CHAPTER 29: TAMPO SI CLIDE

341 6 0
                                    

Clide's Pov

"Good morning anak saan punta natin?! " tanong ni mommy nang makababa ako galing sa kwarto ko

"Kay audrey po! Ihahatid ko siya sa starlight, may photo shoot kasi siya ngayon! " paliwanag ko

"Auh!  So anak, umamin kana na ba? " napakunot  noo ako,

"Hindi pa po eh!" Sabi ko habang kamot kamot ang ulo ko!

"Sabi na eh, torpe ka talagang bata, sige ka baka maunahan kapa nang iba! " sabi niya

"Sige po alis na po ako! " sabi ko

"Sige anak mag iingat ka hah! " Humalik ako sa pisnge niya bago umalis

Agad akong sumakay sa kotse upang puntahan si audrey

--

"Good morning! " bati ko sakanya nang makarating ako sa condo niya

"Good morning din, let's go! " Sabay hatak sakin palabas, hindi na ako nag reak pa sumunod nalang ako hanggang makaabot ako kami sa kotse ko

Agad kaming sumakay at nag umpisa na akong paandarin ang sasakayan ko papunta sa starlight company

Napapansin ko panay ngiti si audrey habang naka tingin ito sa cellphone niya, bakit naman kaya

"Ngiti ngiti mo diyan? " tanong ko sakanya

"Wala! " kilig kilig niyang sabi

"Wala daw eh kilig na kilig ka diyan Ano ba kasi yan! " agad kung kinuha ang phone niya

"Ano ba akin  na yan!" Naihinto ko ang sasakyan kaya nauntog si audrey

"Aray! " sigaw niya habang hawak hawak ang noo niya

"Hinay hinay naman clide, magpapakamatay kaba?"tanong niya

Tinignan ko siya nang masama, kaya napakunot noo siya

"Oh,bakit? "Tanong niya uli

"Kailan mo pa nakakatext tong gagong babaero nato hah? May hindi kaba sinasabi sakin! " agad niyang kinuha ang phone niya sa kamay ko

"Kahapon lang naman, bakit ba parang ang sungit sungit mo ngayon? " tanong niya

"Diba sabi ko sayo wag kang mag assume sa lalaking yun, babaero yun, bakit ba ang tigas nang ulo mo audrey! " sigaw ko sakanya,hindi niya yata inexpect na sisigawan ko siya

"Bakit ba ang dali lang sayo pangunahan ang lahat?  Hindi mo pa siya kilala kaya wag mo siyang sabihan nang ano ano! " sigaw niya sakin, hindi ko din inexpect na yun ang sasabihin niya

"So mas kinakampihan mo pa siya kesa sakin, hindi mo ba nakikita na iba iba ang babae niya araw araw! " sigaw ko uli sakanya

"Bakit ba galit na galit ka sakanya? " sabi niya

"Dahil alam ko una pa lang babaero na siya kaya pwede ba tigilan mo nang pakikipag komunikasyon sakanya!" sabi ko

"Bakit ba ang bitter mo ngayon nakaka inis kana, !" Umupo siya nang tuwid habang Naka cross arm pa ito, nilakumos ko ang mukha ko sa sobrang galit, 

Napatingin uli ako sakanya, pero nakita kong galit na galit padin siya sa mga sinabi ko bakit ba ayaw niya akong pakinggan?

Itinuon ko ang pansin ko sa daan at nag simula na ulit mag drive papunta sa starlight,

Pagdating na pagdating dun bigla nalang siyang lumabas nang kotse at tuloy tuloy sa paglalakad papasok sa starlight company

"Audrey wait up! " hinawakan ko ang braso niya at hinarap ko siya sakin

Nakatingin lang ito nang seryoso sakin
"Sorry OK!" Sabi ko, tss dapat ba ako pa ang mag sorry eh concern lang ako sakanya, ayoko naman talaga sa lalaking yun playboy yun eh

Hindi niya ako sinagot, tinalikuran niya ako at nag simula na siyang mag lakad papasok

"Ayaw mo talaga, bahala ka uuwi na ako! " sabi ko agad akong tumalikod sakanya at sumakay sa kotse ko,

Nakakainis  ̄︿ ̄

Kainis na babae to nag sosorry na nga ang dami pang arte Kainis talaga ,sarap sapakin nang gagong babaero na yun,

Sinumulan kong paandarin ang sasakyan, nakitang lalapit sana si audrey sa kotse ko pero agad akong umalis, nakirig kong sumigaw siya pero hindi ko siya pinakinggan, nag drive lang ako pauwi nakakainis na kasi eh,

Ako nalang palagi ang nag papakumbaba para magkaayos kami,  tapos ngayon Ayaw pang tanggapin ang sorry ko wow,  hayup!  Kainis talaga nakakairita na sobra,

Narinig kung tumunog ang phone ko at nakita kong tumatawag si audrey, kinuha ko ang phone ko at in-off ko yun, ayoko pa siyang makausap ngayon ,ang tigas nang ulo eh.

Bahala siya sa buhay niya, minsan nga lang ako humingi nang pabor ayaw pang makinig, ang tigas talaga nang ulo,  napaka immature,

Umuwi ako sa bahay at nakita ko si mommy na nanonood nang tv

"Oh! Anak bakit umuwi kana?  Asan si audrey? " tanong niya

"Ma! Wag niyo na muna akong kausapin ngayon, wala ako sa mood makipag usap! " sabi ko deretcho sa kwarto ko ni lock ko eto para wala munang umistorbo sakin

Naiinis lang talaga ako ngayong araw nato, dala na yata nang selos na nararamdaman ko ngayon, ang sakit kasi eh, bakit pagdating sa lalaking yun ayaw niyang makinig sakin,

Ganon ba kahalaga ang lalaki nayun sakanya kesa sakin, kaibigan niya ako pero bakit ang hirap para sakanya na sundin ako, 

Kinuha ko ang litrato namin ni audrey sa lamesa ko at tinitigan ko yun,

"Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin audrey, mahirap ba talaga akong mahalin,  bakit ang lalaki pang yun, eh babaero naman yun eh, hindi ka mamahalin nun, ako nalang please, mahirap ba talagang mahalin ang gaya ko,"

Mahirap ba talaga akong mahalin? Kahit kailan ba minahal mo din ako audrey
≧﹏≦






Itutuloy.....................

-
Sorry putol hahaha bawi ako sa susunod na chapter (❀◦‿◦)

Keep on reading.................♡

Kung Ako Ba SiyaWhere stories live. Discover now