Jason sa iniasta ng kapatid. 

"Kung sabagay kailangan nga muna mag-ipon bago kayo magpakasal. " pagsang-ayon ng matanda sa tinuran ng dalaga. 

"Nga pala Lola,  punta muna kami sa dalampasigan ni Joan." paalam ni Jason kay Nita. 

Naglalakad sila sa dalampasigan ngayon na magkadaop ang palad.  Malamig ang hangin na humahaplos sa kanila. 

"Ang sarap talaga mamalagi sa probinsya 'no? " wala sa sariling sabi ni Joan.  Malayo ang tingin niya sa dagat. 

"Bakit mo naman nasabi? " 

Nilingon niya si Jason.  Nakangiti lamang ito sa kanya habang hinihintay ang kanyang sasabihin.  Napangiti rin si Joan sa kanyang nobyo.  "syempre sariwa ang hangin.  Malampit ang dagat at may mga sariwang gulat at prutas na tanim sa bakuran nila Lola Nita."

"Maganda talaga dito kina Lola.  Malayo sa sibilisasyon.  At walang polusyon." 

Niyakap niya ang nobya. Sandali silang tahimik sa mga oras na iyon.  Pinagmamasdan ang mga hampas ng alon sa batuhan. Ilang minuto pa ang lumipas ng putulin ni Joan ang katahimikan.  "Jason? "

"Hmm? " mahinang tugon ni Jason. 

"Ano nga ba? Hmm... " hindi maituloy ni Joan ang kanyang sasabihin.  Kinakabahan siya sa isasagot ng binata sa kanya. Kung ano ang magiging reaksyon nito ay hindi niya alam.  

"Ano ba 'yung sasabihin mo? "

"Si Monic... " napakagat-labi siya ng mabanggit niya ang pangalang iyon. 

"Bakit?  Anong mayroon kay Monic? " naguguluhang tanong ni Jason. 

"Bakit pakiramdam ko ay ayaw niya sa akin? " 

----

Naaalala niya pa rin ang mga sinabi ng ama no'ng gabing iyon. 

"Sige pumapayag akong ligawan mo ang aking anak. " Nanlaki ang mga mata ni Jelly sa tinuran ng ama.  Sa wakas ay pumayag na ito na maligawan siya! 

Abot abot pa naman ang kaba nilang dalawa dahil baka sigawan o bulyawan sila nito dahil sa mga nakita kanina.

"Sige po,  papatunayan ko po kung gaano ko kamahal itong anak ninyo at pangako na hinding hindi ko siya sasaktan. " mahabang sabi ni Mico sa ama ng dalaga.

"Mabuti kung ganoon. "

Iyan lamang ang sinabi niya pero parang lumilipad si Jelly sa alapaap sa sobrang tuwa. 

"Jelly! "

Napalingon siya sa taong tumatawag sa kanya.  Si Mico. 

"O,  kumusta naman ang ligawan ninyong dalawa? " Pantutukso naman ng kaibigan niyang si Joan.

"Ano'ng ligawan ka dyan?  Sinagot na niya ako 'no! " anang Mico.

"woah!  Talaga bessy Jelly?  Sinagot mo na siya? " gulat at kinikilig na tanong ni Joan sa kaibigan habang nakaturo kay Mico. 

"Bakit parang hindi ka makapaniwala? " inis na sabi ni Mico.  "Tara na nga Jelly. Iwan na natin 'yan! " hila niya ang nobya papalabas ng opisina.

"Sige Joan,  una na kami. "

"Hahahaha sige ingat!  Humayo kayo at magpakarami! " natatawang pang-aasar niya sa dalawa.

"Sira ka talaga Joan! " namumula na ang mga pisngi ni Jelly sa hiya sa pang-aasar ng kaibigan.

Isang linggo na ang nakalipas at hindi na niya pinatagal pa ang panliligaw ni Mico.  Gusto rin naman niya ito.  Kaya lang iyong ama lamang niya ang iniisip kaya di niya makuhang sagutin ang binata.  Pero sa pagkakataong ito ay malaya na silang dalawa. 

"Mahal,  nasaan pala ang tatay mo? " tanong ni Mico nang mapansing walang tao sa bahay nila.

"Pumunta siya sa bahay nila lolo.  Ang sabi niya sakin tatlong araw raw siya mamalagi doon."

"Ibig sabihin? " nakakalokong ngiti ang bungad niya sa dalaga ng lingunin siya nito.

"Ibig sabihin ano? " takhang tanong ni Jelly. 

Lumapit si Mico kay Jelly at marahan niyang hinalikan ang labi nito.

****
A/N: To be continue....  Hehehe

Kapatid (SPG) [on-going] #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon