Oy, Intsik

2.7K 18 0
                                    

"Oy, intsik! Nakikita mo ba ako?" Tawag ko sa kanya at tumawa.

Sinimangutan lamang niya ako.

"Oy, intsik! Natutulog ka ba?" Tanong ko ng nanliliit 'yung mata na tila ba ay ginagaya siya.

Sinimangutan niya ulit ako.


Linapitan ko siya isang araw, sabi ko "Oy, Intsik. Ngiti ka naman diyan oh. nalulungkot ako eh."

Nginitian niya ako, 'yung ngiting malungkot.

"Bakit ka naman malungkot, Laki mata?" Tanong niya sa akin at ngumisi.


"Kasi sa sobrang liit ng mata mo, parang hindi mo nakikita na gusto kita. Kainis ka naman eh."

Kontemporaryong DagliWhere stories live. Discover now