Intro

483 11 0
                                    


Sa lugar na Metro Manila ay laging may krimen na nagaganap na kung saan ang may pakana ay ang Paperplane killer.



Binansagan ng media ng ganoon ang killer sa kadahilanang nagiiwan ito ng paperplane sa tabi ng mga nabibiktima niya at pulang rosas naman sa ibabaw ng dibdib ng mga ito.



Wala pang nakakatuklas o nakakahuli sa nasabing killer. Tinatantyang nasa 20 na kabataan na ang nabiktima at puro pa ito kababaihan.



Hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam kung bakit target ng killer ay mga kababaihan.



Kinikidnap niya ito at saka idinadala sa mga lugar na mayroong lumang warehouse. Inilalagay nito sa isang drained open hole at ipinapadlock ang bakal na harang upang hindi makalabas.



Tuwing rainy season ito nagaganap na kung saan walang tigil ang ulan at pagkalunod ang sanhi ng kanilang kamatayan.



Maraming kapulis-an at mga nbi agents ang sumusubok na lutasan ang krimen na ito ngunit wala pa sa kanila ang nagtatagumpay.





Ang mga ito na nakokonsensya na dahil marami nang buhay ang nakuha. Kailangan na talaga nilang kumilos ng doble upang mahuli at mailigtas ang mga biktima.



At ngayon may naibalita na naman na nawawalang isang babae na nagngangalang Phoebe Lazaro.



Sa loob ng isang linggo kailangang mailigtas na ang biktima bago pa ito mamatay dahil sa pagkalunod.



Maililigtas kaya si Phoebe Lazaro na ika dalawamput isang biktima?



----

Saving Phoebe LazaroWhere stories live. Discover now