Prologue

71 3 0
                                    


Black beautiful dress? Check.

Black flat shoes? Check.

Dark lipstick? Check.

Pinaka dyosang nilalang sa mundo na naka all-black? Check and yeah, that's me.

Humugot ako ng malalim na hininga at tiningnan ang sarili kong repleksyon sa salamin. Naka all-black ako. Simula ulo hanggang paa ay walang kang makikitang ibang kulay, puro black lang.

Marahan kong hinaplos ang aking mukha at tiningnan ang aking repleksyon sa salamin. Dumapo ang kamay ko sa aking mala-airport na noo kaya't napangiwi ako. Perpekto na sana ang ang aking mukha ngunit panira talaga itong noo ko.

Napalingon ako sa left side ng kwartong ito at kaagad napukaw ang atensyon ko ng carousel explosion box na ginagawa ko sa boyfriend ko.

Kinuha ko ito at inilapag sa coffee table at marahan ko itong binuksan. Tumambad sa akin ang maliit na music box sa gitna nito kaya't pinindot ko ang switch button. Nang tumunog ang isang musikang nakakapag paalala ng happy memories namin ay kaagad akong sumabay sa kanta.

"Ate! Tapos na daw 'yong egg pie! Kunin mo na daw!"

Natigil ako sa pagkanta ng marinig ang sigaw ng aking little bitch brother. Kaagad kong ibinalik sa dating ayos ang explosion box at iniligay ang mga takas na buhok sa likurang bahagi ng aking tenga. Panira ng moment! Tsk.

"Andyan na!"

Agad akong tumayo sa pagkakaupo ko at kinuha ang black bag ko. Ilan sa mga nilalaman nito ay headphones, charger, powerbank at syempre ang cellphone ko. Hindi naman ako tanga para dalhin ang mga 'yon kung hindi ko dala ang pambansang gadget sa mundo.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin at napabuntong hininga.

Padabog kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko at sa pamamagitan ng pagsipa rito ay kaagad itong nagsara. Mabilis akong naglakad at padabog na bumaba ng hagdan.

Ilang bangayan ang naabutan ko nang makarating ako sa kusina. Kinuha ko ang librong nakapatong sa table at ipinalo ito sa ulo ng little brother ko.

"Aray!" Sigaw n'ya ngunit tumawa lang ako.

"Yemi naman pati ba naman kapatid mo! Ang tanda-tanda mo na ayusin mo naman sarili mo! Tingnan mo naman 'yang suot mo!" Bulyaw sa akin ni mama. Pinasadahan n'ya ng tingin ang suot ko at kaagad na napailing. Bahagya akong tumawa at tiningnan ang naiinis na ekspresyon ni mama.

"Ate naman kasi para kang a-attend ng burol!" Malakas na pagkakasabi ng aking nakababatang kapatid na si Alex.

"Naghahanda lang sa burol mo." Nakangiti kong sambit kay Alex. Ngumuso s'ya at pinalo ako ng laruan n'yang robot. Pinitik ko ang noo n'ya bilang ganti ngunit sinita ako ni Mama.

Bahagya akong tumawa at nagkibit balikat. Si Alex ang little bitch brother ko. I think 8 or 9 pa lang ata s'ya. Lahat ng gusto n'ya ay nasususnod, spoiled kung baga. Pati nga 'yong oras dapat na magkasama kami ni Mama ay inaagaw n'ya. Tangina..

"Sino 'yang mga 'yan?" Turo ko sa mga batang kumakain sa lamesa.

"Classmates ko."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 13, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Boyfriend CommandmentsWhere stories live. Discover now