CHAPTER 42: BROKEN

335 8 2
                                    

Clide's Pov

Asan na kaya ang babaeng yun, umalis nanaman na walang sinasabi sakin lagot talaga siya sakin mamaya,

Narinig ko ang pag bukas nang pinto nang kwarto kaya hindi nga ako nag kamali na siya yun,
"Saan ka galing hah?" Panimula ko

"Clide! " pagtitili niya at yumakap eto sakin, dahil nasa kama ako

"Clide im so happy! " sabi niya

"Umalis ka lang masaya kana, ano bang nangyari hah?  At saan ka galing? " tanong ko

"Guest what! Kami na ni skyler nag confess siya sakin kanina sa tabing dagat!" Nakaramdam ako nang kung anong kumurot sa puso ko hindi ko alam pero nasasaktan ako sa mga narinig ko , nararamdaman ko din na parang tutulo na ang mga luha na dumadaloy sa mga mata ko pero pinigilan ko yun, dahil ayokong nakikita niya akong  nasasaktan

"Are you not happy for me!  Boyfriend ko na siya! " sabi niya habang walang tigil sa pagyakap sakin

"Masaya ako para sayo audrey! " kahit deep inside hindi ako masaya pinilit ko nalang na sabihin yun.

"Thank you clide! Muah!" Sabay halik niya sa pisnge ko

Naramdaman ko na ang pag tulo nang luha ko sa kabilang mata ko pero mabilis ko yung pinunasan, ayokong makita niya akong umiiyak dahil sa nasasaktan ako sa mga narinig ko

Bigla naman siyang kumalas sa pagkakayakap sakin at tinignan ako
"Oh bakit ganyan ang mukha mo, hindi ka naman yata masaya para sakin eh niloloko mo lang ako! " bigla ko siyang hinila papalapit sakin at niyakap ko siya

"Masaya ako audrey! Masayang masaya, sana maging masaya kadin sa mga naging desisyon mo!" Sabi ko

"Thank you clide! " sabi niya

Huli kana clide, ang torpe mo kasi kaya nauunahan ka nang iba! Ginusto mo yan kaya panindigan mo yang ginawa mo

"Kumain kana ba? " tanong niya sakin!

"Busog pa ako wala akong ganang kumain, inaantok na din ako! " sabi ko

"Grabi ka, kanina kapa kaya natutulog tapos ngayon inaantok ka padin!" Oo nga pala ano kaba clide mali naman yung palusot mo eh

"Hindi, talagang inaantok lang talaga ako,  pagkaalis mo kanina nagising na ako at hinintay kitang dumating! " sabi ko

"At bakit mo pa ako hihintayin ede sana natulog ka nalang! " sabi niya

"Malay ko ba baka mamaya kung ano nang yari sayo, hahanapin na sana kita kanina pero dumating kana din! " paliwanag ko

"Ganon ba!  Sige antok nadin ako, matutulog na ako hah good night," sabay halik sa cheeks ko at natulog na eto

Pinagmasdan ko lang siyang matulog, at naramdaman ko nalang ang pag daloy nang luha sa mga mata ko, dahil ngayon masakit padin tong puso ko, ang tanga tanga mo clide, ayan tuloy nagsisisi kana dahil sa katorpehan mo!

Pumunta ako sa banyo at tinawagan ko si mama

Ring lang ito nang ring pero sinagot din

"Hello anak napatawag ka,! " halata sa boses ni mama na nagising ko siya

"Ma naistorbo ba kita sa pagtulog mo?" Tanong ko

"Hindi naman anak may problema kaba? " tanong niya at duon na nagsimula ang pag tulo nang mga luha ko

"Anak ok ka lang ba? "Tanong niya

"Ma!  Ang tanga tanga ko, napaka torpe ko ma,  "

"Anak hindi ka tanga! Pwede ba  sabihin mo sakin kong anong nangyayari? " sabi niya

"Sila na ni skyler at alam kung mahal na mahal niya si skyler ma,  at wala na akong pag asa! " sabi ko

"Anak!  Kung nahuli kaman,  may pag asa ka padin habang hindi pa kasal si audrey may pag asa pa kaya pwede ba think positive lang,  at lalong lalo na ayokong tinatawag mo ang sarili mong tanga nagkakaintindihan ba tayo clide lopez! " kapag tinawag ni mama ang buong pangalan ko alam ko kung gaano siya ka seryoso sa sinasabi niya

"Opo! Sorry po ma! Salamat po sa advice,  kahit papano nababawasan tong sakit na nararamdaman ko! " sabi ko

"Anak kita, kung nasasaktan ka , nasasaktan nadin ako,  kaya anak wag kanang mag isip nang kung ano, mag boyfriend at mag girlfriend palang naman sila eh kaya may pag asa kapa! "

"Sige ma!  Ipapasok ko lang nang sinabi mo sa isip ko, hindi ako susuko! "

"Basta anak!  Wag mong kalimutan nandito lang si mommy hah!  I love you anak ingat ka diyan! "

"I love you too ma!  Thanks for everything! " and I end the call

Bumalik ako sa labas at nakita ko si audrey na mahimbing na mahimbing ang tulog

Lumapit ako sakanya at pinagmasdan ko siya , hinimas ko din ang buhok niya upang mas makatulog siya,

"Bakit siya pa audrey nandito naman ako, kahit kailan ba hindi mo man lang ako napansin, lahat nang efforts ko, hindi mo man lang ba nakita yun, ganyan kanaba ka manhid audrey para hindi makita ang lahat nang ginagawa ko para sayo, kaibigan lang ba talaga audrey,  wala na ba akong puwang diyan sa puso mo, puro nalang ba si skyler ang nasa puso't isip mo! Kahit kailan hindi mo man lang ako nakita,  ako ang nandito audrey, nandito ako sa lahat nang bagay,  simula nang mga bata pa tayo ako anh laging nandito para mahalin at bantayan ka, at hindi ang lalaking yun!" Kausap ko sa sarili ko , nagsimula nadin umagos ang mga luha sa mga mata ko

"Mahal na mahal kita audrey at hindi ako susuko !" Bulong ko sa sarili ko

Tumabi ako sa kanya at sinimulan kong ipikit ang mga mata ko para makatulog...





**

Ang manhid mo audrey para hindi makita ang mga efforts ni clide,,,, ≧﹏≦

Next chapter ♡

Kung Ako Ba SiyaWhere stories live. Discover now