CHAPTER 50: PAGSISISI

397 8 0
                                    

Audrey's Pov

"Audrey, matutuloy pa ba ang kasal niyo ni skyler, dalawang oras na siyang late eh! Nag hihintay na si father!" Naka upo lang ako habang hinihintay si skyler na dumating,

Napakapit ako sa manager ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon, 
"Totoo bang niloko niya ako? Sabihin mo hindi to totoo,  mahal niya ako sinabi niya na mahal niya ako! "

Lumuhod siya sa harap ko para pumantay siya sakin
"Audrey! Tanggapin mo na na hindi na to matutuloy,  Tama nga siguro si clide na niloloko ka lang nang lalaking yun!"

"Pero sabi niya mahal niya ako!"

"Shh! Tama na audrey iuuwi kana namin! " inalalayan niya akong tumayo upang makalabas sa simbahan

"Umuwi na po kayo ,hindi na po matutuloy ang kasal, sorry po sa abala! " sabi nang manager ko, nakakahiya talaga para sakanila

Hinatid nila ako sa condo, ako naman parang wala sa sarili nakatulala lang ako sa isang sulok

"Audrey! Tama na yan! Kalimutan mo na siya, manloloko pala ang lalaking yun, hindi mo dapat siya iniiyakan because he don't deserve it!" Paliwanag sakin nang manager ko

"Sabihin mo nga ang sama sama ko ba? "

"Huh?" Taka niyang tanong

"Ang sama sama ko ba dahil hindi ako nag tiwala Kay clide dahil mas pinaniwalaan ko yung gagong boyfriend ko nayun, nag pakatanga ako, hindi ko man lang inisip ang lahat, nasaktan ko ang kaibigan ko!" Sabay pag hahampas sa ulo ko,agad naman akong pinigilan nang manager ko

"Audrey, hindi ka tanga,  nag mahal ka lang! " niyakap niya ako upang mahibsan ang pag iyak ko!

"Napaka tanga ko,  Napaka manhid ko para hindi makita ang lahat nang ginagawa ni clide para sakin! " kasunod non ay nawalan na ako nang malay! 

--

Napamulat ako na parang panaginip lang ang lahat,  napatingin ako sa paligid at napatingin din ako sa suot ko, Naka wedding gown padin ako at kalat ang make up ko, hindi nga panaginip ang lahat totoo nga ang lahat nang nagyari,

Kusa nalang tumulo ang mga luha ko, habang tinitignan ang sarili ko sa salamin, awang awa sa sarili ko

"Tanga ka kasalanan mo yan dahil nagpakaloko ka sa lalaking yun, tapos ngayon iiyak iyak ka dahil sa kagagahan mo!" Kausap ko sa sarili ko sa salamin

Napaupo ako sa sahig at tuluyan nang humagolhol sa pag iyak

"Ang tanga tanga ko!" Sigaw ko sabay pag hahampas sa ulo ko

--

Dalawang araw,  Dalawang araw na walang tigil sa pag iyak, dalawang araw na walang kain at walang tulog at dalawang araw na Naka tulala sa isang sulok, ewan ko nga ba kung bakit pa ako nabubuhay ngayon!
Para akong namatay sa sitwasyon ko ngayon, walang kasama,walang nagmamahal at walang masasandala dahil sa katangahan ko , Ano pa bang kwenta ko dito sa mundo!

Kumuha ako nang blade sa banyo at nilaslas ko ang pulsuhan ko, pero kahit isang sakit wala akong maramdaman,  wala nang mas sasakit pa sa ginawa niya sakin

Kasunod non ay nagising nalang ako, nasa ospital na ako at umaga na hindi ko alam kung totoo bang nasa ospital ako o nasa impyerno!

"Anak!" Rinig ko ang pagtawag sakin nang isang babae at kung hindi ako nagkakamali ang mommy ko yun,kusa nalang tumulo ang luha ko!

"Anak thank God nagising kana!"

"Nagpapasalamat ka dahil buhay pa ako ma, eh gusto ko na ngang mamatay eh,  bakit ba dinala niyo pa ako dito!" Inis kong Sabi habang walang tigil sa pag iyak

Hinawakan niya ang kamay ko pero mabilis ko yung inalis
"Anak wag mong sabihin yan! " sabi pa neto

"Bakit ma? Sige nga Sabihin niyo nga sakin,  Ano pa bang halaga ko sa mundong ito kung wala ding nag mamahal sakin,  lahat kayo iniwan na ako, Ano pa bang silbi ko dito ma! " sigaw ko at napahagulhol na ako sa pag iyak

"Anak! Andito ako, andito si mommy, mahal kita anak! "

"Mahal?  Kahit kailan ma hindi niyo ako minahal, kung mahal niyo ako ni daddy hindi niyo ako iniwan! "

"Anak!  Hindi ka namin iniwan!  Diba nga sinabi ko sayo na dun ka na tumira kasama ako pero ayaw mo naman! "

"Kahit kailan ma, hindi ako titira kasama ang bago mong pamilya dahil alam ko magiging walang ka kwenta kwenta lang ako dun!  At isa pa hindi niyo man lang ba inisip kung anong mararamdaman ko nong mga araw na nagkahiwalay kayo ni daddy! "

"Anak I made the right decision for our own good sake! "

"Hindi ma!  Ginawa mo yun! For your own good sake! Kahit kailan ma hindi ko pinangarap na magkawatak watak ang pamilya natin,  kayo lang ni daddy ang may gusto non for you own good sake at para hindi sakin!  Dahil hindi niyo ako mahal!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko para sabihin yun

"Anak mahal kita!  Please makinig ka naman! "

"Makinig Ma? Bakit nong nagmakaawa ako sainyu ni daddy na wag na kayong mag hiwalay nakinig kaba ma hah? " sigaw ko uli

"Anak I'm so sorry! "

"Sana ganon lang yun kadali ma eh,  pero Hindi! Iniwan niyo ako ni daddy na nag iisa at si clide lang ang totoong nag mahal sakin! "

"Please Anak! Sumama ka nalang sakin sa Canada, at ipaparamdam ko sayo ang pagmamahal na kailangan mo!"

"No ma! Sanay na akong iniiwan niyo! Kaya hindi ko na kayo kailangan, umalis na kayo!  Wag mo na akong balikan pa,  hayaan niyo nalang ako,  dahil matagal ko nang nakalimutan na may ina pa ako!"

"Angela hali kana! " narinig kong sabi nang isang lalaki galing sa pinto at inalalayan niya si mama palabas

"No edward paano ang anak ko?" Rinig ko sabi ni mommy nang palabas na sila sa pinto

"Can't you see ayaw ka na niyang makita ,Ano pa bang magagawa natin,  let's go! "

"Pero paano siya!"

"Sige! Ang anak mo o kaming pamilya mo? Mamili kana ngayon angela! " sigaw nang asawa ni mommy bigla nang tumulo ang luha ko, siguro nga hindi ako ang pipiliin ni mommy dahil my bago na siyang pamilya,  nag iisa nalang ako ngayon wala na si clide ang matalik kong kaibigan ,  wala nadin ang gago kong ex boyfriend, at lalong lalo na wala na akong mga magulang na nag mamahal sakin,

I think ako na ang pinaka malas na tao sa mundo! Hindi ko alam kong saan na ako pupulutin ngayon!  :'(





--

Next chap!  Now you realize!  Sa huli nga ang pagsisisi!  Tss. :/

Kung Ako Ba SiyaWhere stories live. Discover now