Lumapit kaming dalawa kay Thea. Huminto sa paglalaro si Thea ta bumaling sa amin.

"Hi, pretty girl."     Bati ni Bianca.

"Hello po."      

Naupo si Bianca sa tabi ni Thea, kahit sa sahig ito naglalaro na nikatagan ko lamang ng maliit na banig.      "What's your name?"

"Atlhea Canary Mi-landa."     Sablay pa rin siya sa pangalan. Natawa ako ng lihim.

"Oh, well, Thea. I'm Bianca Roman. Nice to meet you."        Tapos ay nag shake hands sila.

Tumayo na si Bianca at hinarap muli ako. 

"Ilan taon na siya?"    

"Four na siya." 

"Ang ganda niya. May lahi siguro ang tatay?"     Aniya.

Nangiti na lang at hindi sumagot. Si Henry? Tss. Oo. Lahing playboy.

"Oo nga pala."    Si Bianca.      "May medical mission kami na ginagawa diyan sa malapit na barangay. Sa may court lang. Kung may time ka pwede kayong kumunsulta doon."

"Doctor ka?"       Napamaang ako ng konti. Parang ang ambata niya pa para maging doctor.

"Yeah. Psychiatrist ako in profession. Nandito ako para sa medical missions."

"Ahh, ganun. Ang galing naman."      Ngumiti ako.

"Yung mga pang-gantsilyo, dadalhin ko sana sa bundok. Tuturuan kasi namin ang mga bata roon kung paano maggantsilyo para ma enhance ang kanilang skills."  

"Aahh... I see. Sige. Ayusin ko na yung kailangan mo."  

"Take your time. Babalikan ko na lang later. After lunch time pagkatapos ng medical mission namin."      Nakangiting aniya.

"Ah, o sige."  

"Okay. Thank you ah. So...mauna na muna ako. Later na lang?"

One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora