"Oo. Ayos na yun mamaya."  

Tumango siya then bumaling ng tingin kay Thea.     "Thea, babye muna. See you again later."

"Okay po."       Nakangiting kumaway pa si Thea.

Inasikaso ko kaagad ang order ni Bianca. Mabuti na lang at kumpleto pa kami nun dito sa store. Nilagay ko rin ito sa makulay na souvenir bags. Since para ito sa mga bata, dapat gawin kong maganda at makulay. Tinulungan din ako ni Thea. Siya ang nagsisilid ng mga sinulid sa bag at nag eenjoy siya sa ginagawa.

After lunch ay bumalik si Bianca at hindi ko inaasahan na may kasama na ito.

Si Emman.

Nagkatinginan kami at ngumiti siya kaagad sa akin. Hindi bakas sa mukha niya ang anumanh tungkol sa nangyari sa pagitan namin nina Kuya Paul nung nakaraang gabi. Mukhang okay naman siya.

"Hi Milca. Hi Thea."       Masayang bati ni Emman sa amin.

Ngumiti naman ako.

"Hi po Tito Emman."      Lumapit si Thea dito at nag-mano.

"Magkakakilala na kayo?"      Nakangiti pero curious na tanong ni Bianca.  

"Magkakilala kami ni Milca since ipinanganak siya."       Nakangiting sagot ni Emman. 

Tumango ako.      "Magkababata kami."

"Oh, i see."      Si Bianca.      "Kaya pala eager kang samahan ako."      Natawa siya ng mahina at bumaling sa akin.       "Naglunch na kayo?"

"Tapos na."     Ngumiti ako.

"Dessert?"      Si Emman. Tumingin siya kay Thea.     "Ice cream Thea? Gusto mo?"  

"Opo."       Mabilis na sumagot si Thea. Of course. Favorite niya yun eh.

"Tara bili tayo ng ice cream."       Nakatawang aya ni Emman sa anak ko.

"Wag na Emman."        Hindi ko alam kung sisimangot ba ako sa kanya but i can't. Nakakahiya naman kay Bianca.

"Okay lang."     Ani Emman.      "Com'on Thea. Bili na tayo."      Kinuha niya ang kamay ni Thea at hinila na itong papalabas ng store.

Wala na akong magawa. Sinundan ko na lang sila ng tingin at nailing.

"He's quite persistent."    

Napakibit balikat ako.      "Ever since naman."

Iginiya ko si Bianca sa may estanteng naroon at ipinakita ang mga inihanda kong order niya. Tuwang tuwa naman siya mga ginawa ko.

"Matutuwa ang mga bata nito."        Wika ni Bianca.       "Salamat Milca."  

"Walang anuman. Maliit na bagay lamang yan kumpara sa mga ginagawa niyo. Gusto ko ding makatulong kahit papaano."  

"Well, this means a lot."  

One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]Where stories live. Discover now