Bespren

4.8K 24 5
                                    

Oy, Bespren. tawag sa akin ni Mari.

Bakit? 

Wala lang.

Tinignan ko siya at ginulo ang buhok ng parang bata.

Argh. Ano ba 'yan bespren ih. Tagal ko kayang inayos 'tong buhok ko.

Tumawa ako. Nagpapaganda ka nanaman para kay Harper. Hindi ka naman pinapansin. Tsk tsk.


Sinimangutan niya ako. Tumalikod siya at hindi na ako pinansin ulit.

Break time namin at wala kaming magawa.

Oy, bespren. 'Wag ka na magtampo.

Hmp. Bahala ka diyan.

Ikaw kaya ang pinakamagandang bespren sa buong mundo. 'to naman oh, nagjojoke lang ako kanina.

Eeeeh, kainis ka naman kasi Luis.

Huwag ka nang mag-dabog diyan, lagi kaya akong nandito para sa'yo. Kahit na ayawan mo ako, bespren pa rin ang turing ko sa'yo.

Gano'n? Hihi.

Oo. Gano'n. Mahal na mahal kaya kita bespren. 

Kontemporaryong DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon