Chapter 3 ♥ Mistake's Result

3 0 0
                                    

Min PoV

Hayy. Anong oras na hindi pa rin dumadating si Kyanna. Sabi ko kasi sumunod na lang siya sa Cafeteria. Ang bagal kasi kumilos eh I'm so hungry na.

I look at my wrist watch. 3 minutes na siyang late. Tsk. Baka naman kung ano nang nangyari don. Paranoid lang siguro ako. Humigop ako ng softdrink at tumingin ulit sa cellphone.

Nagbukas muna ako ng fb.

Pagkabukas na pagkabukas ko, isang hindi maganda at mga nakakainis na posts ang nakita ko.

Ohmyghad! Kilala ko na yung 'maniac' sa concert ni Papa Bryle! Waa!

Tsk. Maganda nga yung 'maniac girl' pero hindi naman tama yung ginawa niya sa idol natin!

Pag nakita ko talaga yang Kyanna na yan, o mas kilala bilang 'maniac girl', bibigyan ko siya ng mega sabunot! Ugh!

T3kah??? Ky@nNa? eH Kl4sMeYt k0eH YuN Ey! Y4r1 sY@ S4k1n!

Ano ba to? I can't understand the language of her -_-

Akala ko pa naman mabait si Kyanna! But she's so maniac. Nakakainis yung ginawa niya kay Bryle!

Lahat na lang puro tungkol kay Kyanna ang nakikita ko. But my heartbeat went faster nang may isa pa kong nakitang status.

[ATTENTION] Nakita ko si Kyanna Miazono papalabas ng classroom. C'mon guys! I know na papunta siyang cafeteria. Abangan natin siya nang makatikim ng leksyon!

O_O

K-kaya ba si Kyanna ay late?

Napatingin ako sa paligid ko. Si bessy rin ang pinag uusapan nila.

"Dito pala nag aaral yung 'maniac girl'? Dapat pinapa-kick out na siya."

"Tara girl. Puntahan natin. Naiinis na rin ako sa kanya. I want to give her a ultra sabunot"

Napatayo agad ako. Pupuntahan ko si Kyanna. Tumakbo na ako pabalik ng classroom pero huli na ang lahat. Ang daming tao na nagkumpulan at alam kong si bessy ang pinagkakaguluhan nila.

Sinubukan ko sila itulak lahat para makalapit sa bessy ko.

"Kyanna?" Sabi ko nang makita siya na nasa gitna ng nagkumpulang tao at nakatayo sa daanan. Ang dami niyang sabog ng harina at itlog from head to toe. Pero nakakatayo pa siya.

"Bessy..." Nanghihinang sabi niya.

Nakita kong babagsak na siya kaya lumapit na ko para sana alalayan siya pero naunahan na ko ni Kyle. Yung ka-member ko sa glee club na napagkamalan ni Kyanna na boyfrie—never mind.

"Dadalhin ko na lang siya sa clinic. You better report what happened to the principal" Kyle.

"O-okay. Ingatan mo siya." Tumango siya at umalis na na buhat buhat ang best friend ko. Nakita ko na lang ang sarili ko na tumutulo na ang luha. I feel hurt to see my best friend's condition.

Kyanna PoV

Inayos ko muna yung bag ko bago lumabas at puntahan si Bessy sa cafeteria. Huhuhu. Gutom na talaga is me.

Paglabas ko ng pinto, masaya akong naglakad-lakad sa labas. Hihi. Ang ganda talaga dito sa school namin. Ang daming halaman. At ang mahalaga sa lahat, walang bully—

Nagulat ako nung may mga grupong lumapit sa direksyon ko.

Ang daming babaeng humarang sakin.

Just One MistakeWhere stories live. Discover now