Chapter 3

246 7 1
                                    

Brooke Valdez

2 years later..

*phone rings*

Nagising ako sa ingay ng tunog sa phone ko. Pikit mata kong kinuha ang aking phone sa side table at sinagot ito ng di manlang alam kung sino ang tumatawag.

hello..

goodmorning handsome.

who's this?

who is this?! may pagkairitang inulit nito ang sinabi ko. Agad kong minulat ang aking mga mata at tiningnan kung sino ang kausap ko sa kabilang linya.

Ay, hi babe! hehe.

Neknek mo! tse!

Luh di ko po kasi nakita agad name niyo. Antok pa-- *hikab* antok pa ako eh. Pinagod mo kasi ako kahapon. haha.

Hahaha eh sorry naman, hina mo kasi eh natalo pa kita sa basketball. Such a weakling. gosh. pangaasar nito.

Weakling daw sus. Alas diyes ng gabi magyayaya magbasketball? Maduga ka kasi. Nanghahampas ka para makashoot. Basketball ba tawag doon?

Eh bat ba! At least talo ka!

Madaya!

Ewan ko sayo!

Oh bat ka galit hahaha

Ilong mo!

Ikaw nagumpisa mang-asar ah, ginising mo pa nga ko eh. Sarap sarap ng tulog ko.

Edi matulog ka nalang maghapon! sorry ha! Wag ka na sana magising!

Hooy wait la---

*toot toot*

Babaan ba naman ako. Pikunin talaga. Siya nanguna mangasar tapos kapag siya naman inasar mapipikon. Baka may dalaw to ngayon. Mapapailing ka nalang talaga eh.

Alas siyete palang oh ano ba yan!

Bumangon na ako at kumilos. Kailangan ko lang bilhan ng pagkain yun para di na uminit ulo sakin. Peace offering kumbaga.

Mabilis naman akong natapos at kinuha ko ang susi ng kotse at wallet. Sinigurado ko munang safe na ang bahay bago tuluyang umalis.

Huminto muna ako sa drive thru ng jollibee at umorder ng pangbreakfast namin nung pikunin. Pagkatapos ay dumiretso na ko sa kanila.

Dahil sa pilyo ako, pinindot ko ng maraming beses ang doorbell hanggang sa buksan niya ito. Ngumiti ako ng pagkalapad lapad.

Goodmorning pretty.. bati ko dito.

Pretty mo lelang mo!

Hoy wait araaay! hinarang ko agad yung kamay ko dahil sasaraduhan niya ko ng pinto.

Bakit ba! Umalis ka na nga! hawak ko ang kamay kong naipit.

Grabe, papasukin mo muna kaya ko! reklamo ko.

Ayoko! Ano namang gagawin mo dito?!

Kakain tayo oh! sabay pakita ko ng binili kong pagkain.

No thanks, im full. bigla akong nadismaya sa sinabi nito.

Ah okay. Ako nalang kakain nito. Sayang ang dami pa naman. Sige uuwi nalang ako. Bye. walang emosyon kong tugon at naglakad na papuntang kotse.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 18, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Saving Phoebe LazaroWhere stories live. Discover now